Dinadala ko sa langit

251 9 3
                                    








"Bukas may party sa kabilang bayan, punta kayo?" Bungad ni trexie.




Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Nandito na si kael. Kasama niya ang isang babae na sikat dito sa campus. I can't remember her name but she's pretty.





"Wala si mom and dad mamaya, punta ako." Sabi ni clair.




"Pakilala mo naman kami sa kasama mo, kael!" Sambit ni denom. Tumatawa pa siya.




"Uh, she's elishia. Girlfriend ko." Sagot ni kael sabay tingin sakin. What?




"Ako'y pinagpalit pero 'di 'yon masakit...." Nagulat ako sa kinanta ni trexie. Natatawa siya sa reaksyon ko. Ako pa talaga pinagpalit, huh? If you knows!





"Maganda siya, kael! Magaling ka nga talaga pumili!" Ani felicito.




"Well, Eunice is much prettier." Bulong ni gwen ngunit rinig parin iyon. Natawa nalang siya upang takman ang kahihiyan.





"Who's Eunice by then?" Nagulat ako nang nagsalita si elishia.




"Uhm, her!" Ani gwen sabay turo sakin. Pinanliitan ko siya ng tingin. Gaga talaga!




Tumango-tango lang ang babae. Sinusuri niya ako pagkuna'y inilayo ang tingin sakin. Luh?






Natapos ang kwentuhan namin at nauna ulit akong nagpa-alam. They expected that. Wala akong binigay na rason. Alam nilang aalis ako agad.




Naroon si Eros sa labas ngunit ang pinagkaiba ay nasa sandalan siya ng kotse hindi sa tambayan.




"Tara na." Aniya. Tipid akong ngumiti.




Nagmaneho siya. Walang gustong magsalita. Wala akong masabi. Iniisip ko parin 'yong sinabi niya kanina. His words are so fascinating yet really mysterious.




Nakarating kami na walang nagsasalita. Bumaba na ako. Hinintay ko siya, ngunit nagulat ako nang lumayo siya patalikod nang hindi man lang lumilingon. The heck!





















"Kael is asking me if you have a boyfriend, anak. Nag-away ba kayo?" Bungad sakin ni mama pagkaupo ko sa hapag.





Nanliit ang mata ko. "Ha? Eh wala nga kaming relasyon, mom, e. How could he asked you like that?" Ani ko.





"So, walang kayo? Eh bakit siya nangungulit sakin?" Nagulat ako sa sinabi ni mama. What?! Bakit naman 'yon gagawin ni kael? He has a girlfriend! Holycrap!





Ilang segundo akong hindi makakibo. "Maybe he just missed me, mom. That's it." Sagot ko at nagkibit-balikat nalang. Mom was a bit convinced.





Natapos ang pagkain at nagtungo ako sa kuwarto. Ilang minuto ang naubos ko kaka-memorize ng gawain pero walang mag-sink in. I'm still thinking about Eros and how his words affects me. Anong nangyayari sakin? Hindi dapat ako nakaramdam nito. Ngunit bakit?







Hindi ko namalayan at nagtungo ako sa baba. Kumuha ako ng isang sweater at boots. I don't know why I am letting my feet going outside. Ang gusto ko ay makita siya. Hindi ko alam basta't iyon ang nanaig sa kalooban ko.





Nagtungo ako sa labas. Madilim na. Tanging ang biyak na lupa lamang ang nagsisilbing ingay sa paglalakad ko. Nakita ko roon si chong na natutulog sa duyan kasama si elyo. Siguro ang iba ay nasa loob ng kubo nila.






Nang makarating sa kubo ni Eros ay bigla kong naramdaman ang kaba. Do I need to knock? Or just simply open the door without asking? But heck! Baka may ginagawa sila ni daphne na hindi ko alam! Agad kong pinaringgan ang loob. Naririnig ko ang ingay ng lupa at cellophane. Hindi kona pinalagpas pa at binuksan ko ang pinto. Tumambad sakin ang hubad na pang-itaas ni Eros at ang gulat sa kaniyang mukha.






"Anong ginagawa mo dito?" Bahagya niyang binabaan ang boses. Nang masilip ang kabuoan ng kubo niya ay wala doon si daphne. So asa'n siya?





Pumasok na ako at hindi nag-abalang sagutin ang tanong niya. Tumayo siya agad at tumambad sa harapan ko ang nakakatukso niyang katawan. Parang hinulma ito para mang-akit!





"Eunice! Anong ginagawa mo dito? Alam ba ito ng magulang mo, huh?" May bahid ng iritasyon sa boses niya.





I smiled in spite of his negative response. "Sorry, gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo sa gabi." Ani ko. Pinanliitan niya ako ng tingin. Damn! Kahit ako ay nabigla sa sinabi ko. How could I say those words for an ease?!





"Alam mo ba ang ginagawa mo, Eunice? Maari akong masesanti dahil sa pagpasok mo dito! Pa'no kung malaman ito nila —" hindi niya tinapos ang sasabihin at agad sinarado ang pinto at sumilip-silip.





"Damn! May nakakita ba sayo?" Pag-aalala niya. Umiling ako.





"Kahit ano pang irason mo Eunice, hindi ka dapat naparito. Goodness!" Aniya at narinig ko ulit ang iilan niyang mura. He looks so hot with those words!





Tumawa ako nang bahagya. "Don't worry, hindi ako makekealam sa gamit mo, Eros. I just want to know if —"




"If nandito si daphne? Damn! Wala pa'kong pinapapasok na babae dito tuwing gabi!" Aniya. Nagtiim-bagang siya. Ramdam ko ang pagpipigil niya.




Mas lumapit ako sa kaniya. Nakaharap siya sakin. Agad siyang lumunok. Tila sinasabayan ang ginagawa ko.




"Bakit Eros, may masama bang mangyayari kapag ang babae pupunta sa kuwarto mo kapag gabi?" Ani ko. Pinasadahan niya nang tingin ang mga paa ko. I just wore short cycling! Hindi ako nakapajama!




Iniwas niya ang kaniyang tingin. "Still, it's a wrong thing, Eunice." Aniya sa banayad na pananalita.




"Dah! Anong mali do'n? Makikitambay lang naman ako ah —"




"Sigurado kang makikitambay kalang?" Nagulat ako nang lumapit ang mukha niya sakin. Nakasandal siya sa harapan ko habang ako ay nagpipigil ng hininga. Damn! He's so close that I can hear his deep breaths!





"S-syempre." Ani ko at nag-iwas ng tingin. Umayos siya sa pagkakatayo at bumalik sa dating postura. Ngunit ang aking kalooban ay parang nadismaya. Damn!





"Malalim na ang gabi na, Eunice. Hindi ka dapat nagtungo. Delikado dito." Aniya.




"Hindi naman ako natatakot." Matapang kong sagot. Well, hindi naman talaga.





"At bakit hindi? Hmm?" Pinanliitan niya ako ng tingin.




"Kasi nandiyan ka. I know you'll secure my safety, diba?" Ani ko. Natawa siya sa sinabi ko.





"Hindi ka dapat nagtitiwala basta basta, Eunice. Pa'no kung ako mismo ang magpapahamak sayo?" Tugon niya. Ngunit hindi ako natinag doon.





"Talaga? Magagawa moba 'yon sakin, hmm?" Ani ko. This time ay natawa ako sa mukha niya. He looks so disappointed! Parang nag-eexpect siya na matatakot ako! Haha!





"Hm, iba ako magparusa Eunice. Dinadala ko sa langit." Nagulat ako sa sinabi niya. Natawa siya sa mukha ko. Damn him! I almost forgot to breathe!





"Damn! You looks so guilty!" Aniya at natawa ulit. Eh kasi naman! Hindi ko inaasahan iyon!




"Dah!" Ani ko. Tsk! Malay ko ba na magbibiro siya ng gano'n! He looks so serious with that! Grr!






Damn you, Eros!


Fire and AffectionWhere stories live. Discover now