Kabanata VI : Haring Sugatan

14 1 0
                                    

Makikita sa kaharian ng Leistrahon ang isang Reynang nakangiti dahil sa lubos na kasiyahang nadarama nung dumating ang kanyang pinakamamahal na hari.

Ang pagsikat ng araw ay may dalang panibagong pag-asa sa bawat mamamayang nakatira doon. Bawat araw ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad. Walang ni isang nilalang na hindi abala sa pagtatrabaho.

Kung gaano ka-abala ang lahat, ay hihigitan ito sa mga nilalang na nanunungkulan sa palasyo. Panay sa pag-aayos, paglilinis at paghahanda ng mga pagkain, ang mga dama. Kahit wala mang labanan, sinasanay ang mga bagong kawal at mandirigma upang higit na mapangalagaan ang Leistrahon.

Ang bawat bulwagan ay punong puno ng mga dekorasyon at mababangong mga bulaklak. Sa mga matataas na kisame nakasabit ang mga palamuting gawa sa ginto, perlas at mamahaling bato.

Higit sa lahat, ang mag-asawang maharlika ay sinisiguradong busog at kontento ang bawat pamilya at nilalang ng kanilang kaharian.



"Kay sarap talaga ng bulaklak ng Zedo mahal, salamat"

"Naku, wala iyon mahal".

"Kay gandang pagmasdan ng Leistrahon mula sa toreng ito mahal"

"Hindi ka nagkakamali, subalit mas maganda ito kung kasama kitang matatanaw ito, lalo na kapag kasama na natin ang ating bulaklak"

"Ngayon na ba ang tamang oras upang siya'y bigyan ng pangalan mahal?"

"Maaari naman, ngunit nais ko na tayo muna ang makaaalam nito."

"Maiba ako mahal, dadalaw ang aking kapatid dito sa susunod na linggo"

"Bukas ang Kaharian para kay Geramo ,.. Ah kay Haring Geramo pala"

Napatawa si Reyna Glenida sa mga narinig, "Hindi ko alam kung bakit wala pang pinapakasalan yang kapatid ko mahal, iyan tuloy, gaya mo, napagkakamalan siyang Prinsipe"

"Hahahaha, kay lalim kung sisirin ang dagat mahal, kaya kung nais mong makakuha ng pinakamagandang perlas, nangangailangan ito ng sapat na oras".

"Kung sino man ang perlas na iyan mahal, sigurado akong mamahalin siya ng buong buo ng aking kapatid, at siya ay magiging mabuting Reyna ng kanilang Kaharian."

"Sagana sa mga totoong Perlas ang inyong Kaharian mahal, ahahhaha at iba pang yamang tubig. Kay sarap nga ng mga isda doon."

"Oo, Ayon kay ina, nagsimula ang biyayang ito noong isinilang ang aking kapatid. Kalauna'y nalaman nila na may taglay palang kapangyarihan ng tubig si Geramo."

"Hindi ko nakikitang gumagamit si Geramo ng kanyang kapangyarihan."

"Sapagkat nais niya na gamitin lamang ito kung kinakailangan..."


"Kaya pala ganun na lamang kalakas ang alon ng karagatan nung pumalaot ako noon papunta sa isla, upang kunin ang gintong kabibe. Hahahahaha"

"Pinagawa nila iyon sa iyo? Kay lupit talaga ng pamilya ko noon sa iyo mahal"

Napangiti si Haring Fernando, "Sinabi mo pa".



Ilang sandali pa ay tumunog ang mga trumpeta at nagbigay pugay ang mga kawal na nasa harapan ng palasyo.

"Si Geramo, subalit sa susunod na linggo pa yata ang sinabi mo sa akin"

"Hindi ko rin nakikita ang kanyang kabayo o karwahe."

Agad silang nanaog mula sa tore at pumunta sa punong bulwagan.

Doon,nakita nila ang mga dama na nakapalibot sa isang malaking upuan.

Ang mga kawal naman ay nakabantay sa lahat ng pintuan. Gumawa lamang sila ng daanan para sa mag-asawa.



"Mahabaging Bathala!" Pag-aalalang sigaw ng Reyna.

Mabilis nilang pinuntahan si Haring Geramo.

Nakita nila ang dating matipunong prinsipe na ngayo'y nanghihina. Duguan ang paa nito at may galos sa katawan at mukha.

"Glenida, Fernando, pasensya na't napaaga ang pagdalaw ko" malumanay na wika ni Haring Geramo. Bahagya itong ngumiti sa kanila.

Tumulong sa pagpunas ng mga sugat si Reyna Glenida, "Ano bang nangyari sa iyo?"

"Hindi na Ligtas ang ating mundo kapatid." Kahit mahina man itong sinabi ni Haring Geramo ay nadama nila ang pagbibigay nito ng babala at pangamba sa kaniyang boses.

"Magpahinga ka muna Geramo at pag-usapan natin ang lahat bukas. Mga dama, paki-gamot ang sugat niya at bigyan siya ng sapat na pagkain at maiinom. Mga kawal, ihatid ang Hari sa silid at bantayan ang kaniyang pintuan." Utos ni Haring Fernando.

Agad naman itong sinunod ng mga dama at kawal.

"Salamat Fernando, ... Dapat maghanda ang Leistrahon para sa nakaabang na panganib."

Nang makaalis si Geramo sa bulwagan, lalong nadama ni Reyna Glenida ang takot habang hinahaplos niya ang kaniyang tiyan.

"Huwag kang mag-alala mahal, magiging ligtas ang lahat, lalo na ang ating anak."

Niyakap niya ng mahigpit ang asawa.

















Ang PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon