Hinihintay Kita

25 1 0
                                    

ONE-SHOT
snowcone-

"Kung may makita man kayong babaeng may kakaibang damit at parang nawawala.. Wag niyo nalang pansinin." Isa ito sa laging paalala sa amin ni Father kasama ng kaniyang laging kinukwento.

"Milan! Kailangan na natin umalis, parating na sila!" Hila-hila ako ni Elix paalis sa harap ng bahay naming tinutupok na ng apoy.

"Elix, Si Mama! Y-Yun nalang yung natitirang ala ala ni Mama!" Umiiyak ako habang tumatakbo kami palayo.

Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa sakin 'to.

Pinatay na nila yung mga magulang ko. Pati ba naman yung natitirang ala ala nila.. Kukuhanin rin sakin.

"Kailangan nating makalayo dito, hindi nila tayo pwedeng mahuli! Milan, Isusunod ka nila!" Kaibigan ko siya pero ayokong madamay siya sa kamalasan ko.

"Saan naman tayo pupunta? Mahahanap at mahahanap nila tayo!" Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam gagawin ko.

"Sa simbahan, sa labas ng gubat na 'to. Mas ligtas tayo doon!" Kahit sa simbahan, kaya nila kaming patayin. Halang ang mga kaluluwa nila.

"Iwanan mo nalang ako.. Ayokong madamay ka, Elix." Kung hindi kami makakaalis dito sa lalong madaling panahon, makukuha nila ako at ayokong mapahamak din si Elix.

"Hindi kita iiwanan." Hinigpitan niya ang kapit sa braso ko."Pangako ko yan sayo matagal na diba?" Nangako kami sa isa't isa na kahit anong mangyari walang maiiwan, pero ayoko siyang madamay dito.

Nang dahil sa malaking utang ni Papa, ako ang sinisingil nila.

Nagulat kami ng makasalubong namin ang maraming nakasakay sa kabayo at may mga dala silang armas

"San naman kayo pupunta, mga bata?" Sigaw nung lalaki sa harap sabay tutok sa'kin ng kanyang baril.

Agad akong nilagay ni Elix sa likod niya at dahan dahan kaming umatras.

"Hindi niyo makukuha si Milan!" Nanginginig na ako sa takot dahil lahat sila nakatutok na ang mga baril sa amin.

"Ibigay mo sa amin yang babae kung ayaw mong masaktan!" Bumaba sila sa kanilang mga kabayo at lumapit sila sa amin. "Siya ang magbabayad sa lahat ng kahayupan ng magulang niya!"

"Hindi!" Umataras kami ni Elix. "Hindi maaari!" Sigaw ni Elix pero parang walang naririnig ang mga ito.

Nagtinginan lang sila at tumawa pa.

Biglang hinablot ng isa si Elix.

"MILAN TUMAKBO KA NA! HUWAG NA HUWAG KANG LILINGON!" at Isang putok ng baril ang narinig ko sabay ng pagtawa ng mga humuhuli sa akin.

Alam kong sa oras na lumingon ako.. Hindi ko na kakayanin pang tumakbo. Sa bawat liko at bilis ng aking pagtakbo, siya ring tulo ng kanina ko pang pinipigilang mga luha.

"Babalikan kita." Bulong ko. Alam kong hindi mo rinig pero pinapangako kong hangga't nabubuhay ako, hahanapin kita.

Umulan nang malakas at hindi ko na masyadong nakikita ang aking dinadaanan pero rinig ko pa rin ang mga kabayo ng mga humahabol sa'kin

Alam kong bumabagal na ang takbo ko dala na rin ng pagod.

Tatlong putok ng baril ang aking narinig at doon ako natigilan.
.
.
.
Pagod na pagod akong napasandal sa isang malaking puno at parang ito lang ang may buhay sa mga puno dito. Lumingon ako kung saan ko narinig yung putok ng baril pero nagdilim na ang lahat.
.
.
.
"Miss, bakit ka natutulog dito sa labas ng simbahan?" Bigla akong napabangon at napatingin sa aking paligid.

"Po? Bat ako nandito?" Tinaasan ako ng isang kilay ng aking kausap.

"Bat ako tinatanong mo, aba malay ko sayo." Taray naman nito, nagtatanong lang ako eh.

Napatingin ako sa pintuan at bigla kong na alala na nandoon pa si Elix sa gubat.

"Ahh.. Sige po. Babalikan ko po muna yung kaibigan ko sa gubat." patakbo na sana ulit ako ng bigla siyang magsalita.

"Anong gubat? Walang gubat dito! Miss, nababaliw ka na ba?" Kanina lang galing ako dun. Siya ata yung baliw eh.

"Pero dun ako galing, bahay ko yung nasusunog sa gubat ng Arkiterya" Ano ba naman 'to. Sikat ang gubat na yon! Imposibleng di niya alam yon

"Pero matagal ng wala yon.. Labing limang taon na ang nakalipas ng masunog ang gubat na iyon."

Lahat kami alam ang mga paalala ni Father, pero may mga dayo at iba pa ring hindi ito alam kaya may nakakapansin pa rin sa babaeng nasa harap ng simbahan.

"Hindi siya umaalis dahil hinihintay niya pa rin yung lalaking nangako sa kaniyang hinding hindi siya iiwan."

END—

Hinihintay Kita (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon