Chapter 3

31 0 0
                                    


Chapter 3

"Ano?!" halos bulong ko lang na tanong kay Kuya Paolo, hindi makapaniwala sa narinig ko.

"Yes, at ayaw niyang makita mong nahihirapan siya, so please... umalis ka na. I really need to go. Masyado ka ng maraming alam," balik nito sa akin bago tuluyang maglakad patungo sa kotse niya. Agad ko naman siyang sinundan.

"So ganoon na lang ba 'yon, Kuya? Mas gugustuhin na lang niya na wala akong gawin? Na paniwalain na lang niya ako na iniwan niya ako dahil ayaw na niya sa akin habang unti-unti siyang nanghihina?!" pagsumbat ko kay Kuya Paolo habang busy ito sa pag-aakyat ng mga maleta sa kotse niya. "Kuya, anong sakit niya? Kailangan kong malaman. Kailangan ko siyang alagaan. Please naman, oh!" pagmamakaawa ko.

Natigilan ito.

"Please naman, Kuya Pao. Nahihirapan na si Kyle," malungkot na pagsingit ni Janine sa usapan namin.

Bumuntong-hininga ito.

"They found something... in his brain. At sabi ng mga doktor, wala na daw kaming magagawa kundi maghintay..." pagsisimula niya. "Kyle, mabait ang kapatid ko! Bakit sa lahat ng kukunin ng Diyos siya pa?! I love my brother at hindi niya deserve 'to!" pag-iyak niya na mas lalong nakapagpalungkot sa akin. Agad namang lumapit si Janine para yakapin ito.

"Kuya, kailangan ko siyang makita... Please. Kaya na'tin ito, malalampasan natin 'to. Let me be there for him... for you," sagot ko.

Panandalian siyang nahimasmasan, napaisip, at sa huli ay tumango ito.

"Okay, might as well before we—" saad nito ngunit bigla itong natigilan.

"Before ano?" taka kong tanong. Hindi na lamang ako nito pinansin at dumiretso sa driver's seat.

"Sundan niyo na lang ako ni Janine," wala sa loob nitong utos sa aming dalawa.

--

Habang ako'y naglalakad, habang ako'y papalapit, habang tinatahak ko ang landas tungo sa kwarto niya ay hindi ko maiwasang kabahan. As of now, hindi pa rin maprocess ng utak ko kung gaano nga ba talagang ka-grabe ang mga nalaman ko, ang mga nangyayari ngayon—kung gaano na nga ba kalala ang kondisyon ni Ethan.

"Be strong, okay? Hindi dapat niya makitang nanghihina ka," masuyong bulong sa akin ni Janine. Inakbayan ko na lamang ito bilang senyales na nagpapasalamat ako dahil nandito siya para sa akin ngayon.

Habang papalapit kami sa aming destinasyon ay doon ko nadatnan ang mama ni Ethan. Hindi ko naiwasang biglang kabahan.

"Paolo, nadala mo na ba 'yung pass— Oh," pahayag nito nang madatnan ako.

I've never had a bad relationship with Ethan's parents—civil kami sa isa't-isa ika nga nila, pero I've always felt that they never liked me for their son. Hindi ko alam kung swerte nga ba ako o malas dahil kahit ayaw nila sa akin ay hindi naman nila ako inaaway o pilit na inaalis sa buhay ng kanilang anak, but still, ang hirap sa pakiramdam na wala ang kanilang approval.

"You shouldn't be here, Kyle," mariin nitong sabi sa akin. Agad naman itong bumaling sa panganay niya. "Ano bang pumasok sa isip mo Paolo?! Bakit mo siya kasama?" pagsita nito sa anak niya.

"Good afternoon po, tita," nahihiya kong pagbati rito, ngunit hindi ko rin mapigilang maging sarcastic dito.

"The doctors said na hindi dapat ma-stress si Ethan. As much as gusto kong i-settle our differences, hijo... I'm just doing what I think is best for my son," walang paligoy-ligoy nitong saad na siya lalong nakapagpatindi sa hiya na nararamdaman ko.

UnconditionalWhere stories live. Discover now