CHAPTER 13

6.1K 107 16
                                    

Ayiee. Syempre. Thanks ulit sa mga votes! :) Labyu! SPG! SPG ALERT!

@ramj27, @akazukinchachalike , @cherilorraine ,  @idle8086 , @MZ_SAPORCO05 , @Legendary_Unicorn , @XxJinexX , @yourkryptoniteeee, @KerenLozanDelaCruz , @NicaAbrena, @itsshaneolazo, @whichwaytotokyo, @prettystupidgirl, @RudilynMaeRegudo , @yahnie04, @KathNipesDiaz, lynethabrea, @tonton1989, @ThePermanentRain, @GlaizaSison, @ladynagi-, @The_Chinita_Princess , @vanessataniacao,

=============================

-CHAPTER 13-

Agad na sumugod sa eksena si Trance at Martin. Nanlaki ang mga mata nila nang makita nila kung sino ang sinuntok ni Tim.

“Kristoff??” sabay nilang sabi. Mukhang hindi nila inaasahan ang pagdating ni Kristoff sa birthday ni Martin. Ay shet! Si Martin! Patay akoooo!

Bago pa makasugod si Kristoff kay Martin eh nakapagitna na agad ako sakanila. Agad kong hinampas ang dibdib ni Kristoff. “T-teka lang Kristoff! A-ano hindi—“ napasinghap ako nang hablutin ni Tim ang braso ko palayo kay Kristoff. Ay shemay! Teka umilag nga kayo! Ang haba ng buhok ko, baka matapakan niyo! Letsi! Kasalanan ko ‘to! Kinakabahan na tuloy ako.

“I told you, don’t flirt with other men!” nanlaki ang mata ko sa pagsigaw sa akin ni Tim. Aba’y bastos ‘to! Akala mo kung sinong hindi nakipagchukchakan sa kapatid niyang hilaw. Tsk!

“Gago ka, Martin!” napalingon ako sa kinaroroonan nila Martin at kitang-kita ko ang pagkuwelyo ni Kristoff kay Martin.

“Teka, ano bang problema?” kalmadong tanong ni Trance kay Kristoff tapos tinignan niya ako na parang nagtatanong kung ano ang nangyari. Napakagat ako ng labi at pilit na kumakalas kay Tim pero ang lakas niya kasi!

“Wag kang makialam, Trance.” Kalmado pero inis na sago ni Kristoff kay Trance. Umiling nalang si Trance at inantay ang sunod na mangyayari.

“Ano ba! Bitawan mo kasi ako! Kailangan kong linawin sakanya!”

“Linawin ang alin?” nanlilisik sa galit ang mga mata ni Tim na para bang inaakusahan akong nangangaliwa. As if! Kami ba? Tsk! Kainis ‘tong malanding ‘to!

“Akala niya, si Martin ang ama ng dinadala ko!” pabulong kong sabi sakanya matapos kong makakalas sa pagkakahawak niya. Hay salamat!

“WHAT!?”

Agad akong napatakbo sa kinaroroonan nila Martin at hindi ko na pinansin ang pa ‘what what’ ni Tim.

“Birthday na birthday ko, dude. Ano bang problema mo?” nakangising tanong ni Martin kay Kristoff. Muntik na siyang masapak ulit ni Martin, buti nalang naagapan ‘yun ng pagsigaw ko.

“SHIT! JOKE LANG ‘YON KRISTOFF!” agad kong hinaltak ang kamay ni Kristoff palayo kay Martin. Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin kay Martin. “Sorry, Martin.” Nagsalubong ang kilay niya sa paghingi ko ng tawad. Nakaka-attract na rin kami ng maraming audience kaya tinulak ko sila papunta sa VIP room.

Painful Desires (completed)Where stories live. Discover now