CHAPTER 41

1.4K 49 16
                                    

Chapter 41

Realize

Nandito kami ngayon sa isang di kalumaang bahay, luma na pero makikita mo pa din yung kagandahang taglay nito, at masasabi kong napaka yaman ng may ari nito dahil kahit luma ay maayos at malinis ang mga lumang mamahaling gamit, matagal din ang byahe papunta dito at hapon na ng makarating kami dito, ito nga ang pinagtataka ko eh, bakit kami nandito?

"Magandang hapon po, Sir and Mam!" ani ng matandang babae sa likod namin, kasama ang isang matandang lalaking baka ang kanyang asawa.

"Manang, ayos na po ba lahat ng binilin ko?" ani ni Lance.

"Opo sir, maghahanda nalang po kami ng hapunan nyo ngayon, akala kasi namin ay mga tanghali ang pagdating nyo." isang tango ang iginawad ni Lance bago bumaling sakin.

"Ano ginagawa natin dito?" di ko na mapigilan magtanong, sila lang kasi ang mukhang excited, at ako mukhang sira di alam kung anong nangyayari, akala ko ba mamasyal kami at kanino namang tong bahay na pinasok namin mamaya may mumu pa dito eh!

"Bie, mamasyal tayo dito!" masayang tugon ni Minny, ano naman ang mapapasyalan dito, sa isang malaking lumang bahay?

"Huh, saan?"

Di na nila yon sinagot at hinila nalang ako, don nasagot lahat ng katanungan ko ng papalapit na kami sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy, ang natagpuan namin sa likod ng malaking mansyon, malayo pa lang kami ay tanaw na dito ang magandang tanawin at malawak na lupain, na may katabing lawa, tila nga totoo ang sinabi ni Minny makakapasyal na nga, makaka pagrelax pa kami dito, pero teka kanino naman kaya itong lugar na to nasisiguro kong napaka yaman ang may ari nito!

"Ang ganda naman dito!" bumalatay saakin ngayon ang saya na kanina pa nila nararamdaman.

"Sabi ko sayo bie eh, kung di pa kami nagsuggest dito kay Lance-" agad na tinakpan ni Charles ang bunganga ni Minny, nakakatampo tong mga kaibigan ko, kaibigan ko ba talaga sila?

"Ahm May, lika dito wag mo yung pansinin yang dalawa na yan nababaliw na ata" hinila na ko ni Lester, hinawakan nya ko sa bewang sabay ngisi sa likodan, ang weird talaga nila bahala na nga sila at mag-eenjoy nalang ako dito binabawi kona na ayaw kong sumama!

"Lester, sino ba ang may ari nito? kayo ba?" bulong kong tanong, medyo malayo layo na rin kami sa tatlo pero nilapit ko pa din ang mukha ko kay Lester sanhi na muntik ko na syang mahalikan!

Mabuti nalang at tumama lang ito medyo sa pisngi dahil sa pag-iwas nya, pero sa malayo di mo aakalain na hinalikan ko sya sa pisngi! ngising hinarap ako ni Lester.

"May, naman ipapahamak mo pa ko eh, wag dito baka may bigla nalang bumato saaking suntok" napatingin sya sa likod at ganon din ako, si Minny at Charles ay tawa ng tawa habang si Lance nagwalk out? problema non?

Ang weird talaga nilang lahat!

"Manhid mo, bie" ani ni Minny, pagkalapit nya saamin.

"Miss Sunshine, wrong move" dagdag naman ni Charles, di ko naman sinasadya eh, nagtatanong lang naman ako at tsaka ano naman kung mahalikan ko si Lester sa pisngi lang naman-

"Can i court you?" seryoso nyang ani, nagtatakang napatingin naman ako sa kanya, teka ano bang nakain nito at kung ano ano sinasabi?

"Huh?" ayun lang ang tanging namutawi saaking bibig, umiwas ako ng tingin ngunit hinawakan nya ang aking kamay, seryoso ba sya?

"Sunny, can i court you?" seryoso nya uling ani, pero sa pagkakataong ito, unti unti na syang lumalapit, habang ako ay palayo naman ng palayo, seryoso ba talaga sya?!

"Lance, wag ako okay-"

"Seryoso ako, Sunny" sa pagkaka sabi nya non ay bigla nanamang bumilis ang tibok ng aking puso, sa pagkakataong ito ibang iba na, hanggang sa una naming pagkikita, sa mga oras na kasama ko sya, oo inaamin ko na gusto ko sya, hindi bilang kaaway, kundi bilang sya, pero alam ko namang wala akong pag-asa eh, sa pagkaka diskubre ko nang nararamdaman ko sa kanya ay naging mahirap, sa mga nagdaang araw na pilit ko iniiwas ang aking sarili, ay sya namang tong bigla bigla nalang susulpot, di sa pagmamaliit sa sarili, pero bakit ako? sinusubukan nya ba ko?

Haters become LoversWhere stories live. Discover now