ViceIon One Shot #2: Back at One

689 12 0
                                    

Ion's POV

It's been a while since I get into relationship with Vice. Oo matagal na rin kami. Nagkaroon na kami ng away ngunit nagbabati din kami agad. Pero iba ngayon. Almost 2 weeks na kaming walang pansinan and communication. Grabe natiis niya ako ng ganun katagal. Eh parang dati ayaw niyang umalis ng wala ako ngayon wala na bahala ka na sa buhay mo ang drama niya. Nakakamiss na siya. Namimiss ko na yung bakla ko. Wala eh, nagawan ko siya ng kasalanan. Kaya eto magtitiis akong hindi niya ako pansinin. Nakailang text na rin ako sa kanya since the day na nagdecide siya na hindi ako pansinin. Pero wala pa ring reply hanggang ngayon. Eto naman ngayon kukulitin ko na naman siya kahit alam kong hindi pa rin niya ako papansinin.

Love Ko❤️

Love, pansinin mo na ako plsss🙏. Di ko na kayang ganito. Please. Hear me out naman oh. Miss na miss na kita. Alam mo ba yun? Sobrang miss na kita. Sorry na love ko mahal na mahal kita. I love you. Sana mag-reply ka sa'kin.😭

Hayst, wala talaga eh. Pupuntahan ko nalang siya sa bahay niya...

End of POV

General POV

Nagbihis si Ion at kinuha ang susi ng kotse niya. Nagtungo siya sa garahe at pinaandar ang kotseng gagamitin niya. Pagkalabas ng kotse niya ay pinaharurot niya ito patungo kina Vice. Halos 45 minutes ang biyahe niya. Pagkadating niya doon ay lumabas siya ng kotse at dumeretso sa gate ng bahay tsaka nag-doorbell. Ilang doorbell pa bago siya pagbuksan ng kasambahay ni Vice.

Ion: Hi Jacque, andyan ba si Vice?

Jacque: Ah si Ate Vice po? Ang pagkakaalam ko nasa kwarto niya po. Pasok po kayo kuya.

Ion: Ganun ba sige salamat.

Agad nagtungo si Ion sa kwarto ni Vice. Binuksan niya ang pinto at nakita si Vice na nakahiga at nag-cecellphone. Pumasok siya sa kwarto ngunit hindi manlang siya tinapunan ng tingin ng nobya. Bago pa makaupo si Ion sa kama ng nobya ay tumayo ito agad at lumabas ng silid. Napayuko na lang ang binata sa ginawa ng nobya. Nang makalabas ang nobya ay sinundan niya ito agad at natagpuan sa sala. Magsasalita na sana ang binata ng biglang magsalita si Vice.

Vice: Jacque! Bakit ka nagpapasok ng tao dito sa bahay?! Sabi ko naman sayo na wag na wag magpapasok ng tao kung hindi sa'kin ipinaaalam ah!

Jacque: Sorry po ate...

Hindi na muling nagsalita si Vice. Umupo naman si Ion sa katabing sofa. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

Ion: Love??

Hindi parin siya pinansin ng nobya bagkus ito ay nagsuot pa ng earphones upang hindi marinig ang boses ng nobyo. Napabuntong hininga na lang siya. Tumayo na siya at nagpaalam sa mga tao sa bahay at umalis na.

Vice's POV

Tiningnan ko ang katabing sofa ko kung may tao pa. Pagtingin ko ay wala na. Umalis na pala si Ion. Hayst... Ano ba yan?! Hindi ko siya kayang harapin at pakinggan. Ansakit kasi ng ginawa niya eh! Ikaw ba naman makakita ng pangloloko ng nobyo mo di ka ba magagalit?! Oo nakita ko siyang hinahalikan ng babae sa bar! Nyeta! Ang sakit! Hindi pa ba ako sapat para sa kanya?! Siguro nga. Maya-maya pa ay may tumawag sa cellphone ko. Tiningnan ko ang caller id, si Karylle ang tumatawag.

ViceIon One ShotsWhere stories live. Discover now