His point of view

187 6 0
                                    

His P.O.V

Akala ko masaya na kami. Akala ko siya na talaga ang babae para sa akin pero akala lang pala iyon at maraming namamatay sa akala. Ano bang ginawa ko para ipagpalit niya ako sa ibang lalaki? Naging mabuting nobyo naman ako ‘di ba?

Marahil kung hindi dahil sa kanya ay maayos pa rin ang buhay ko at ang pakikitungo ko sa ibang tao. Ganoon talaga siguro kapag nasaktan ka ng sobra, kahit ayaw mo, magbabago at magbabago ka talaga.

May narinig akong kaluskos kung kaya’t napatanong ako agad kung sino iyon at nang lingunin ko siya ay nakita ko si Ellie, isa sa mga bagong empleyado dito sa opisina at ang balita ko ay may bagong mocking name sa akin maliban sa ice man.

"Anong ginagawa mo dito?"

Humarap siya sa akin at ngumiti pero tiningnan ko lang siya. Tiningnan niya lang din ako hanggang sa nakipagtitigan na siya sa akin. Ilang segundo ang lumipas bagos siya tumalikod ulit at umalis na.

Doon ko lang napagtanto na siya na lang ang tanging empleyado na kayang lumapit sa akin within ten meters at makipagtitigan. Ang weird niya. Hindi ba siya naiilang sa presensya ko katulad ng ibang tao?

Biglang tumunog ang cellphone ko at kinuha iyon agad para basahin yung text nung taong inutusan ko para hanapin at sundan palagi si Rhianne.

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang mag-break kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on. Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko kahit hindi na ako ang laman ng puso niya.

Good morning sir Nate, Nasa may Kapelibro po ngayon sina Ms. Rhianne at ang nobyo nito.

Pagkabasa ko ng message na iyon ay hindi na ako nag-atubili pa at dumiretso na roon. Wala akong kahit na anong inihandang plano o ano pa man dahil isa lang naman ang gusto ko, ang makita si Rhianne at kausapin siya baka sakaling magkabalikan pa kami.

Mukha man akong desperado pero desperado talaga ako. Ganoon ko siya kamahal pero hindi ko alam kung bakit at papaano niya nagawa iyon sa akin.

Pagkarating sa Kapelibro ay agad ko silang nakita agad ng nobyo niya sa parking lot. Ipinarada ko ang sasakyan ko at saka bumaba. Halatang nagulat si Rhianne sa presensya ko. Agad akong lumapit sa kanila.

"Rhianne-"

"Anong ginagawa mo rito Nate?"

"Rhianne please, gusto ko lang namang makipagusap sa iyo," pagsusumaamo ko kay Rhianne.

"Pare layua-"

"I’m not talking to you," sabi ko sa nobyo ni Rhianne at ibinaling ko ulit yung atensyon ko kay Rhianne.

"Nate alam mo? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Mag-move on ka na. Wala ka nang mapapala sa akin," sabi ni Rhianne.

"Bakit mo ba kailangang gawin ito Rhianne? Ano ba ang naging mga pagkukulang ko?"

"Wala Nate. Ako ang may kasalanan. Gusto ko lang talaga makilala ang mama mo kaya kita sinagot. Gusto ko lang mapalapit sa mama mo. Masaya ka na? Please layuan mo na ako."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinabi ni Rhianne. Tiningnan ko siyang mabuti at alam kong hindi totoo yung mga sinasabi niya. Alam ko yun. Naramdaman kong minahal niya ako.

"Hindi Rhianne. Alam kong nagsisinungaling ka. Lahat gagawin ko bumalik ka lang sa akin. Gusto mong lumuhod ako?" Ganoon na ako ka-desperado. Tiningnan niya lang ako kaya lumuhod ako. "Rhianne please, bumalik ka na sa akin."

Paulit-ulit kong sinasabi iyon. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng ibang tao o pinagbubulungan, ang mahalaga ay bumalik sa akin si Rhianne at wala ng iba.

When Two Lovelorn People Met (AFGITMOLFM Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon