"Ngunit professor lubhang mapanganib ang iyong pinaplano. Sapagkat ang iyong nilikhang makina ay di palubos na nasusubukan" sabi ng aking apprentice na si Rafael
"Wala na akong pakielam rafael. Sundin mo na lang ang akin inuutos" pagmamatigas ko.
"Pero professor hindi kakayanin ng aking konsensya kung ikaw ay mapahamak sa gagawin mong ito" sabi nito.
"Sige na rafael, nais ko lang talaga na makasamang muli ang aking minamahal" pagsusumamo ko dito.
"Aist sige na professor, nangangako akong iingatan namin ang iyong katawan. Ang tiwala nyo ay nasa akin at ng pamilya ko" sabi nito at ngumiti sakin. Saka nya sinumulan na kalikutin ang mga button upang mapagana itong makinang ginawa ko.
"Umaasa ako sayo rafael, isa kang napakabuting kaibigan" huling nasabi ko bago magsara ang chamber at nilagay ko naman ang mga aparatus na nasa loob ng chamber upang makahinga ako dito. Saka na nagsimulang lumabas ang likidong kayang ipreserve ang aking katawan sa matagal na panahon.
Ginawa ko ang lahat ng ito para sayo mahal ko. Makakasama kitang muli at magiging masaya tayo ulit gaya ng dati.
YOU ARE READING
Time Capsule
General FictionTreasure every moment with your love onces before anything else