2nd

22.5K 503 110
                                    

Old

Tapos na ang taping namin sa latest movie na kinabibilangan ko, so basically, I can go to Albuera to talk to Diego for a bit then fly to LA to enjoy the rest of my vacation.

Wow. I cannot believe I am really going to do it. How I wish this is just a hell of a nightmare so I could go on with my life already. What a waste of time.

“Gusto mo ihatid kita sa airport? I can accompany you, you know.” nakangiting alok ni Jimuel

Jimuel is my long time leading man. We’ve been loveteam for almost 5 years now. We’re currently having a dinner with all the cast.

I smiled at him and rejected his offer. Of course, ayoko namang malaman nyang hindi talaga ako mag-eeroplano.

“Wag na, I can manage.” pagtanggi ko

“You sure?”

“Yeah, don’t worry.” pagsisigurado ko

While everyone's busy eating, Jimuel who's right beside me is busy filling my plates with different dishes. He acts like my boyfriend as what they say but he really isn't. He is just born as a sweet person so I am kind of used in this side of him. Kahit nga ang mga tao sa paligid namin eh sanay narin sa kasweetan nya.

Pagkatapos naming maghapunan ay inaya pa nila akong magbar pero tumanggi ako. Babyahe pa ako bukas so I need to avoid alcohols and stuff. I don't want to drive so long with my head spinning, like duh, I don't want to die pa kaya.

“KJ mo naman Anda! Sige na kase, paunang celebration na natin to sa paniguradong success ng movie mo!” pamimilit ni Jessica, katrabaho ko

“Papa Jimuel, pilitin mo naman, malakas ka dyan eh!” udyok ni Bobby kay Jim

I rolled my eyes as I felt Jimuel's intense stare towards me. Actually, kanina pa siya nakatingin but I am not intimidated naman, sanay na kase ako.He was staring at me the whole time while girls around stared at him. Aside kase from being sweet, Jimuel is also born a charmer. Gwapo sa kahit anong anggulo, mabait at gentleman.

I admit, he once courted me but I refused. The attraction I feel towards him is pure brotherly.

“May byahe yan bukas, ayoko namang bumyahe siyang may hang-over, baka mapano pa.”ani Jimuel na nagpalala na naman sa kantyaw ng mga kasama namin

“Ayun naman pala! Napakaprotective mo kahit kailan Jim! Ewan ko nalang kung hindi pa mainlove si Amanda niyan ha!”

“Ano ka ba Sam, matagal nang inlababo sa isa’t isa yang dalawa! Kita mo naman siguro kung pano maglambingan yang dalawa sa set diba?”

“Baliw.” tawa ko

Palagi talaga silang ganito, daig pa ang mga Jindas kung maka ship samin eh. Jinda nga pala ang tawag sa loveteam namin ni Jim.

“Oh sige na, sorry talaga ha? Bawi nalang ako next time.”
Nagpaalam ako sa bawat isa at lumabas na ng resto, with Jimuel beside me, as usual.

“Ingat ka bukas ha? Text me when you get to where you want to be.” his tone is dripping with concern

Tumango ako kay Jimuel at nagpaalam narin nang marating namin ang kinaroroonan ng kotse ko.

“Bye. Take care please!” aniya at bahagya akong niyakap, kinawayan ko siya bago pumasok sa sasakyan

Bago dumiretso sa condo, dinaanan ko muna si Kaizz sa isang mall. I told him to buy me some milktea. Kaizz is my PA eversince I entered showbiz so he happened to be my best friend also. Our personalities just jive a long so well that I don't treat him as my PA anymore.

Just As The Sunset (Albuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon