Chapter 5: Panty

10 0 0
                                    

T'Kol

Written by: Zacche3uz02


Ethan

Hindi pa rin ba tapos 'tong araw na 'to?

Last subject na namin ngayon, but heck do I care?

I just can't bare the thought na for 10 months or a whole year, ganito nang ganito lang 'yung nangyayari sa buhay ko.

Gusto ko na lumipat.

Si logtu nakayuko parin hanggang ngayon, tumatayo lang s'ya pagbumabati kami sa teacher then yuko na ulit... magang-maga yung mata n'ya

OO NA, nakokonsensya na 'ko sa ginawa ko!

Ayoko lang kasing nakakakita ng umiiyak na babae,

Kahit sinong babae...

Hindi naman sa nagcacare ako kay logtu...

kanina kasi nung umiyak s'ya sa harapan ko tapos yumuko s'ya sa desk n'ya, kala ko okay na pero naririnig ko pa rin 'yung sakit sa hikbi n'ya... as if someone tore her heart into pieces,

Naalala ko lang si Mommy, nung mga panahon  na walang ibang ginawa si Daddy kung hindi gaguhin siya. Kaya biglang bumigat pakiramdam ko...

'tsaka sabi rin sakin ni Mommy, 'wag na 'wag ako magpapaiyak ng babae.

Pero iba naman 'yung kay logtu! si ma'am nagpaiyak sakanya, wag n'ya kong masisisisi d'yan.

okay na'to, wala namang may alam na ako ang kumuwa nung papel n'ya. 'tsaka wala rin idea yung iba naming classmate sa mga nangyari kanina

Just leave it that way.

I looked at my phone 6:58 na ng gabi, gusto ko ng umuwi. I needed rest, sobrang nakakapagod 'tong araw na'to...

ay--

nakakapanibago lang pala.

We are still waiting for the bell to ring, para makapila na kami and makababa na agad. ilang seconds na lang din naman ang natitira bago mag-uwian,

hindi na'ko magrereklamo.

nilingat ko ulit si logtu, kasalukuyan n'yang inaayos 'yung gamit na pinagkakalat n'ya kanina, I asked her if I could give her a hand. Take note! I asked her 'nicely'

she just rolled her eyes and told me that, meron na s'yang dalawa, hindi na daw n'ya kailangan ng extra.

Hindi ko na s'ya inimik kasi baka mabobo ako, can't imagine waking up tapos gan'yan 'yung IQ ko.

baka matulog nalang ulit ako.

AHHH! Kaya pala siya laging tulog. Make sense.

After all hindi ko naman talaga s'ya gustong tulugnan naawa lang naman ako, kasi may kasalanan ako sakanya.

"Okay class! see you tomorrow! pumila na ng maayos sa labas." sabi nung last subject namin tapos kan'ya-kan'ya na kaming pulasan palabas.

Hindi na kami naghintayan, o pumila man lang tulad ng bilin ng teacher namin kanina... First day pa lang naman, okay lang maging magulo...

Nung makarating ako sa may gate, 'yung assistant ko agad 'yung bumungad sakin...

Fck! bakit s'ya andito???

"What are you doing here?!" nagtataka kong tanong sakan'ya. Habang dagsaan pa rin 'yung paglabas ng mga studyante. "Di ba sabi ko? 'wag mo na'kong susundan once na magstart na'kong mag-aral dito?" hinila ko 'yung kamay n'ya tapos pumunta kami sa medyo walang tao banda na side ng school.

T' K.O.L  (This' Kind Of Love)Where stories live. Discover now