Chapter 44

17 5 0
                                    

Haeley’s P.O.V.

Hindi ko akalain na si Tita Reign ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung sino pang magulang ni Ranze na pinagkatiwalaan at ginalang ko.

“T-Tita p-pero bakit po?”
Utal kong tanong kay tita na nakasandal lang sa pintuan.

“Kung di lang naging pakialamero yang magaling mong ama-amahan hindi to’ mangyayare sayo”
Ama-amahan? Ano ba kasing nangyare?.

“Hindi ko po kayo maintindihan.”
Nalilito na ko sa mga nangyayare. Bakit at anong dahilan ni tita para gawin nya to’ sakin. Anong ama-amahan e’ tunay ko namang ama si Papa at tunay din nila kong anak.

“Akala mo ba totoo kang anak ng mga magulang mo?, pwes akala mo lang yon!. And also you don’t deserve my son hindi kayo bagay.  Kanina mo pa nga palang tinatanong kung bakit kita pinakidnap, gusto ko lang naman na takutin ang ama-amahan mo para wala na kong kaagaw. Mayaman na sya, sobrang yaman na, kaya siguro pwede na syang magpaubaya.”
Sya ba yung kausap ni Papa sa  cellphone? Hindi, baka si Tito yun. Hindi to’ maaari, pag pumayag si papa sa gusto ni tita sigurado akong hindi lang yun ang gusto nya. Kailangan kong makatakas dito at sabihan si papa na may nagbabanta sa pamilya namin. Hindi din ako naniniwala na hindi nila ako tunay na anak.

“Pwede ba tita, itigil mo na to’. Alam naman natin na di mo maisasakatuparan yang masama mong balak. Pakawalan mo na nga ako dito!”
Kung ano ano nang sinasabi ni titang hindi naman nakakatuwa. Paalis na sya pero tumigil sya sandali at humarap ulit sakin.

“Rest in peace to Ivan Salvador, he’s dead. Let see kung may makakahanap pa sayo dito.”
Naiwan akong tulala sa loob ng kwarto at umiiyak, bigla namang dumampi sa balat ko ang napakalamig na hangin mula sa bintana. Nagbibiro lang naman siguro si Tita sa sinabi nya diba?. Hindi maaaring patay na si Kuya.

Tiningnan ko ang paa ko na nakakadena. Kinapa ko ang buhok ko kung may hair pin ba ako na nailagay sa buhok ko, salamat naman at meron. Pilit kong binuksan ang kadena sa paa ko at salamat nabuksan ko din.

Kailangan ko ng makaalis dito. Nagdahan dahan ako sa paglalakad ko. Sobrang daming kwarto hindi ko alam kung pabalik balik na ba ko o hindi.

Sa aking paglalakad ay may narinig akong mga kalalakihan na nagtatawanan. Baka yun yung mga dumukot sakin kaya agad akong pumasok sa isa sa mga kwarto. Ngunit di pa ko nakakapasok ng Makita ako ng mga lalaki kaya binalak ko na lamang na tumakbo at hinabol nila ako.

“Hoy bumalik ka!”
Rinig ko pa ang sigaw ng mga lalaki sakin pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo ko. Napapagod na ko pero pinili ko pa ring wag tumigil sa pagtakbo hanggang sa wala na akong matakbuhan at naabutan na nila ako. 

“Sabi ko naman kase sayo e’, pinagod mo pa kami.”
Sabi naman nung isang lalaki at tinutukan ako ng baril. Malakas kong sinipa ang kamay nya at nabitawan nya ang baril nyang hawak. Kinuha ko yon at pinagbabaril ko silang dalawa. Kinuha ko din ang jacket na suot ng isa sa mga lalaki.

“Ok na to’ panandalian lang naman”
Umalis na ko don para hanapin sila Ranze. Napansin ko na may mga marka ng dugo sa bawat silid na aking nadadaanan. Sinundan ko yon.

“Huh? bakit wala na?”
Taka kong tanong sa sarili ko at natalapid ako sa kung anong bagay man ang nasa sahig. Tiningnan ko yun, at nagulat na lang ako ng Makita ko si Kuya na nakasandal sa pader.

“Kuya!”
agad ko syang nilapitan at hinawakan sa mukha.

“Kuya gumising ka dyan nandito na ko ililigtas na kita.”
pilit kong gising kay Kuya pero hindi sya sumasagot. Napansin ko na may dugo na umaagos mula sa balikat ni kuya.

“kailangan kong mailabas dito si kuya para madala sya sa hospital.”

“At sinong may sabinng mailalabas mo sya rito?”
Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. May naramdaman din akong baril na nakatutok sa ulo ko. Hindi ako gumalaw bagkus ay nagisip kung anong dapat gawin. Dahan dahan akong tumayo pero sunod pa rin ang baril sa ulo ko. Humarap ako kay Tita Reign.

“Tita paalisin nyo muna ang kuya ko at hayaan nyo muna akong dalhin sya sa hospital. Tigilan nyo na po ito. Kakausapin ko na po si Papa para ibigay ang gusto nyo basta hayaan nyo lang po akong dalhin si Kuya sa hospital.”
Pakiusap ko kay tita, naramdaman ko ang mainit na pagtulo ng likido sa magkabila kong pisngi. Tumingin sya sa mga kasama nya at senenyasan ang mga ito na buhatin si Kuya upang dalhin sa labas.

“Teka san nyo dadalhin ang kuya ko?”
Tanong ko sa kanila pero ayaw nila akong sagutin. Pagbalik ko ng tingin kay tita ay may inispray sya sakin na nagging dahilan upang mawalan ako ng malay.

Nagising ako dahil naramdaman ko na sobrang sakit ng katawan ko. Nakaupo ako sa isang upuan at may nakatutok na ilaw sakin. Tiningnan ko ang katawan ko at punong puno ito ng mga pasa meron ding mga sugat.

“I’m sorry, Ginawa lang naming yan para ipakita sa papa mo”
sambit ni tita reign na nagkakape sa sulok.

“Madam!”
Bigla namang sigaw nung isa sa mga tauhan ni Tita kaya muntik na matapon ang kape sa kanya dahil sa gulat.

“Mag dahan dahan ka naman!. Ano bang meron?, tong bwesit na to’”

“Ang anak nyo po at ang kasama nya ay malapit na rito”
Sila Ranze?, Sabi ko na at mahahanap din nila ako. Napangiti ako kahit na ang sakit sakit ng pisngi ko.

“Kalagan nyo ang babaeng yan at sumunod kayo sakin.”
Agad lumapit ang dalawang lalaki sakin at kinalagan ako. Nilagyan din nila ng takip ang mata ko kaya hindi ko matukoy kung saan kami patutungo. Ang alam ko lang ay lumabas na kami sa ware house. Sa likod kami dumaan dahil yun ang narinig ko sa usapan nila kanina.

“Teka lang!”
Narinig ko pa ang boses ni Ranze bago ako kaladkarin ng mga lalaki na nautusan para dalhin ako kung sang lugar man nila ako dadalhin.

“Bitawan nyo na nga ako!”
Gigil kong sigaw sa dalawang lalaki na may dala sakin.

“Ranze tulong!, nandito kami!”
sigaw ko para malaman nya kung san kami papunta.

“Busalan nyo nga ang babaeng yan.”

Tinalian naman nila ng panyo ang bibig ko. Nagpumiglas ako at tumakbo ng mabilis papunta sa masukal na lugar. Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makarammdam na naman ako ng pagod. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno at kinalas ang tali sa kamay ko.

“Psstt”
Napatingin ako sa buong paligid. Hinanap ko kung sino ang tumatawag sakin. Napalingon ako sa bandang kaliwa ko nang makita ko si Ranze habnag inaabot nya ang kamay sakin. Inabot ko yun at sakto namang nakita kami ng mga tauhan ni Tita Reign.

“Are you ok?”
Alalang tanong ni Ranze habang tumatakbo kami palayo sa mga lalaki.

“Medyo. San ba tayo pupunta?”
Tanong ko na lang sa kanya kase mukhang di nya din alam kung anong meron sa lugar na to’.

“Basta tumakbo na lang tayo, Kaya mo pa ba?”

“Kaya ko pa naman.”
Sagot ko. Hinawakan ni Ranze ang kamay ko. Feeling ko safe nako kase hawak na ko ni Ranze pero hindi pa rin tumitigil ang mga lalaki sa paghabol samin kaya walang tigil kami sa pagtakbo ni Ranze. Hanggang sa makarating kami sa isang lumang tulay… mukhang hindi na ito nagagamit.

“Tutuloy pa ba tayo?”
Nagaalinlangang tanong ko kay Ranze na mas humigpit pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Tumingin muna sya sa kaliwa’t kanan, upang maghanap ng ibang daanan pero ang tanging tulay na lang ang option namin ngayon. Maaabutan na din kami ng mga tauhan ni Tita.

“Tumuloy na tayo…”
Agad kaming tumakbo ni Ranze sa lumang tulay at pakiramdam ko magigiba yun sa ano mang oras.

“Ranze… natatakot ako”
Sabi ko kay Ranze habang patuloy pa rin namin tinatawid ang tulay, muka namang hindi na kami sinusundan nung mga lalaki kaya tumigil na kami sa pagtakbo. Nasa unahan ako ni Ranze habang sya naman ang bantay sa likuran ko.  Nasa kabilang dulo na ako ng biglang bumigay ang tulay at si Ranze ay hindi pa nakakatawid. Napatingin ako sa mga lalaki na nagtanggal sa pagkakatali ng tulay mula sa pinagkakatalian nito. Agad ko namang hinawakan ang kamay ni Ranze para hindi sya mahulog sa bangin.

Save me Where stories live. Discover now