Chapter 9

28 0 0
                                    

Chapter 9

Marco.

Inintay kong matapos si Janine sa kanyang dance practice bago ko ito yayaing magmerienda para naman ma-orient ako sa mga nangyari sa buhay ni Kyle sa loob ng tatlong taon kong pagkawala. Sinabihan ako nitong intayin ko lamang siya sandali dahil magpapalit lamang daw siya ng damit na siya namang sinunod ko. Habang naghihintay ay napukaw ang atensyon ko ng dalawa nitong kasama sa troupe: isang lalaki at babae na tila ba ay nagkakamabutihan. May sinasabi iyong lalaki doon sa babae na dahilan para mapahagikgik ang huli. Napangiti na lamang ako dahil mahirap mang aminin ay hinihiling kong sana ay dumating din kami sa point ni Kyle kung saan gagawin namin ang ginagawa ng dalawang taong nasa harap ko.

Bigla namang niyakap ng babae iyong lalaki na siyang dahilan para mapangiti ito. Hindi ko mapigilang mainggit at mag-alala sa mga nakita ko. Naiinggit ako dahil matagal ko na rin kasing gustong may makasamang tao na kung saan ay magagawa ko iyon—ang yakapin ito, halikan, lambingin. Pero ang mas ikinakatakot ko ay ang posibilidad na baka hindi pa pala ako handa para sa ganoong uri ng relasyon, much more sa isang relasyon kasama ang isa pang lalaki. Ngunit isang bagay naman ang sigurado ko: mahal ko si Kyle. Binuro ng maraming taon itong natutulog kong damdamin at hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko dahil nagpakatanga ako sa mga panahong mahal pa niya ako. Sinaktan ko pa siya dahil sa pagiging gago ko at sarado ang isip. Iniwan ko pa ito kung kailan nasa kalagitnaan siya ng isa sa mga pinakamababang bahagi ng buhay niya. Nasaktan ko ito sa loob at sa labas. Umabot pa nga sa muntikan niyang pagkamatay ang kagaguhang ginawa ko rito.

Dahil dito ay iniisip ko kung tama nga ba itong mga ginagawa ko. Marami ng nagsabi sa akin sa London na dapat daw ay tuluyan ko ng kalimutan si Kyle at hayaan itong mamuhay ng tahimik. Ngunit tila ba mas nangibabaw pa rin ang kung anuman ang nararamdaman ko sa kanya at ang kagustuhan kong ibalik ang dati naming samahan at itama ang mga nagawa kong mali noon.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makaramdam ako ng kalabit sa aking balikat. Nang lumingon ako ay nakita ko si Janine. Nginitian ako nito at naupo sa tabi ko.

"Ang sweet nila, noh?" sabi ko sa kanya, sabay turo doon sa dalawang taong naglalandian sa harap namin. Nagulat naman ako nang mapairap siya.

"Nako, iyang dalawang naglalandian! Si Charie 'yan at si Anton. Girlfriend 'yan ni Isaac!" pagpapaliwanag niya sa akin na tinanguan ko. "Ay wow," ang tanging naging reaksyon ko dahil obvious naman na hindi lamang magkaibigan ang dalawang ito. "Diyos ko, ewan ko ba sa babaeng 'yan. Ang ayos-ayos na ng boyfriend niya naghanap pa ng iba. At 'yang si Anton pa! Tsk, tsk," napapailing na opinyon nito.

"Si Isaac ba sobrang crush ni Kyle?" tanong ko dito na medyo nahihiya.

Napangisi naman ito dahil sa naging tanong ko. "Ay nako, seloso ka pala! Pero to be honest, oo. Si Kyle kasi bihirang magka-crush 'yan. Sobrang mapili. Ang dami ko ng ni-refer diyan dati pero wala siyang natipuhan. Well, may karapatan naman siya maging choosy. Pero si Isaac kasi 'di ba? Iba 'yung pagdadala niya sa sarili niya, eh. Bonus na lang 'yung mukha talaga siyang mabait at malinis," paliwanag niya.

"Pero siguro dahil straight 'yun at may Seb naman siya hindi –"

"Huh? Sino si Seb?" gulat kong tanong. Hindi ko akalaing nagkaboyfriend pala itong si Kyle!

"Boyfriend niya. I mean, ex niya," sagot niya. Base sa tono ng pananalita niya ay tila nararamdaman kong parang ayaw nitong magkwento, ngunit nagpumilit ako.

"Anong nangyari sa kanila? Bakit sila nagbreak? Nasaan na siya ngayon?" sunud-sunod na tanong ko.

"Teka lang! Ayoko magkwento eh..." nag-aalangang pilit niya sa akin.

UnconditionalWhere stories live. Discover now