CHAPTER 56

929 47 18
                                    

Chapter 56

Sa mga oras na yon na paisip ako sa kanyang mga sinabi, iba't ibang ugali ang nasaksihan ko sa mga buwan o araw na magkasama kaming dalawa ni lance, ni hindi ko maisip kong totoo o pagpapanggap lang ang kanyang kinikilos, tunay nga na hindi ko pa talaga sya kilala ng mabuti dahil wala akong ibang alam sa kanya kundi ang nararamdaman nya, hindi ko alam ang pamilya nya, hindi ko alam ang mga nakaraan nya, pero kahit ganon ay may tiwala ako sa kanya, dahil darating din ang panahon na masasabi nya rin saakin ang tunay napagkatao nya hindi sa pagkakakilala dito sa school na pinag aaralan namin, kundi ang totoong sya.

Marami man syang alam tungkol saakin, konti man ang alam ko tungkol sa kanya, wala akong pakialam dahil may tiwala ako sa kanya.

Dahil mahal ko sya...

"Boss, nandito na ang hinihintay natin, papasukin ko na ba?" isang tinig ng lalaki nagpabalik sa aking wisyo.

Kung sa sitwasyon na ito ang paraan upang makilala ko sya ng lubos, tatanggapin ko kung ano man sya dahil tinanggap nya ako kung ano man ako.

"Papasukin nyo, at ipapakita natin ang supresa natin para sa kanya," ngising ani ni xander, napatingin sya saakin at sinampal ulit ako ng napakalakas, nakita kong isa isang kumuha ng kahoy ang mga kasamahan nyang lalaki, agad na nanalatay ang malaking kaba saakin dibdib, hindi para saakin kundi para kay lance...

Sana hindi nalang sya pumunta! sana hinayaan nya nalang ako dito! dahil sa saakin baka mapahamak sya!

Kayo na po ang bahala saamin.

Akmang sasampalin ulit ako ni xander, napapikit nalang ako hindi dahil sa masakit sa katawan, kundi sakit saaking puso, pero ilang segundo ay wala akong naramdamang sakit.

Napamulat ako saaking mata, at nakitang nagkakagulo na ang mga kalalakihang nandito sa tabi ko kanina, narinig ko ang mura ni xander at hindi mapakali na kumuha ng isang kahoy sa gilid, itinayo nya ko saaking pagkakagapos, at hinampas sa binti noon.

Hindi ko na pamigilan ang mapasigaw dahil sa sakit nito, bumaon ang kaunting pako na nakadikit doon saaking binti, natumba ako sa lakas non.

"Lance, kung hindi ka titigil papatayin ko tong girlfriend mo!" sigaw na ani ni xander, hudyat na tumigil ang kaguluhan sa labas, unti unting pumasok ang ibang kalalakihan na sugatan at sa pagkakataon na yon kahit nakahiga ako sa sahig, ay kita ko ang seryoso at galit na mukha ni lance, walang syang galos ni isa masungit at gwapo pa din tingnan kahit sa gantong sitwasyon.

Napasulyap sya saakin, seryoso pa din ang kanyang mukha, pero kita ko dito ang pag aalala na nananalaytay sa kanyang mata, akmang lalapit sya pero hinila ako ni xander pataas gamit ang buhok.

"Don't you dare touch my girl!" mabilis ang pangyayari at nakita ko nalang si lance na sinuntok ng napakalakas si xander, hinila naman ako ni lance papunta sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit sa sitwasyon na ito ay lalo akong nagagwapuhan sa boyfriend ko!

Niyakap nya ko sandali at nag aalalang tumingin saakin, ngumiti ako ng kaunti upang ipabatid na ayos lang ako, dahil nandito sya... sa aking tabi... kaya okay lang ako...

Ngunit ang pagtatagpo na iyon ay mabilis naglaho, sa isang hampas ng kahoy sa likod ay kita ko ang pag labas ng dugo sa kanyang bibig... unti unting bumagsak saaking harapan, kung kanina ay hindi ako nasasaktan, ngayon pakiramdam ko ay manhid na ko.

Dahil ang puso ko lang ngayon ang nararamdaman ko, mabilis na tibok at may halong takot at pangamba, hindi lance lumaban ka please, dahil sa sandaling masaktan ka ay baka tuluyan nang mawasak ng buo ang puso ko.

Hinila ulit ako ni xander gamit ang buhok, nakita ko na pinalibutan at pinaghahampas sya ng mga kalalakihan na iyon, ngunit lumalaban sya... tama wag kang papatalo lance...

Haters become LoversWhere stories live. Discover now