Pain

278 8 1
                                    

#1

Hindi na halos ako makahinga but I manage to kneel down in front of her. Kung kailangan mag-makaawa ako gagawin ko, gagawin ko kasi mahal ko siya mahal na mahal higit pa sa sarili ko.

"Pl-please bumalik kana sakin Ailese. G-gagawin ko lahat para sayo o kahit para sa pamilya mo. B-bumalik ka lang s-sakin" nakita ko siyang umiiling-iling hindi maaari ito kailangan ko siya kailangan ko siya sa buhay ko. Siya lang ang nakikita kong babae na makakasama ko sa habang buhay.

"Please" pagsusumamo ko sa kanya. I am now facing the floor tuluyan na akong lumuhod sa harapan niya.

"Hi-hindi na tayo pwede Max." nanginginig na ang boses niya. Umiiyak na siya alam ko, alam na alam ko mahal pa niya ako pero bakit hindi na pwede?

"Mahigit na 7 taon na tayong nag-sasama Ailese. Wala naman tayong problema sa magulang mo diba? Doon lang naman tayo sa la-laking iyon may problema pero diba ma-mahal mo parin ako. Ako parin diba? Paanong hindi pwede?" tumingala ako sa kanya ang sakit ang sakit pero mas dodoble itong sakit na ito kung hindi ko siya makakasama.

Lalo siyang napahikbi hanggang sa lumakas ang palahaw niya. Lumapit siya akin at kinuha ang kamay ko saka ipinatong niya iyon sa tiyan niya.

"Hin-hindi tayo pwede ka-kasi b-buntis a-ako. At siya yung a-ama ng dinadala ko. Sorry Max, sorry, sorry." napaluhod na rin siya sa harapan ko. Lalo akong hindi makahinga. Alam ko darating ang araw na ito inihanda ko ang sarili ko dito. Pero— pero bakit ang sakit sakit. Oo sabi ko handa na ako pero bakit ngayon bakit ngayon bakit ganito ang epekto. Napapikit ako at dinama ang buhay na nasa loob niya.

"A-anak ko i-ito" may kung anong bumakag sa lalamunan ko nang sambitin ko iyon. Bahagya siyang napatigil sa pag-iyak.

"Hi-hindi alam natin iyan Max. Hin-di sayo ito" umiyak uli siya. I cupped her face and kiss her forehead.

"Anak ko. Anak natin iyan. Shhh wag kang umiyak baka mapaano si Baby!" pinasigla ko ang boses ko and I flash my greatest smile. Lalo siyang napaiyak sa sinabi ko niyakap ko siya nang mahigpit at paulit-ulit na sinabing anak ko ang nasasinapupunan niya. Ako na yata ang dakilang martyr nang taon.

Pero kahit ano talagang pag-iingat o pagbibigay mo nang pagmamahal sa taong iyon. Mawawala at mawawala rin siya sayo. At ngayong araw na ito sa isang simbahan nasaksihan ko ang pag-iisang dibdib nang babaeng minahal ko higit pa sa buhay ko at ang taong rason kung bakit kami nagkaganito. Hindi ko alam kung bakit ako nandito at sinasaktan ang sarili, it was my dream for her sadly ibang lalaki ang kasama niya. After the wedding I even congratulated her and his so called husband. Oo kinamayan ko sila pariho. Ang sakit sobrang sakit pero iwan ko ba. Ene-enjoy ko nalang. Umalis ako matapos noon at nagmokmok sa apartment ko.

"Sabi ko na nga ba umiinom ka na naman diba nga kuya sabi ko wag nang pumunta ang tigas ng ulo" ngumiti ako sa kanya ngunit walang buhay iyon. Ngumiwi siya halos araw-araw nadadatnan niya akong ganito. Hindi ko alam ako yung mas matanda pero ako iyong matigas ang ulo.

"Luh baliw to. Wag kang ngiti nang ngiti diyan. Walang nakakatuwa loko to." nililigpit niya yung kalat sa apartment ko. Ilang minuto pa ay umupo siya sa tapat ko tapos na niya atang ligpitin ang mga kalat. Tutunggain ko pa sana iyong beer pero laking gulat ko nang ibuhos niya sa akin iyon.

Gusto kong magalit pero wala akong lakas matapos noon may kung anong pumukpok sa ulo at nawalan ako nang malay. Sana sana paggising wala na itong sakit na dinadamdam ko.

RANDOM STORYWhere stories live. Discover now