O5

248 13 11
                                    

hyunjin's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

hyunjin's

sobrang pait ano ba to?

lumapit ako sa counter para magtanong sinong gumawa ng order ko.

" hello sir! may order po kayo ulet? " tanong ng cashier saakin. napa hinga nalang ako.

" ah hindi. gusto ko lang sana makausap sinong gumawa nung order ko na kape? " sabi ko sa cashier nang may naiiritang ngiti.

mukhang kinakabahan siya sa sinabi ko.

" a-ah sige sir. tatawagin ko lang po. maupo na muna kayo at siya nalang pupunta sa table niyo. " sabi niya sakin.

tumango ako at bumalik sa upuan ko. seryoso ang pait ng kape!

di nag tagal, may papalapit na babaeng nakayuko at naka apron. natatakot ata to.

" uh sir pinatawag niyo po ako? "

itinaas ko yung tingin ko para kausapin yung babae pero-

-shet ang ganda niya.

natulala ako onti bago niya ako tinawag.

" sir okay ka lang ba? may problema po ba sa ginawa ko? " tinanong niya sakin.

ah, oo pala.

" ang pait naman ng kape niyo! " naiinis kong sabi habang itinuro yung baso ng kape.

" pero sir... kape po yan eh. " medjo naiirita niyang sabi.

ilan ba ang magsasabi niyan sakin?

" oo pero sobrang pait naman neto! ano ba kasing ginawa mo? "

halos mapanganga yung babaeng nasa harap ko.

" sir order niyo po italian roast coffee. sadyang mapait po talaga yon. akala ko po alam niyo yon? " natatawa niyang sabi sakin.

GANON YON!?

" a-ah ganon ba? sorry medjo bago pako sa nga kapeng ganto. sorry. pwede ka nang umalis. " nahihiya kong sabi habang napaupo ako.

pinigilan ng babae yung tawa niya bago tumango at umalis papuntang kusina.

pota nakakahiya.

⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀

⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓⎓

⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀
[ author's note ]

sabi nila mapait daw talaga ang
italian roast coffee so ewan huhu

⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀ ⁣⠀⁣⠀ ⁣⠀

kape. → hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon