Kilig

73 0 0
                                    

#3

"Hoy bilisan niyo dyan at nagugutom na ako!" nakababa na ako ng tricycle pero yung mga kasama ko hindi pa nakababa at hindi pa nakakabayad sa driver. Gutom na gutom na ako gusto ko nang kumain ng pizza talaga. Nakakastress yung school daming reporting jusko bakit nga ba ako nag-education.

"Eto na nga walang sukli si kuya eh." pinaikot ko nalang yung mata ko saka pinaypayan sarili ko. Ang init talaga sa pinas isa pa itong kagandahan kong nakadagdag sa global warming.

"Oh hoy hintay!" narinig kong tawag nila syempre init na init nako kailangan ko nang sumilong at baka masira beauty ko.

Hinintay ko sila sa may entrance ng mall. Ang kukupad talaga gutom na rin ako pero nawala yung gutom ko ng may di katangkarang lalaki lumabas ng mall. He smiled at me jusko kahit hagard ako ang ganda ko parin kaya guro ako napansin nito.

"Oyy kumusta!" sigaw noong lalaki papalapit siya sa akin ako naman hindi ko alam gagawin ko oo maganda ako pero di ko akalain ganito ako kaganda para mapasin niya. So ang ginawa ko ay ngumiti sa kanya sasagutin ko na sana siya nang biglang.

"Pare kumusta! Napagala ka dito?" isa iyon sa mga tropa ko tinignan ko sila halatang close. Nagkamustahan ang mga loko, me on the other hand tumikhim sakaling mapansin nila ako.

"Oh Jorge si Meriz pala tropa ko. Meriz si Jorge tropa ko rin." pakilala niya sakin and the rest of the squad. Tumango lang ako tsaka ngumiti. Inilahad niya kamay niya tinanggap ko sabay sabing nice to meet you.

Tinitigan ko siya ang gwapo niya talaga moreno, matangos yung ilong, makapal na kilay tapos kissable yung lips sarap papakin noon pero pinigilan ko sarili ko dapat dalagang pilipina ako.

Bibitawan ko na sana kamay niya nang may maramdaman akong papel. Nakunot noon ko tapos kinindatan niya ko. Shocks alam ko maganda ako pero nakakanginig nang tuhod iyong kindat niya.

Dahan-dahan niyang binitawan kamay ko ako rin naman kasi nga may papel baka resibo ito ng pinamili niya tapos nagpaalam na aalis na siya. Binuklat ko iyong papel nagulat ako hindi resibo kundi number, cellphone number niya! Tinignan ko ulit siya ayun nanaman yung mapaglarong ngiti niya and then he gestured "Call Me".

"Putang ina ang ganda ko!" I exclaimed!

RANDOM STORYWhere stories live. Discover now