11th

17.9K 463 88
                                    

Love

Naging parang masyadong mabilis ang paglipas ng oras, gabi na ng matapos na naman kaming maghapunan at umakyat na kaming pareho sa kwarto.

"Can I see the photos?" I asked him.

"Yeah, it's on my phone." sagot niya, nakaharap na naman sa kanyang laptop

I grabbed his phone and swiped. Wala iyong passcode.

I went to his gallery and saw our adorable photos. May picture kami habang nakajetski, habang nakaligo at iba pa. Most of it were stolen and both of us looked so engaged with each other. Kung hindi kami magkahawak kamay ay nakapulupot naman yung braso nya sakin. Their were also candid shots where we were both smiling or sometimes, smiling while looking at each other. I smiled, these photos are definitely treasure.

As I was scrolling on his phone, may nagtext. Out of curiousity, I clicked and saw who is it.

'Oo Attorney, okay na.'

The message was from Attorney Genric Castañeda. Iyon ang nakaregister sa phonebook nya. Nagulantang ako. Why would my attorney, message Diego?

Nakakunot noo kong iniscroll ang conversation nila, only to find out that they were talking for a long time. Hindi ko na inisa-isa ang mensahe, si Diego nalang mismo ang tatanungin ko.

"Diego," I called out Diego seriously

He raised his brows and noticed my serious expression kaya tinigilan niya muna ang pagkukulikot sa kanyang laptop at lumapit sa kinaroroonan ko.

"Why are you communicating with my attorney? Attorney Genric Castañeda?" matigas kong tanong

I saw how his adam's apple wave at my question.

Lumapit si Diego at naupo sa kamang inuupuan ko rin. Mapupungay ang mga mata ni Diego habang nakatingin sa akin. What could be the meaning of this?

"Amanda,matagal na kaming magkakilala ni Atty. Castañeda." panimula niya

I raised my brows as I await for his explanation. Hindi ko maintindihan eh.

"We've been friends ever since I was in highschool, sabay rin kaming nag-aral ng law." aniya

Hindi kailanman nabanggit ni attorney sakin to. Mas nauna pa pala silang magkakilala ni attorney kesa sakin?

"Magkakontsaba ba kayo?" madiin kong tanong

Wala na akong ibang maisip. I don't believe in coincidence. Please tell me you're not Diego. Please tell me.......my heart sank when he slowly nodded

Umiling ako kasabay ng panlalaki ng aking mga mata.

"Ano? Bakit?" nanghihina kong tanong

All this time, I was fooled by my own attorney? Ano to, joke time lang ang lahat? Inabot nya ang kamay ko pero iniwas ko iyon sa kanya.

"Bakit nyo nagawa sa akin 'to Diego?"

May bumabara na sa lalamunan ko, at labis ang tahip ng puso ko.

Minsan lang ako magtiwala ng tao. Si attorney nga lang ang pinagsabihan ko dahil hindi ko kayang pagkatiwalaan maski yung mga taong pinakamalapit sakin, tapos eto?

"Amanda, listen." he sighed and paused

Nakatunganga lang ako. Parang nagflashback lahat ng hirap ko makarating lang sa probinsyang to pati lahat ng pinagdaanan ko kasama si Diego.

"Yes, I planned everything. Hindi totoo yung sinabi ni attorney na may karugtong pa iyong last will ng lolo mo,"

What? Alam nya pala.

Just As The Sunset (Albuera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon