Chapter 5

242 23 0
                                    

Aaminin ko, pagkatapos ko maglinis sa kuwarto niya, nagsitayuan lahat ng balahibo ko, ngayon ay hindi na lamang basta tao ang tingin ko sa kanila.

Pakiramdam ko ay may tinatago sila na ayaw nilang ipaalam sa lahat but I do really want to know.

Cold, speed, can read minds, what are you?

Binuksan ko agad ang aking laptop, buti na lang talaga may signal. Sinearch ko agad ang mga katangian nila, kahit takot ako sa malalaman ko, pinagpatuloy ko pa din ang paghahanap sa kanila.

Habang nags-scroll ako, iisa at iisa ang lumalabas.




They are vampires. I'm living in a mansion full of vampires.




But I am nor scared na parang gusto ko na lumayas, kung tutuusin ay parang gusto ko pa lalo magtagal. I don't know why.



I have many questions now in my mind, would he give the answers?



Ariel Edward Muhlach, akala ko mailap sa tao? Bakit ka nagpakita sa akin? Bakit parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng halikan mo'ko? At bakit mo ako hahalikan?



W-wait?! Hinalikan niya ako, first kiss ko 'yun, isa pa, kailangan niyang ibalik 'yun!

Ay, tanga, alangan naman na halikan ko ulit siya para maibalik?

Napasampal ako sa noo ko sa mga naiisip ko, at bakit ko naman gugustuhin iyon?!



Kaya pala kailangan ko mag-ingat, kaya pala kahit ang edad nila ay daan daan na, hindi sila namamatay, hindi nangangalubot ang mukha nila, kung magpaka bampira ba ako hindi na din ako mamamatay kagaya ng sa kanila?

How about my parents? Ginawa ba nilang pagkain sila Mama? Paano ako makakaalis dito? Sa tingin ko naman ay sapat na ang impormasyon na nalaman ko, alam ko ng bampira sila, nakita ko na si Ariel, iyon lang ay kung paano na ako makakalabas dito?

Hindi ba at masiyado naman atang halata kung ngayon din ako lalabas?

Hindi naman sapilitan ang gusto ni Aga na doon lang ako sa tabi niya 'di ba?

Paano ako mabubuhay dito? Mabubuhay nga ba ako?

Biglang may kumatok sa aking pintuan na nagpabalikwas sa akin kaya mabilis akong tumayo at pinagbuksan ito.

"Vienna.." sabi ko at hindi ko mawari kung anong klaseng titig ang binibigay niya sa akin, but now I know what they are, pakiramdam ko ay kahit pati ako, manlalamig sa kaniya.

"Pumunta ka sa kuwarto niya, now." sabi niya at agad din umalis sa harapan ko, hindi ko alam kung dapat ko bang sundin iyon.

Wala naman akong sinabi sa amo ko na pupunta ako ng ganitong oras sa kuwarto niya.

Kakatok pa lamang sana ako ngunit nagbukas na iyon ng kanya, ito na naman ang puso ko, parang dina-drum sa kaba.

"Ilang araw kana dito?" tanong agad sa akin ni Aga, nakatingin siya sa may bintana at hindi alintana ang pagdating lo dito para sa kaniya.

"Padalawa pa lamang po ngayon." sabi niya at doon konna nakuha ang atensiyon niya at agad na tumingin sa akin bago binasa ang kaniyang mga labi.

Ang hilig tumitig ng nga bampira.

"Matalino ka, sa bagay, matalino naman ang mga magulang mo." sabi ni Aga, doon nawala ang kaba ko, para akong sinaksak ng kutsilyo ng marinig ko na naman ang salitang magulang.

How can he talked about my parents? Sila ang pumatay, paano pa niya nasasabi iyan sa harapan ko?

Isinama niya na sa usapan ang mga magulang ko, then maybe I can ask him more about that.

Yours for CenturiesWhere stories live. Discover now