Part 11: Chance

26 20 0
                                    

Kerzelle's POV

Weeks have passed mula nang umamin si Drake sa akin. At mula noon, nagkakailangan na kami sa isa't isa. Napansin iyon ni Cassi. Tumahimik na rin naman na ang buhay ko mula nang mailabas ko ang hinanakit ko sa mga taong walang ginawa kun'di husgahan at kutyain ang pagkatao ko.

Tuloy pa rin naman ang pag-aaral. Pumayapa ngunit tulad nga ng sinabi ko kanina, nagkakailangan kami ngayon ni Drake dahil sa naganap noon.

Taeee! Ang sinabi ko, kalimutan na namin ang nangyari sa amin, pero 'di ko sinabi na magkailangan kami!

Matapos ang klase ay umuwi na kami. Hindi na ako tumambay ngayon sa waiting shed. Diretso uwi na ako.
Parang pagod ako ngayon kahit na wala naman ako masyadong ginawa sa school.

Umakyat ako at nagtungo sa aking silid. Nagdive ako sa kama kahit 'di pa ako nakakapagpalit ng damit pambahay. Sa pagod ko ay 'di ko namalayang nakatulog na pala ako.

HINGAL na hingal akong nagising. Naramdaman ko rin sa mukha ko ang malamig na pawis kaya naman pinunasan ko ito at saka pilit na kumalma. Nang kumalma ako ay inisip ko ang napanaginipan ko.

Bakit ko napanaginipan si papa?

Napakunot ang noo ko pero maya-maya'y bigla na lang tumulo ang luha ko. Napanaginipan ko ang ginawa niya sa amin ni mama.

Taimtim akong lumuha hanggang sa maibsan ang nararamdaman ko na dulot ng masakit na nakaraan naming pamilya.

Ang hirap maging broken family.

Broken hearted, puwede pa e, kaya ko pa. Pero broken family? 'Di ko kinakaya.

Iyong makakasama mo habang buhay, nariyan lang. Iyang mga lalaking iyan, nariyan lang. Madali lang makabingwit ng siyota, pero tatay? Hindi.

Iisa lang ang tatay ko— wala na nga pala akong tatay.

Sumakabilang puday na.

Natawa ako sa huli kong naisip.

Medyo bastos pero totoo naman. 'Di pa siya nakuntento kay mama. Tsk!

Napabuntong-hininga na lang ako. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya nagpasiya akong bumaba para kumain.

LUNES ngayon at may pasok na naan. Panibagong araw na naman. Papasok na naman ako. Magkaka-ilangan na naman kami. Tsk!

Nagklase kami at nakapoker-face lang ako pero 'di ako nakikinig dahil nararamdaman kong tinititigan ako ni Drake.

Anong trip niya? Naiilang tuloy ako bigla.

Matapos ang klase ay nagmadali na akong lumabas ng silid nang biglang may humawak sa braso ko.

"Kerz, can we talk?" boses ni Cassi. Nilingon ko naman siya.

"Why?" tanong ko. Tumikhim lang siya at saka hinawakan ang kamay ko't inayang bumaba. Nagtungo kami sa likod ng paaralan at doon nag-usap.

"I know masamang makialam but, may problema ba sa inyo ni Drake?" tanong niya.

"Wala," tipid kong sagot. Bumuntong hininga naman siya.

"Asa ka namang maniniwala ako? Come on Kerz, I know may problema kayo pero sana, 'wag niyo ako idamay. Pansinin mo naman ako. 'Di porket kinakausap ko si Drake e iiwasan mo rin ako. At please, ano bang nangyari sa inyo?" mahaba niyang sabi at tanong. Napairap lang ako.

"Uuwi na ako," tanging sabi ko at saka tumalikod na sa kaniya nang higitin niya ang braso ko.

"Kerzelle!" mataas na tono niya pang banggit sa unang pangalan ko.
Nanatili pa rin akong nakatalikod sa kaniya at huminga ng malalim.

"Bitiwan mo ako," mahinahon kong sabi ngunit mas lalo lang niyang diniinan ang paghawak sa braso ko. Napapikit naman ako. Mabilis pa man din akong mairita.

Nang maramdaman kong mas humihigpit pang lalo ang pagkakahawak niya ay agad ko iyong hinigit nang buong pwersa. Nilingon ko pa siya at saka muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Kerzelle Jane!" sigaw niya at para na siyang mapuputulan ng litid sa ginawa niyang pagsigaw. 'Di ko lang siya pinansin at nagpatuloy lang nang hawakin niya na nan ang braso ko dahilan para mapuno ako. Mas malakas na pwersa kong hinigit ang braso ko at marahas siyang hinarap.

"Ano ba?" sigaw ko. Kita ko ang pamumutla niya na agad ko naman ikinakonsensiya. "Ano ba kasi?" tanong ko sa mahinang paraan. Napaatras lang siyang napatingin sa akin at kalaunan ay lumayo.

"She's really a witch!" dinig kong usal ng kung sino kaya hinanap ko ang pinanggalingan ng boses niyaon.

Vinideohan ba nila ako?

Maybe not. Wala naman silang hawak na gadget.

"A wicked witch!" sabi pa ng kasama niya at umalis. Huminga na lang ako ng malalim at tumingala para pigilan ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Nang makahugot na ako ng lakas ay nagpasya na akong maglakad palabas ng school nang may humigit sa braso kong muli and this time, mas mahigpit na.

Nilingon ko naman ang kung sino ang may gawa no'n sa akin at ikinagulat ko na lalaki iyon.

He looks like a cheap man.

"Bitiwan mo ako," sabi ko. Ngumisi lang siya.

"Ano ako, uto-uto? Gusto lang naman kitang makilala nang husto. Ayaw mo ba?" mahaba niya pang sabi.

"Ayaw ko. Bitawan mo ako," muling utos ko na may halo ng inis.

"Ano ba naman 'yan, 'di pa tayo magkakilala e. Tara muna, magb—"

Natigilan siya sa sinasabi nang may magtanggal ng pagkakahawak niya sa braso ko.

Drake.

"Anong ginagawa mo sa kaniya?" tanong niya pa do'n sa humigit sa braso ko.

"Oh. May tagapagtanggol ka pala? At teka, 'di ba, ito yung binasted mo? Ha! Angas ah," natatawa niyang usal.
Sumugod si Drake sa kaniya habang ako ay umalis na dahil sa 'di malamang dahilan. Maya-maya ay napansin kong may nakabuntot sa akin kaya nilingon ko ang nasa likuran ko.

"Drake," naisambit ko. Nagmadali siya sa paglakad hanggang sa hilahin niya ako at dinala ako sa sasakyan niya.

ANG awkward namin ngayon dahil sa katahimikan nang basagin iyon ni Drake kalauman.

"'Di ko na kaya, Jane. Could you please give me a chance? 'Di kita lolokohin, I promise. 'Di ko kayang 'di tayo nagpapansinan. It kills me! Please, give me a chance. I want to court you. I like-no! I love you," muli niyang pagtatapat sa akin.

"Puwede bang 'wag muna natin isipin ang bumabagabag sa isip mo? At kung talagang ikamamatay ko ang pag-iibigan natin, okay lang sa akin. Ang sa akin lang naman, maiparamdam ko ang pagmamahal ko sa 'yo," mahaba niyang sabi na siyang ikinatigil ng buong katawan ko maging ng utak ko.

~♥~

Thanks for readingggg ♥ please vote, comment and share hehe.

Follow me hehe ('∀`)♡

Grandma's CurseWhere stories live. Discover now