9 - Versus

1.2K 42 27
                                    

Update na! Mejo hinabaan ko na para pambawi na rin sa mejo mahabang paghihintay. Keep safe guys! And pagdasal natin nasa sana hindi makapinsala si Typhoon Ruby sa family natin, sa sarili natin at sa ibang tao. Tiwala lang sa nasa taas! Walang imposible sa kanya :)

9 - Versus

Chad’s POV

Kahit na malungkot ako sa mga nalaman ko kagabi hindi ko pa rin mapigilang mapangiti sa tuwing naiisip ko na kasama ko si Erickson ngayon dito. Kung yung lalaking iniisnob lang ako kapag nakakasalubong ko, yung dating gwapong lalaki na sa hanggang tingin ko lang at sa isip ko lang nagagasaha (chraught!) Ngayon kasama ko dito matulog, kahit na sabihin kong medyo masakit yung narinig ko kanina sa kanya habang natutulog sya ay okay lang. Ang sabi ko nga di ba? Gagawin ko ang lahat magustuhan lang nya ako, sa kanya kung mismo natutunan yan eh. Na ang lahat ng bagay natutunan, so hindi malabong matutunan nya rin akong magustuhan.

Nagising ako ng 5:00 ng umaga, still nakauniform pa rin pero buti na lang at hindi masyadong mainit kagabi dito sa AVR1 kung hindi amoy putragis na ako! -_- Nagising ako ng naka-kumot at wala na si Erickson sa tabi ko, asan na kaya yun?!

Tumingin ako sa paligid, medyo madilim pa rin pero bukas na yung pintuan ng AVR1. Sumilip ako sa labas pero wala pa ring tao dahil sobrang aga pa. Alas-7 pa ang pasok ng mga estudyante dito sa RDJ, eh asan kaya si Erickson?

Pumunta ako sa place ng mga school janitors kung saan nandun si Kuya Alvin, yung isa sa mga close naming Janitor nila Rey. Tinanong ko kung nasaan si Erickson at kinwento ko sa kanya na na-lockan nga kami sa AVR1.

“Nako, pasensya na talaga kayo hijo. Ang akala ko wala ng tao dun dahil ang sabi ng kaibigan mo kagabi wala ng tao sa mga faculty at AVR kaya umuwi na ako at hindi na na-check..” Kwento ni Kuya Alvin, teka? Sinong kaibigan naman kaya ang nagsabi nun? Don’t tell me?!

“Sinong kaibigan po?”

“Si Rey. Kasabay ko sya umuwi kagabi eh. Ang sabi nya wala na daw tao dito sa first floor ng fourth year building nung dumaan sya kaya ayun hindi ko na chineck at sabay na kaming umuwi..” Ngayon alam ko na kung sino ang may kasalanan kung bakit kami nakulong ni Erickson sa AVR. Ang gagang Rey pala! -_-

“Ahhh sige kuya, hayaan mo na po si Erickson po ba nakita nyo po?”

“Ahh si Erickson, umuwi na nung binuksan ko kaninang alas-4 ng madaling araw yung AVR1. Nagbilin pa nga sya na ipagamit ko daw sayo yung extra uniform nya e, buti na lang daw at meron sya sa locker nya. Ayaw ka na daw nya istorbohin kasi ang sarap daw ng tulog mo..” Sabing ganyan ni Kuya Alvin. Ako naman namula dahil sa pagpipigil sa kilig. Hindi ko alam kung bakit pero yung pagtrato sa akin ni Erickson nakakatuwa at nakakatouch. Kung ibang lalaking yan malamang mandidiri yan na makasama ang isang bakla sa isang room ng isang gabi, kung ibang lalaki yun at makakasama kong matrap sa isang room malamang hindi yan tatabi sa akin kasi iba ang iisipin nya pero iba si Erickson. Imagine, kahit na hindi naman ako babae concern pa rin sya sa akin, sa uniform na susuotin, sa lalim ng tulog ko at kinumutan pa ako! Oo na, alam kong maliliit na bagay lang yun, pero teh! Ikaw kaya ganyanin ng dream guy mo! Kung di ka mangisay sa kilig. Haha!

So bumalik na ako sa AVR1 para kunin yung gamit ko. Tumawag na rin ako kay mudrakels at sinabi ang lahat ng nangyari. Ayaw pa ngang maniwala eh, ang sabi baka daw umawra lang ako, buti na lang nung pinakausap ko na si Kuya Alvin sa phone naniwala na sya.

Naligo na ako sa may gymnasium sa tulong na rin ni Kuya Alvin. Actually bawal talaga kasing mag-CR dun once na hindi ka belong sa pilot class o hindi ka naman varsity o club member. Maya maya ay dumating na si Ate (kapatid ko, dito din kasi sya nagaaral, 4th year sya, pilot) sa may gym para ibigay sa akin yung baon ko at yung undies ko haha!

Ang Valedictorian ng Puso Ko (Pilot vs. Lower) (Slow Updates)Where stories live. Discover now