Prologue

7 1 1
                                    

Nakasabunot sa ulo si BLAKE habang nakaharap sa isang napakalaking white board na nasa loob ng silid niya.

Puno ito ng calculations at hindi niya alam kung saang banda siya nagkamali dahil ayaw gumana ng time machine niya.

Sinipa niya ang pinakamalapit na bagay sa kanya at agad na nagsihulugan ang mga tools na nakapatong doon.

"Fuck! Fuck! Fuck! What the fuck is wrong with you?!" Galit na galit na sigaw niya.

It has been eight years! Eight fucking years and he still can't make his time machine work!

Tinatawag siyang genius pero hindi niya manlang magawang paganahin ang isang time machine na ito!

Hindi niya na napigilan ang galit at pinagsisipa lahat ng bagay na nasa loob nung kwarto na yon.

Dating bakante ang kwartong ito pero matapos mamatay ni Hailey ay ginawa niya na itong laboratory niya. Puno ang kwarto na ito ng iba't-ibang bakal, tools, wire, at mga gamit na pang electronics.

He became a mechanical engineer overnight and even studied Einstein's theory of relativity just to make a breakthrough.

Sa isang sulok naman ay may isang desk na nasa harap ng isang malaking shelf na punong-puno ng mga libro. Maging ang desk niya ay napupuno ng mga papel. Naghalo-halo na ang iba't-ibang researches na may kinalaman sa pagtatime travel.

Sa sahig ay nagkalat ang mga papel na puno ng calculations. May isa ring drawer na napupuno naman ng mga record ng past attempts niya sa paggawa ng time machine.

Nagkalat naman sa paligid ang mga naglalakihang computer at monitor. Ang mga dingding ay puno ng mga retrato ng dalaga at retrato nilang magkasama.

Ilang beses niya ng tinignan ang mga dati niyang attempts para malaman kung saan ang mali, ilang beses na siyang umulit pero wala pa rin!

This is his 94th attempt for crying out loud! 94th and he's still not successful!

Matapos ilabas ang galit ay sinuntok niya ang pader. Sinuntok niya iyon nang paulit-ulit hanggang sa magdugo ang kamao niya.

Nang mapagod ay napasandal siya sa pader at napaupo. Hindi niya napigilang umiyak.

Tuloy-tuloy na naman ang pag-iyak niya. Ganito nalang araw-araw. Magwawala siya at kapag napagod ay iiyak pero hindi siya pwedeng umiyak nang matagal. Pakakalmahin niya ang sarili niya pagkatapos ay babalik na siya sa paggawa ng time machine.

Pagod na siya! Pagod na pagod pero hindi pa siya pwedeng sumuko. Kailangan niyang pigilan ang pagkamatay ni Hailey, ang babaeng pinakamamahal niya.

Yumuko siya at walang tigil na umiyak. "Hailey." Mahinang tawag niya sa pangalan nito sa pagitan ng paghikbi.

Walong taon na simula nang mamatay si Hailey pero sariwang-sariwa pa rin sa kanya ang sakit.

Walang gabi na nakatulog siya nang maayos. Walang araw na hindi siya umiyak. Walang araw na hindi niya naisip ang dating kasintahan. Walang araw na sinukuan niya ang pinakamamahal.

Dati niya ng naisip na magpakamatay pero hindi maaari. Kapag namatay siya ay mas lalong wala siyang magagawa upang ibalik si Hailey.

Kailangan niyang magpatuloy. Kailangan niyang lumaban, para kay Hailey.

Hinampas niya ang ulo niya nang paulit-ulit. "You're fucking stupid Blake! You're fucking stupid!"

Hindi niya na namalayan na nakalapit na sa kanya si Hans na bakas sa mukha ang pag-aalala.

Sa nakalipas na walong taon ay walang araw na hindi siya binisita ni Hans, ang kapatid ni Hailey na kaibigan niya.

"Bro!" Agad na lumuhod si Hans para mapantayan ang lebel niya. "Are you alright?" Nag-aalalang tanong nito.

Nang makita ni Hans ang kamao niyang dumudugo ay tumayo ito at kumuha ng first aid kit.

Tahimik na ginamot ni Hans ang sugat sa kamay niya at binendahan ito. Sanay na si Hans na makita siyang sugatan. Ito naman ang laging gumagamot sa mga sugat niya.

"It has been eight years already Blake." Panimula ni Hans na nakapagpaangat ng tingin niya.

"So? What's your point?"

"Don't you think it's time to move on? Let's just accept the fact that my sister is dead. I don't think she'll be happy to know that you're in this state." Sabi ni Hans na ikinainis niya.

"What do you want me to do? Nothing? Do you want me to pretend like Hailey didn't exist? Do you want me to smile like an idiot and just pretend like everything's okay? You of all people should know that I can't live without Hailey!" Hindi niya na napigilan ng pagsigaw. Hinihingal siya na animo'y galit na galit.

"You've lived for eight years without Hailey! Get a hold of yourself Blake! Hailey's my sister and God knows how much I want to see her again but I've already made peace with the fact that she's dead. She's never coming back!" Pasigaw ring sabi ni Hans na ngayo'y umiiyak na rin.

"She's my little sister Blake! Do you really think that it's easy for me to let her go?! No, but I have no choice other than to go on! I'm sure that Hailey would want us to live a happy life even without her."

"But" Napapaos na ang boses niya. "I can't truly live without her."

"I can bring her back." Parang nababaliw na sabi niya saka tumayo. Pinahiran niya ang mga luha niya at bumalik sa harap ng whiteboard. "I know that it's possible. Believe me, Hans!"

Tumutulo man ang luha ay pinanuod lang siya ni Hans na magpalakad-lakad. Sa pagkakataong ito ay pumunta siya sa desk niya at kinuha ang mga papel doon.

"According to Einstein's theory of relativity, it is possible to travel back in time if only I figure out a way to make my machine move faster than the speed of light. Astronauts do it, Hans. They age a little slower than us when they travel in space. It is because they travel near the speed of light, thus, making time slower for them compared to us."

"Look. I've studied every related literatures and I'm sure that it's possible! I'm just missing something."

"If I can just figure it out." Mahinang sabi niya habang nag-iisip. Nang may pumasok sa isip niya ay agad niyang tinignan ang calculations niya. Tinignan niya rin ang papel na naglalaman ng detailed report sa progress niya.

Nanunuod lang si Hans habang siya ay paikot-ikot na sa kwarto. "This it it! This it it! Why haven't I thought of this before?!" Sabi niya sa sarili na tila ba napakatanga niya dahil ngayon niya lang ito naisip.

"This is what?" Naguguluhang tanong ni Hans na hindi niya naman pinansin.

May ilang tinype siya sa computer bago kinuha ang tools niya at lumapit sa kanyang time machine. May ilan siyang inadjust doon bago siya lumayo at pumwesto sa harap ng computer. "This it it Hans!" Sigaw niya bago pinindot ang isang key sa keyboard at nagliwanag bigla ang time machine.

Iiling-iling na lumapit sa kanya si Hans at ilang ulit pang kinurap ang kanyang mga mata. "I can't believe it." Mahinang sabi nito habang ang paningin ay nakapokus pa rin sa time machine.

Muli siyang humarap sa computer bago napakunot ang kanyang noo. "No. No. No." Paulit-ulit niyang sabi na nakaagaw sa atensyon ni Hans. "What's wrong?"

"I can only go back thrice. After that, I have no more chances left."

'Three more retries. Just three more retries to save Hailey.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three More RetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon