Third person point of view

182 3 0
                                    

Third P.O.V

Pauwi na sana si Ellie nang mapansin niya si Nathaniel Go na nakaupo at nakayuko sa may coffee bar ng kompanya nila. Mahahalata mo rito na may malalim itong iniisip.

Lumapit siya dito para sana tanungin kung ayos lang ba siya pero nasa may pintuan pa lamang siya ay napa-atras na siya agad. Naramdaman niya kasing sobrang lamig sa coffee bar na naging sanhi upang magsipagtaasan ang mga balihibo niya.

Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad pero bigla siyang natigilan ng marinig niya ang malamig na boses ni Nate at pakiramdam niya ay hihimatayin siya ng wala sa oras.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nate kay Ellie.

Humarap si Ellie sa kanya at napansin nito ang ekspresyon ni Nate na at base dito ay mukhang hindi niya nagustuhan ang pagpunta ni Ellie. Sinubukang ngumiti ni Ellie pero seryoso pa rin ang tingin ni Nate sa kanya.

Ilang segundo pa silang nagtitigan bago napagpasyahan ni Ellie na umalis na dahil sa takot na isumpa siya ni Nate o mahawaan ng kasungitan nito.

"Hoy Ellie! Saan ka ba galing?" kunot-noong tanong ni Majoy pagkasalubong sa kanya ni Ellie. "Kanina pa kita hinihintay. Akala ko tutubuan muna ako ng mga ugat at dadapuan ng puting uwak bago ka dumating."

"Ang OA mo." Inirapan ni Majoy si Ellie pagkasabi niya nun pero ikinatawa lang iyon ni Ellie "Pikon nito. Kay Olaf ako galing," sabi ni Ellie at biglang nanlaki ang mga mata ni Majoy.

"Kay Ice man? Buti naka-survive ka pa?"

Ice man ang kalimitang tawag ng ilang empleyado dito kay Nathaniel dahil kapag lumapit sila dito ay pakiramdam nila ay nasa Antartica sila pero Olaf tawag ni Ellie kay Nate dahil sa hindi niya malamang dahilan. Marahil gusto niyang maiba o dahil sa fan siya ng palabas na Frozen.

"Don’t worry, lagi akong may dalang jacket." sabi ni Ellie at nagtawanan na lang silang dalawa.

Pumunta sila sa tinatambayan nilang café para mabawasan ang stress na nararamdaman nila dahil sa trabaho. Pagkarating doon ay binati sila agad ng isang staff doon.

"Good morning ma’am. Welcome to Kapelibro. Usual spot ma’am?" tanong nito.

Kilala na kasi sila ng mga staff at kahit ng may-ari ng café. Kulang na nga lang daw doon na sila manirahan. Tumango sila ni Majoy at dumiretso na sa may second floor. Pagkarating doon ay kinuha ni Ellie ang paborito niyang libro na pinamagatang AFGITMOLFM.

"Hindi ka ba nagsasawa sa librong yan Ellie?" tanong ni Majoy at umiling naman kaagad si Ellie.

"Til’ death I’ll read this book. Hinding-hindi ako magsasawang basahin ‘to." masayang sabi ni Ellie kaso lumungkot din agad ito. "Kaso lang hindi ko pa nakikita si Ate Ianne at gusto ko talaga siyang makita. In fact, nasa bucket list ko kaya yun at things to do before I die."

Wala kasi siyang time kapag may booksigning si Ianne Go, ang manunulat ng AFGITMOLFM at minsan kung may time naman sai Ellie ay hindi niya alam na booksigning pala ito.

"Huwag kang mag-alala Ellie, sa birthday mo gagawin ko ang lahat ma-kidnap ko lang yang paborito mong author."

"Talaga?" masayang tanong ni Ellie.

"Syempre hindi. Kaya ka nasasaktan e, lagi kang umaasa," sabi ni Majoy kay Ellie kung kaya’t natahimik ito.

"Ito naman. Syempre joke lang ulit ‘yon. Alam mo namang gusto lang naman kitang tulungan at pasayahin." pagpapatuloy ni Majoy pero ‘di pa rin lumilingon si Ellie "Alam ko namang naghiwalay na kayo ni Marvin kaya alam kong hindi ka okay."

When Two Lovelorn People Met (AFGITMOLFM Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon