Chapter 1

434 20 1
                                    

"Ian, saan ako titira kapag naibaba mo ako sa Muhlach?" pagtatanong ko sa kanya habang nakapikit at nag iisip kung anong gagawin kong plano para malaman kung anong mayroon sa mga Muhlach, malamang sa malamang ay kilala ang pamilyang iyan doon, kaya nakakatakot pa din kung bigla na lang ako umaksiyon ng wala sa tamang pag iisip.

Bakit kasi ngayon agad? Hindi ko tuloy alam kung sapat ba ang mga plano na naisip ko para dito, hindi ko alam kung tama ba ang mga hakbang na gagawin ko.

Para akong nakikipaglaban sa kamatayan at buhay.

Sino ba naman kasing gago na tatakutin tapos bigla na lang lalakad ng walang plano na binubuo kahit isa 'di ba?

Sa totoo lang lahat ng balahibo ko ata tumayo ng sinabi ni Ian ang tungkol diyan, kung hindi lang talaga ako naglalakas ng loob baka pati si Ian matagal ko ng iniwan.

Kailangan ko ba talaga maging Teacher or pulubi? Teacher na lang siguro, pakinig ko din doon ay wala naman o pinagbabawalan ata ang mga pulubi sa daan, baka mapalayas lang din ako ng wala sa oras.

Isa pa, mas magiging praktikal na lamang ako.

Tama, tama. Teacher.

"Basta may hihintayin ka doon na lalaki, dadalahin ka niya sa hotel na kinuha ko para sa'yo. Huwag ka mag-alala, hindi naman kita iiwan hangga't hindi siya dumadating" sabi niya, hindi ko iyon masiyado iniintindi dahil lumilipad ang isipan ko sa kahahrapin ko at tiningnan ko ang dinadaanan namin.

Wala naman tao ang magtatangka pumunta dito, ang mga damo na kasing tangkad na ni Ian, mukhang hindi din gaano dito tumatapat ang araw, napakalayo sa expectation ko, akala ko naman ay napakaganda dito. Masiyado naman palang magubat.

Tinigil ni Ian ang sasakyan kung saan mas matatangkad pa ang damo, mga sira ang daanan.

May nakalagay pa doon na sign na Muhlach, pero pawala na din ang tinta ng pagkakasulat noon, parang sobrang luma na. Ayaw na ata palitan. O sadyang ganito lang talaga dito?

May tao pa ba talaga dito? Kung tutuusin mas gugustuhin ko din sa ganito, tahimik, walang mga tsismosa sa tabi na pagku-kuwentuhan ang buhay ko na akala mo naman ay mas alam pa ang mangyayari sa buhay ko kaysa sa akin.

"Sure ka? Akala ko mayaman sila pero bakit mukhang?" pagtatanong ko na naman habang tinitingnan pa rin ang paligid, nakakatakot lang din kasi baka mamaya ay may ahas na pala dito.

Sabi kasi ni Ian sa kuwento niya, mayamang lugar ang Muhlach.

Nahahati ang mamamayan sa tatlo,

Enervated- Pinakamahina sa kanila. Hindi naman talaga sila kalahi, sabi kasi sa Muhlach dati, mahilig sila makidigma, ayan, may alipin sila, mga nagbabayad iyan ng buwis ngunit hindi naman sila ganoon nahihirapan daw, hindi ko tuloy alam kung tunay nga ba.

Man-at-arms- sila naman 'yung mga palaban sa teritoryo nila. Hindi kapani-paniwala 'di ba? Namumuhay sila na parang nasa unang panahon pa din, nahahati pa din sila, isa pa, alin ako sa diyan kung makapasok nga ako sa mga Muhlach at nagtagal nga ako...

Uso na ang gadget at lahat pero may paganoon pa din sila, hindi kapani-paniwala.

Herculean- sila ang pinakamalakas sa tatlo. Sabi dito, ito ang pamilyang Muhlach, sila ang nasusunod sa lahat, hindi ba sila napapalitan? Parang ang tagal tagal na at sila pa din, baka pasa pasa kung ganoon.

At ako? Itong kagaya ko na parang turista sa bayan nila ay hindi nila pinake-kealaman dahil sa turista pa lang.

Depende pa iyon sa hari.

Nakakabaliw lang dahil paano mahahati ang mamayan pa nila sa tatlo kung 2,468 na lamang ang populasyon sa bayan na ito? Hindi man lang sila nakaabot ng lima man lang.

Yours for CenturiesWhere stories live. Discover now