Kabanata XIV

158 14 0
                                    

Kabanata XIV

"M-Magandang umaga, Ginoong Alexandro." Bati ni Celestina nang makarating ito sa hardin. Nabigla ito nang makita si Alex na nagmumuni roon. Alexandro smiled at her. 

"Magandang umaga rin, Binibining Celestina. Ano ang iyong sadya rito?"

"Uh... Nais ko lamang sana na maramdaman ang simoy ng hangin." Nakayukong sabi ni Celestina. Hindi siya makatingin sa mga mata ng Ginoo na para bang mababato siya roon kung sakaling titingnan niya ito.

"Kung gayon ay maaari mo akong samahan, Binibini." 

"Ikinagagalak ko, Ginoo." Mahhinang sagot ni Celestina at tumabi sa Ginoo. Isang dipa ang layo nito sa Ginoo. She gulped. Umangat siya ng tingin at tumingin kay Alex. Nakapikit ang binata habang dinaramdam ang simoy ng hangin. Napaawang ang bibig niya habang tinititigan ang binata. She pursed her lips, suppressing her smile. Nang idinilat ni Alex ang mga mata niya ay umiwas ng tingin si Celestina. Kunwari ay nagmumuni-muni at nang magtama ang paningin nila ay ngumiti ito sa kanya. Celestina did the same.

"Bakit pala na ang isang Binibining tulad mo ay nag-iisa? Nasaan ang iyong kasama?"

"Uhm... N-Naiwan po siya sa silid sapagkat may tinatapos siyang kanyang binurburdahan pa mula sa isang araw." Napatango si Alex sa sinabi ni Celestina.

'Napakakisig talaga ng Ginoo.' Si Celestina.

Napalitan ang mga tauhan at si Leticiana naman ngayon. Nakangiti itong naglalakad papunta sa hardin ngunit natigilan siya nang makitang kasama ni Alex. Lalong lumaki ang ngiti nito pero nang makita ang kaibigang si Celestina ay unti-unting napawi ang ngiti nito. She deeply breathe.

"Celestina!" Sigaw niya habang tumatakbo papunta kay Celestina. Nakangiti na ito ngayon kumpara kanina. Napatingin siya kay Alex at nagulat. "I-Ikaw pa iyan, Ginoo. Magandang umaga at paumanhin sa aking pagsigaw." Alex smiled at her.

"Magandang umaga rin, Binibining Leticiana. Ano ang iyong sadya rito?"

"Katulad po ni Celestina ay naririto din po ako para damhin ang hangin." 

"Samahan mo kami kung gayon ang iyong nais."

"Salamat, Ginoo. Napakalinis ng iyong puso." Alex chuckled of what he said. Napatulala ang dalawa sa kanya. When he looked at them, they immediately averted their gazes and pretended to feel the cold wind. Ilang minuto na silang naroon.

"Matagal na rin akong naririto sa labas. Maiwan ko muna kayo." Ani Alex bago ilagay ang kamay sa dibdib bago yumuko sa dalawa. Celestina and Leticiana smiled before he walk away. Nakatitig ang mga ito sa kanya habang papalayo. Nang mawala na ito sa paningin nila ay nagkatitigan ang dalawa bago ngumiti.

"Napakabait ng Ginoo." Si Celestina. Her eyes were twinkling as she said that.

"Tama ka at ang Ginoo rin ay mataas ang respeto." Sagot ni Leticiana.

'Alam kong may pagtingin ka rin sa Ginoo, Celestina. Ngunit tayong mga saguiguilid na alipin ay walang karapatan sa Ginoo. Hindi kita hahayaang makasama siya kahit wala siyang nararamdaman para sa iyo. Hangal ka kung iniisip mong maaari kang piliin at mahalin ng Ginoo. Pipigilan kita, pipigilan ko kayo saaking makakaya upang mawala tayo sa landas ng Ginoo. Hindi kayo maaari ng Ginoo sapagkat nakatakda na rin siya kay Senyorita Victorina. Ilalayo kita sa Ginoo kahit pa ikaw ay aking kaibigan. Hindi ako makakapayag sa iyong nais. Dapat ay magkapareho tayo ng hinaharap dahil pareho lang tayong alipin." Leticiana thought before letting out a smirk.


Hinihingal ako nang magising ako. Pinatay ko ang alarm clock dahil kanina pa ito nagr-ring.

What the heck was that? Why would I dream about Alex again?

Rose From The Past ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon