Dream 14

45 15 2
                                    

Natagpuan ko na lamang bigla ang aking sarili na nakatingin sa matandang mag-asawa. Nakaupo sila sa isang bench na ang kaharap ay isang malawak na lawa na pinapaligiran ng kumikinang na mga alitaptap.



Makikita ko din ang bilog na hugis ng buwan na nasa itaas lang mismo nila at napakasariwa din ng hangin sa palibot ng lugar. Ang ganda din ng mga bituin sa kalangitan at may iilan akong nakikitang mga shooting stars.



The dream of this old man was so beautiful. Even his relationship with his wife was so beautiful.


Humiga ang babae sa balikat ng kaniyang asawa at tinuro ang kalangitan. Hinahaplos naman ng lalaki ang buhok ng kaniyang asawa at hinalikan sa noo.


Napakasaya siguro ang pakiramdam ng magmahal. Yun bang taong makakasama mo hanggang pagtanda. Gusto kong makahanap din ng ganoong klase ng tao.



Hindi ko alam kung isa bang memorya o simpleng panaginip lamang ito ng matandang lalaki pero natutuwa ako na magkasama sila ng minamahal niya.


Bigla kong naalala ang unang pagngiti ni Zen sa ipinakitang alaala sa akin. Gusto ko pa siyang makilala ng lubos. Gusto ko malaman kung ano ang dahilan ng pagtago niya ng kaniyang lungkot sa ipinapakita niyang ngiti sa akin noong una kaming magkita sa panaginip niya.



Ganoon din ang pagkasabik ko na makilala at maalala ang buhay ko noon. Ang buhay ko na minsan na pala akong nabuhay bilang isang normal na tao.


🌹🌹🌹

AuroraWhere stories live. Discover now