Kabanata I

49 0 0
                                    

Naghahanda ang mga tauhan at katulong ng pamilya Sanchez dahil sa magaganap na ika-20 na kaarawan ng bunsong anak nina Don Anton at Donya Almira Sanchez.



Ang pamilya Sanchez ay kilala sa lugar ng San Isidro bilang sa makapangyarihan at mayaman na pamilya kaya iginagalang sila ng mga tao sa lugar lalong lalo nang kilala ang mga ito na may magandang kalooban ngunit naiiba si Don Anton, sa oras na may magtangkang kalabanin o suwayin siya ay tiyak na hindi niya ito palalampasin kaya marami rin ang may takot sa kanya. Ang mga pangangailangan ng mga tao ay kanilang inuuna sapagkat gusto nilang payapa at masagana ang pamumuhay ng mga tao roon.



Dalawa ang naging anak ng Don at Donya. Ang panganay na anak ay lalaki na nagngangalang Alfred, 25 taong gulang na kasalukuyang nag -aaral sa ibang bansa, magandang lalaki at may busilak na puso si Alfred kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kanya at gustong magpakasal ngunit ni isa sa mga babaeng iyon ay wala itong nagustuhan sapagkat mas gusto nitong unahin ang kanyang pag-aaral upang siya ang sunod na mamahala sa kompanya ng kanyang ama. Makapaghihintay naman raw ang panahon upang makahanap siya ng kanyang mapapangasawa. Ang kanilang bunso naman ay si Eliana o mas tinatawag sa kanyang palayaw na Liya, magandang dalaga ito at may busilak rin ang puso katulad ng kanyang kuya at magulang marami rin ang nagkakagusto nito kadalasan sa mga ginoo na nagkakagusto sa kanya ay may matataas na katungkulan at galing rin sa mayaman at makapangyarihan na pamilya sa kanilang lugar.



Sa lahat ng nagkakagusto sa kanya isa lang ang kanyang napupusuan ngunit hindi ito katulad ng ibang lalaki na mayaman at makapangyarihan ngunit ordinaryo lamang itong mangingisda sa kanilang lugar, Si Samuel Arturo. Nabighani si Liya kay Alen dahil sa makisig itong binata at may magandang kalooban na naiiba sa mga ginoong kanyang nakilala na yabang lamang ang alam at mapagmataas. Unang nagkakilala sina Liya at Samuel sa isang kasiyahan na naganap sa San Isidro. Unang kita palang ni Liya sa binata ay nahulog agad ang kanyang kalooban ganoon rin si Samuel. Alam ni Liya na hindi magugustuhan ng kanyang ama si Samuel lalo pa na ordinaryo lamang ang pamumuhay nito sapagkat ang gusto ng kanyang ama ay makasal siya sa isang ginoo na mabibigyan siya ng magandang pamumuhay kung makakasal na ito ngunit hindi matuturuan ang pusong magmahal ng hindi naman nito gusto kaya ipinagpatuloy parin niya ang kanyang nararamdaman para kay Samuel.


Kasalukuyang nasa kwarto si Liya habang pinagmamasdan ang kanyang 'gown' na kulay asul para sa gaganaping paghahanda ng kanyang kaarawan mamayang hapon. Iniisip niya na mamaya sasabihin niya sa kanyang ama ang namamagitan sa kanila ni Samuel upang pahintulutan ang kanilang relasyon. Alam niyang magagalit ito ngunit nagpasya na siya gusto niyang ang lalaking kanyang mahal ang makakasama niya sa buong buhay. Nabulabog siya ng biglang dumating ang kanyang ina na si Donya Almira.




"Oh Aliya bakit hindi ka pa naghahanda marami ng panauhin ang nasa labas. 20 minutos na lang at magsisimula na." tumayo siya sa pagkakaupo sa kanyang higaan at binati ang kanyang ina.



"Bakit ganyan mukha mo Liya ? Malungkot. Kapag nakita ng iyong Papa ang iyong itsura siguradong magagalit iyon."



"Ma sorry po magbibihis na po ako. May iniisip lang po ako."



"Ano naman ang iniisip mo Liya? Birthday mo ngayon kaya dapat masaya ka. May bumabagabag pa sa isip mo?"



nagdadalawang isip si Liya kung sasabihin ba niya sa kanyang Ina ang kanyang pasya lalo pa na hindi alam ng kanyang ina ang kanyang relasyon kay Samuel.


"Ma may sasabihin ako sa inyo. Ang totoo niyan....Ma---" hindi natapos ni Liya ang kanyang sasabihin ng biglang dumating kanyang Ama.


"Liya bakit hindi ka pa bihis? Magsisimula na tayo. Almira ihanda mo na ang anak mo pupunta na ako sa labas para batiin ang mga dadating na bisita. Bilisan niyo dahil may importante akong iaanunsyo mamaya."



You're My LoveWhere stories live. Discover now