ViceIon One Shot #1: 'Til I Met You

1K 14 1
                                    

Nagising si Vice sa isang nakakabinging katahimikan at isang magulong kwarto. Naninibago parin siya sa mga pangyayaring naganap 3 days ago. Umiyak na naman uli siya sa mga naalala.

Flashback
Nasa loob ng bar si Vice kasama ng mga bakla. Nag-iinom sila ng madako ang tingin ng isa sa mga bakla na si Fifi sa isang table. Isang lalaki at babaeng naghahalikan. Kinilatis ng maigi ni Fifi kung sino ang lalaking kahalikan ng babae dahil mukhang namumukhaan niya ito. Tama nga ang hinala niya si Calvin nga ito. Ang boyfriend ni Vice. Sinenyasan naman ni Fifi ang mga kasamahang bakla upang makita ang senaryo. Napanganga nalang ang ibang bakla sa nakita. Gumawa sila ng paraan upang hindi makita ni Vice ang ginagawa niya. Marami rami na rin ang naiinom nila. Nagpaalam muna si Vice na mag-ccr. Nakita ng mga bakla na malapit sa CR ang pwesto ng boyfriend ni Vice. Kaya sinundan siya nina Buern at Fifi. Nang makalabas si Vice sa CR ay agad kinuha ni Buern ang atensyon ni Vice upang hindi ito malingat sa kanang bahagi kung saan ng nobyo nya. Ngunit nabigo si Buern dahil bago pa makatingin sa kanya si Vice ay nalingat na ito sa gawi ng boyfriend niya. Nakita ni Vice ang ginagawa ni Calvin. Napakuyom na lang ng kamao si Vice upang pigilan ang emosyon at hindi na magdulot pa ng eskandalo sa loob ng bar. Hinawakan na lang ng dalawang bakla ang parehong kamay ni Vice upang i-comfort ito. Hinatak pabalik ni Vice ang dalawang bakla pabalik sa kanilang kinauupuan at umorder uli ng inumin.

Buern: Meme, tama na yan lasing ka na oh!

Fifi: Oo nga me. Hayaan mo na lang yung boyfriend mo iwan mo na siya.

Vice: Masakit, ang sakit sobrang sakit pa'no niya nagawa sakin 'to? Binigay ko naman lahat sa kanya pero ba't ganun iiwanan din naman pala niya ako! Tagayan niyo na nga ako!

Archie: Me, makinig ka sa'kin. Okay? Tumingin ka sa'kin. Walang mali sa'yo Me, okay? Nasa kanya. Siya yung mali. Alam mo kung bakit? Kasi minahal mo siya at pinahalagahan mo siya kaso sinaktan at hindi ka nya pinahahalagahan. Ganun yun Me, walang may mali sa'yo nasa kanya kaya tama na yan. Lasing ka na at umuwi nalang tayo.

Napahagulgol nalang si Vice sa sinabi ni Archie. Inaalo naman siya ng mga kaibigan niya. Inakay nila palabas ng bar ang kaibigan nila. Habang nasasakyan sila ay nagtipa ng mensahe si Vice para kay Cal upang tapusin ang meron sila.

To: Calvin❤️
Cal, thank you sa lahat ng mga alaala at mga pinagsamahan. Pero mukhang hanggang dito nalang talaga tayo. Hindi ko hahadlangan kung ano man ang ikakasaya mo at ng puso mo. Cal, tandaan mo mahal na mahal kita. Salamat.

Matapos maisend ang message ay inoff na niya ang phone niya. Nang makauwi lahat sila ay dinala nila agad si Vice sa kanyang kwarto. Nagpahinga narin ang lahat sa kanilang kwarto. Matapos ang gabing iyon ay hindi narin nagparamdam pa uli si Cal sa kanya. Gabi gabing umiiyak si Vice sa mga nangyari.

End of Flashback

Pumunta si Vice sa kanyang banyo upang maghanda at bumaba na dahil may Showtime pa siya. Agad siyang naghanda para makaalis na agad dahil malelate na siya at dalawang araw narin siyang absent. Mabilis na nakarating si Vice sa building. Nakasalubong naman niya si Vhong kakalabas sa kanyang DR.

Vhong: Uy brad! Bago na pala ang escort sa Ms. Q&A. Wala na si Greg dahil may kailangan siyang asikasuhin sa bansa nila.

Vice: Ganun ba? Sige maghahanda na ako malapit narin tayo mag-air.

Vhong: Sige brad! Mauna na ako sa lounge hihintayin ka nalang namin dun. Ay oo nga pala brad! Gwapo daw yung papalit kay Greg.

Nakangisi na sambit ni Vhong bago magtungo sa lounge. Napailing na lang si Vice sa tinuran ni Vhong.

ViceIon One ShotsWhere stories live. Discover now