Kabanata IV : Basbas ng Matanda

14 1 0
                                    


Malamig ang bawat haplos ng hangin. May dalang panlulumo ang bawat ihip nito na nagbibigay ng lungkot kung tatagalan. Kasama din nito ang alat na para bang nanggagaling ito sa karagatang nagsusumamo sa bawat pag-alon.

Ang mga bituing kumikinang at siyang naging palamuti sa malawak na langit ay natatakpan ng makapal nagdidilim na mga ulap. Kay kapal ng bawat kumpol nito na kahit sa kalagitnaan ng gabi'y babaling ang iyong atensiyon.

Tanging ang mga yapak lamang ni Haring Fernando ang kanyang naririnig at ang tunog ng mga gintong kadena na nakadisenyo sa kanyang damit, sa tuwing siya ay hahakbang.

Subalit ang lahat ng ito'y hindi alintana ng isang taong may tunay at buong pagmamahal, na ang bawat tibok ng puso'y ilalaan lamang sa kanyang iniirog at sa kung anuman ang magbibigay kaligayahan sa kanya.


"Malapit na ako. "

Natatanaw na ng makisig na hari ang isang bundok na parang humahalik na sa malambot na mga ulap sa taas nito.

Kahit pa ilang dekada na siyang nanunungkulan bilang Hari ay hindi pa rin maaalis sa kanya ang pagkamanghang nadadama sa tuwing pinagmamasdan niya ang hiwagang hatid ng lahat ng bagay.

Isang lalaking kasing tayog ang pangarap ng Bundok Damos si Haring Fernando. Malinaw pa sa kanyang ala-ala ang lahat ng mga ito.






Noon pa man, nais niyang makatagpo ng isang dilag na nagtataglay ng kayamanang walang papantay at gandang hindi natitinag ninuman. Ito ay ang kabusilakan ng puso, na kanyang natagpuan kay Reyna Glenida.

Parang kailan lamang noong nililigawan pa niya ang Prinsesang pinapalibutan ng matataas na bakod - ang haring mandirigma nitong ama, ang reynang tinitingala ng karamihan dahil sa taglay na kapangyarihan, at, ang prinsipeng tagabantay ng kanyang bunso.

Inakala noon ni Haring Fernando na hindi tatapat ang kaharian ng kaniyang mga magulang sa isang diyamanteng katulad ni Prinsesa Glenida.

Hindi gaanong tanyag ang kinabibilangan niyang kaharian ngunit binubuo ito ng mga taong may natatanging kakayahan at may magagandang kalooban.

Kaya naman ganun na lamang ang pagsusumikap ng munting Prinsipe upang makuha ang napakatamis na Oo ni Prinsesa Glenida. Binigyan siya ng mga pagsubok ng pamilya , na minsan nang iniyakan ng Prinsesa sa pagaakalang ikamamatay na ito ng iniirog dahil sa hirap ng mga kailangang gawin.

Nasubukan na niyang magpaamo ng dragon, ang paghuli ng mga ibong napakailap, ang pagmimina ng ginto sa sa bulkang kadalasang pumuputok at iba pang mga mahihirap at buwis buhay na mga pagsubok.

Lahat ng mga iyon ay nalampasan ni Haring Fernado, kaya hindi nagtagal lumambot ang mga puso ng mga magulang ni Glenida sa kanya. Maging ang kapatid nitong si Prinsipe Geramo ay naging kaibigan niya. Kalaunan ay pinakasalan niya ang magandang Prinsesa at naging kapitapitagang Hari at Reyna sila ng kanilang itinayong kaharian - Ang Kaharian ng Leistrahon.

Kaya naman ganun na lamang ka liit kay Haring Fernando ang hinihiling ng asawa, sapagkat hindi nito matutumbasan ang mga pagsubok niya noon. Kahit gaano pa man kalamig at katagal lakbayin ang Bundok Damos, handa siyang gawin para sa pinakamamahal na Reyna.

Ilang oras ang lumipas ay narating ni Haring Fernado ang tuktok ng Bundok Damos. Doon muling namangha siya sa mga nilalang at mga tanim na matatagpuan sa lugar. Sa kalagitnaan ng kagandahan ng pook ay matatagpuan ang isang punong kabigha-bighani.

"Ang puno ng Zedo"

Lumiliwanag ang mga ginto at pilak na dahon. Pinagmasdan at nilapitan niya ang malaking puno at nakita ang napakaraming bulaklak.

Nanghahalimuyak sa bango ang bawat bulaklak na naroroon. Nakakaakit sa mata ang mapupula nitong mga talulot. Higit sa lahat, kahit hindi man magawang tikman ni Haring Fernando ang bulaklak, ay nasisiguro niyang may napakasarap na lasa ito, kaya hindi siya nagduda kung bakit ito ang pinaglilihian ng kanyang asawa.

"Mahiwagang Puno ng Zedo, ako'y pahintulutan na pumitas ng isang bulaklak mo para sa aking asawa." paalam ng hari sa malaking puno.

Akmang pipitasin na ni Haring Fernando ang isang bulaklak ng biglang lumiwanag ang buong puno, at doon biglang lumabas ang isang nilalang.

"Sino ka?"

Ang malungkot na kapaligiran ay biglang naging kaaya-aya. Ang makakapal na ulap na bumabalot sa tuktok ng Damos ay biglang naglaho, kasabay din ang lamig ng paligid.

"Haring Fernando?"

Kahit kumalma na ang panahon ay biglang nakadama ng lamig ang braso ng matipunong Hari nang marinig ang tinig ng nagliliwanag na bagay.

"Paumanhin, subalit paano niyo na laman ang aking pangalan at ang sagot po sa aking katanunga'y nais kong marinig"

"Ako ang bantay nitong Puno ng Zedo"

Yumuko si Haring Fernando "Patawad po, ngunit nais ko lang sanang -."

"Narinig ko lahat ng iyong mga sinabi sa puno Fernando, at ikinagagalak ko na kahit ang isang napakalakas at makapangyarihang Haring katulad mo ay nilakbay ang Damos. Natutuwa rin ako sa ipinamalas mong respeto sa aking tirahan"

"Ito'y isang bagay lang naman na dapat gawin ng lahat."

"Tiyak matutuwa si Glenida sa iyong pagbabalik Fernando, kaya pumitas ka na, kahit ilan pa ang gusto mo"

Nawala ang liwanag at nagpakita sa kanya ang ngumingiting Matandang Babae. "Ako si Tehazedo"

"Kinagagalak ko pong makilala ang tagapangalaga nitong puno ng... ze.."

"Tama ka Fernando, hindi lamang ang pangalan ng ko ang pinagkunan ng pangalan nitong mahiwagang puno, kundi ang aking sarili ang bumubuhay sa punong ito."

"Salamat po sa inyong kabaitan"

"Bakit isa lamang ang iyong pinitas Fernando?"

"Ito lamang po ang kailangan ng aking asawa, sapat na po ito."

"Isa ka talagang mabuting nilalang Fernando. Lumapit ka at hawakan mo ang isang sanga nitong puno."

Ginawa ni Haring Fernado ang lahat ng sinabi ni Tehazedo.

"Dahil sa iyong paggalang nitong puno at sa akin, makakatanggap ka ng gantimpala."

"Po?"

Ngumiti lamang ang matandang si Tehazedo.

"Bundok ng Damos! Pakinggan ang aking enkantasyon.! Ipagkaloob mo sa nilalang na nasa loob ng sinapupunan ng sinumang kumain nitong bulaklak ng aking puno ang kapangyarihan, karangyaan, kagandahan at kadakilaan. Nawa'y ang batang iyon ay magdulot ng napakalaking pagbabago at pag-usbong.! "

Umihip ng malakas ang hangin ...

"Ngayon, ihatid mo ng malumanay ang Haring ito, tulad ng paggalang niya sa bundok at sa mga nakapalood nito."

Ngumiti ang matanda na siya namang nginitian din ni Haring Fernando.

Lumiwanag ang buong paligid at naglaho ang hari. Naging perlas muli ang matandang diwata at bumalik sa loob ng puno.

Ang buong paligid ay bumalik din sa dati nitong malungkot na anyo. Tanging ang kumikinang na pilak at gintong dahon lamang nito ang nagbibigay ilaw sa madilim na gabi.

















Ang PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon