Ang Pagtatapos

352 6 6
                                    



"Ang gwapo ng anak mo, emylda. Bagay na bagay saking anak!"





Napasinghap ako nang wala sa oras. This scenario always have been my nightmare in the morning. Yes, pinaka-ayokong panaginip sa lahat.






"Si nathalie, maganda rin. Nagmana sa'yo." rinig ko si inay. Katabi niya si itay na hindi umiimik.




"Naku! Mas maganda kapa sakin, emylda." she humbly protest.




"Total ay maganda at gwapo naman ang mga anak natin, bakit hindi natin sila ipag-pares?" sa wakas ay nasabi iyon ni inay.




She settled that plan many times. Telling me how lucky I am to marry a kind and beautiful girl, nathalie. I just shrugged. Letting her decide for my own life. Bata pa ako no'n. Wala pa ako sa tamang pag-iisip para planuhin ang tatahaking kapalaran.





"Oy dito tayo, kaloy!" ang boses niya ay sobrang gusto kong marinig sa buong buhay ko.




"Delikado diyan, fera! Ano kaba!" I gave my all energy to utter those words.




"Hindi naman, e. 'Wag ka ngang bakla, kaloy!" panunukso ni fera sakin.




Sa t'wing tinatawag niya akong bakla, hindi ako makapagtimpi at sinusunod ko ang sasabihin o gugustuhin niya. She's my favorite childhood I had. Hindi si nathalie kundi si fera.




I'm just 12-year old that time when I saw with my eyes how her blood scattered with water. She fell. Nahulog ang pinakagusto kong tao sa napalalim na bangin. At wala akong naisip sa oras na'yon kundi sisihin ang sarili. That's my fault. Kung mas nanindigan ako ay sana hindi siya namatay. Sana siya parin hanggang sa paglaki ko.




She died without mercy.




"Pabayaan mo na ang fera na'yon, naiintindihan mo ba, kaloy? Si nathalie dapat ang inuuna mo!" hindi magkamayaw ang salita at pangaral sakin ni inay.





Hindi ako sumagot dahil wala akong isasagot. I'm too young to express my anger and wrath. Sa isip ko ay tama lagi si inay. Siya ang nakakatanda. Siya dapat ang sundin ko. Hindi ang puso ko.




Ilang araw ay nalibing si fera. Hindi ako nakadalo dahil kinulong ako ni inay. She told me  she'd just unlock me until I did recovered myself. Todo iyak ako. I prayed and prayed. Bakit ganito? Bakit hindi ko magawang magalit, manlaban?





No'ng tumuntong ako nang highschool, doon mas naging mature ang utak ko. Maraming babae ang umaaligid sakin ngunit hindi ko pwedeng bigyan ng pansin. Nakatanim sa utak ko na dapat si nathalie lang ang mamahalin ko. Dahil 'yon ang gusto ni inay mangyari.





"Gusto mo ng softdrink, nath?" inalok ko siya.



Umiling siya at hindi ako pinansin. Katulad sa akin, hindi niya rin ako gusto. Hindi niya ako mahal. Hindi kailanman.




I never liked nathalie at all. Simple lang siya manamit pero maganda. Ngunit hindi 'yon ang basehan ko. Ang puso ko ay nanatili parin sa taong matagal nang lumisan.





"Hindi kita gusto, kaloy. Bakit pinagpares tayo?" nathalie asked.




"Iyon ang gusto nila, nath. Wala tayong magagawa." simpleng sagot ko.




Nag-kolehiyo ako. Ngunit nagkasakit si itay at kailangan pag-aralin ang dalawang kapatid ko na si alpha at leon. Tumigil ako sa pag-aral. Sinantabi ko ang pangarap ko para saking mga kapatid.




Fire and AffectionHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin