Kabanata II

23 0 0
                                    


Tuluyan ng nakabihis si Liya. Lumabas siya ng kanyang kwarto at tiniyak na hindi siya mahuhuli. Naisipan niya na sa likod ng kanilang mansyon siya dadaan siguradong magagalit ang kanyang ama kapag nalaman nito na lumabas siya at hindi nagpaalam at lalolng lalo na kapag nalaman nitong nakipagkita siya sa isang lalaki.


Hahakbang na sana palabas si Liya ngunit nakita siya ni Teresa, isa sa katulong ng bahay nila at anak ng nag-alaga sa kanya noong bata pa ito. Mabuting tao si Teresa kaya naman naging kasundo niya ito at tinuring na parang kapatid na rin. Magkasing edad lang rin sila mas matanda nga lang ng tatlong buwan si Teresa sa kanya. Ayaw ni Liya na tawagin siyang ma'am kaya palayaw nalang ang pinatawag niya kay Teresa.  Nagtaka si Teresa kung bakit iba ang suot ni Liya kaya nilapitan niya ito.



"Liya bakit  ganyan ang bihis mo? hindi pa tapos ang party niyo at saan ka pupunta?" takang tanong nito.



"T-teresa ano...kasi....may pupuntahan ako saglit babalik naman agad ako."


"Liya baka hanapin ka ni Don Anton at kapag nalaman niyang umalis ka tiyak na magagalit siya sayo at saka baka hinahanap ka na doon sa labas." hinawakan ni Liya si Teresa sa magkabilang braso at tinirigan ng diretso sa mata.



"Teresa saglit lang talaga ako babalik talaga ako agad at sisiguraduhin ko na hindi ako mahuhuli ni Papa"



"Liya makikipagkita ka na naman kay Samuel? Siguradong mapapahamak ka kung malaman man ng papa mo na may karelasyon ka at sa isang mangingisda pa alam mo naman ang ugali ni Don Anton at baka may mangyaring masama pa sayo." alam ni Liya na nag-aalala sa kanya ang kaibigan niya ngunit tutuloy pa rin siya kaya pinakiusapan niya ito.



"Sige na naman Teresa hindi naman malalaman ni Papa na umalis ako kung hindi mo sasabihin diba? kaya sige na pumayag kana. Gusto ko lang kasi na makita si Samuel at may ibibigay siya sa akin." nagdadalawang-isip pa rin si Teresa ngunit hindi niya mahindian ang kaibigan kaya pumayag na ito.



"Sige na nga pero sa isang kondisyon. Sasamahan kita para mabantayan kita. Ayoko na mapahamak ka Liya." tumango si Liya na may ngiti sa labi alam niyang hindi siya matitiis ng kaibigan kaya niyakap niya ito.



"Oh halika na Liya at baka maabutan pa tayo rito. Magmadali na tayo para makauwi agad bago pa tayo hanapin ng iyong papa at mama."



"Maraming salamat Teresa."


Narinig ni Aries na nag-uusap sina Liya at Teresa sa kusina kaya nagtago siya sa gilig ng pintuan at pinakinggan ang pinag-usapan nila. Hinanap kasi ni Aries si Liya kanina ng mawari niya na wala ito sa kanyang kwarto. Nagtaka siya dahil ang sabi nito ay magpapahinga lang dahil masama ang pakiramdam kaya malakas ang kutob niya na umalis ito at kumirot ang kanyang puso ng nalaman niya na makikipagkita ito kay Samuel.


"Hanggang ngayon Liya si Samuel pa rin ang gusto mo." nakasandal sa likod ng pintuan sa may kusina si Aries.



Alam ni Aries na noon pa mang highschool sila ay si Samuel na ang gusto ni Liya. Magkababata sila ni Liya kaya mas nauna pa siya nitong nakilala at nakakasama kaya hindi siya makapaniwala na mas magugustuhan ni Liya si Samuel kaysa sa kanya. Matagal na rin siyang may nararamdaman kay Liya ngunit hindi na niya ito nasabi nang malaman niyang gusto ni Liya si Samuel at hindi siya. Dahil sa pagmamahal niya nito ay mas gusto niyang maging masaya si Liya kahit pa man na siya lang ang masasaktan at alam naman niya na mahal rin ni Samuel si Liya.



Naglakad na pabalik si Aries ng tinawag siya ng Mama ni Liya. Galing ito sa kwarto at alam niyang alam na ni Donya Almira na wala ang anak nito.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're My LoveWhere stories live. Discover now