Her point of view

792 7 0
                                    

Her POV

Pauwi na sana ako nang mapansin ko si Olaf-slash-Nathaniel na nakaupo at nakayuko sa may coffee bar ng kompanya namin. May pinagdadaanan kaya ang masungit na ‘to?

Lumapit ako sa kanya pero nasa may pintuan pa lang ako ay napa-atras na ako agad. Ang lamig ng kuwarto at biglang nagsipagtaasan ang mga balihibo ko. Sabi na nga ba, may itinatagong itim na mahika itong si Olaf.

Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad pero bigla akong natigilan ng marinig ko ang malamig niyang boses at pakiramdam ko hihimatayin ako ng wala sa oras.

"Anong ginagawa mo dito?"

Humarap ako sa kanya at base sa ekspresyon ng mukha niya ay mukhang hindi niya nagustuhan ang pagpunta ko dito. Sinubukan kong ngumiti pero seryoso pa rin ang tingin niya. Hindi ba ‘to marunong ngumiti? Hindi ba yung itinuturo sa paaralan?

Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago ko napagpasyahang umalis na. Mahirap na, baka isumpa pa ako nito o kaya mahawaan pa ako nito sa kasungitan niya. Sayang, guwapo pa naman.

"Hoy Ellie! Saan ka ba galing?" kunot-noong tanong ni Majoy pagkasalubong ko sa kanya. "Kanina pa kita hinihintay. Akala ko tutubuan muna ako ng mga ugat at dadapuan ng puting uwak bago ka dumating."

"Ang OA mo." Inirapan niya lang ako pagkasabi ko nun na ikinatawa ko naman. "Pikon nito. Kay Olaf ako galing," sabi ko at biglang nanlaki ang mga mata ni Majoy.

"Kay Ice man? Buti naka-survive ka pa?"

Ice man ang kalimitang tawag ng ilang empleyado dito kay Nathaniel dahil kapag lumapit ka sa kanya pakiramdam mo nasa Antartica ka na pero ako Olaf tawag ko sa kanya, bakit? Ewan ko. Feel ko lang, para maiba at dahil adik ako sa Frozen siguro.

"Don’t worry, lagi akong may dalang jacket." sabi ko at nagtawanan na lang kami.

Pumunta kami sa tinatambayan namin ni Majoy na café para kahit paano ay mabawasan yung stress na nararamdaman namin dahil sa trabaho. Pagkarating doon ay binati kami agad.

"Good morning ma’am. Welcome to Kapelibro. Usual spot ma’am?"

Kilala na kasi kami ng mga staff at kahit ng may-ari ng café. Kulang na nga lang daw dito ba kami manirahan e. Tumango kami ni Majoy at dumiretso na sa may second floor. Pagkarating doon ay kinuha ko yung paborito kong libro na pinamagatang AFGITMOLFM.

"Hindi ka ba nagsasawa sa librong yan Ellie?" tanong ni Majoy at umiling naman ako agad.

Ako? Magsasawa sa AFGITMOLFM? Hindi yata puwedeng magsama sa isang pangungusap iyon dahil kapag nangyari yun baka magunaw na ang mundo.

"Til’ death I’ll read this book. Hinding-hindi ako magsasawang basahin ‘to." masaya kong sabi kaso lumungkot ulit ako. Sorry bipolar ako. "Kaso lang hindi ko pa nakikita si Ate Ianne at gusto ko talaga siyang makita. In fact, nasa bucket list ko kaya yun at things to do before I die.

Wala kasi akong time kapag may booksigning si Ate Ianne na author ng AFGITMOLFM at minsan kung may time naman, hindi ko alam. Ang saya ‘di ba? Parang nakatadhana na hindi kami magkita kaso katulad ng forever, hindi ko pinapaniwalaan ang tadhana.

"Huwag kang mag-alala Ellie, sa birthday mo gagawin ko ang lahat ma-kidnap ko lang yang paborito mong author."

"Talaga?" masaya kong tanong.

"Syempre hindi. Kaya ka nasasaktan e, lagi kang umaasa."

Langya. Napakasama at sadista talaga ng taong ‘to sa akin? Bakit ko nga ba ‘to naging kaibigan? Tinalikuran ko siya. Bahala siya. ‘Di kami bati.

When Two Lovelorn People Met (AFGITMOLFM Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon