02

176 9 2
                                    

Retreat Day

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Retreat Day.

Lumipas ang ilang araw at dumating na ang araw na inaabangan namin.

Nandito na ako sa sasakyan namin at papunta na kami sa bahay ni Krystal kasi napagusapan namin na sasabay nalang siya sa akin papunta sa paaralan. At sa aming lahat kami lang dalawa sa magkaibigan ang magkalapit ang bahay.

"Wala ka na bang nalimutan na gamit sa atin Jamie?" Tanong ni Mama sa akin habang nagmamaneho

"Wala na po Ma" mahinahon na maypagkagalak ko na sagot sa kanya

"eh yung permit na pinermahan ko? na sa wallet mo na ba?"

"Nailagay ko na po Ma, kagabi palang hehe."

"Mabuti naman, mag ingat ka dun ha lalong lalo na kasi di mo pa kabisado ang lugar na yun at huwag ka din lalayo sa mga kaibigan mo dapat magsamasama kayo kahit na papuntang banyo."

"Luh pati pagpunta sa banyo ma? Grabi naman yun, ano yun papasamahin ko sila sa loob at hayaan silang tignan akong iihi? Kaloka." Nakanguso kung pahayag sa kanya

Tumawa siya sa sinabi ko

"kung maari pwede nalang din kayo magsabay maligo para naman iwas disgrasya na at dala mo ba rosary mo? Huwag mo yan ilalayo sayo ha at sana naman huwag kayong masyadong mag-ingay lalong lalo na maraming malalaking puno doon."

Tinawanan ko nalang si Mama kasi nararamdaman ko na nagaalala lang siya sakin at nauunawaan ko naman iyon, dahil ito ang pinakaunang beses na malalayo ako sa kanila ng ilang araw. Dahil sa buong buhay ko palagi lamang sila nasa tabi ko.

"Opo ma dala ko po~~ huwag din kayong magaalala ma kasi nandun naman si Ma'am eh. At sana mag-ingat din kayo ha lalong lalo na si Ate dapat ingatan niya si baby sa tiyan niya at ikaw naman inumin mo yung gamot mo sa tamang oras ha at sabihin mo rin ka papa na huwag siyang mag overwork. Huwag din kayong magpapalipas ng gutom kasi magagalit ako kapag mangyayari iyun." Nagpapacute kung sagot sa kanya

Ngumiti lang ito habang nagpapatuloy sa pagbyahe

Noong mga nakaraang araw ay hinanda na namin mag kakaibigan lahat ng mga dadalhin namin at planado na lahat ang gagawin namin magbabarkada doon at napag usapan nadin namin na mag buddy buddy kami.

Mahahalata na excited kaming magkakaibigan kasi marami kaming dinala na pagkain para pang midnight snack namin. At dahil maloko kami ayun nagdala kami ng mga kape at gatas para may pang meryenda kami.

Ilang sandali ay narating na namin ang bahay nila Kyrstal kaya lumabas ako sa sasakyan at pinuntahan siya. Naabutan ko siyang papalabas na ng bahay nila kasama ang kanyang lola. Nagmano ako sa lola niya at lumabas din si Mama para tulungan kami sa paglagay ng maleta ni Kyrstal sa likod ng sasakyan.

Nag paalam na kami sa Lola niya at kalaunan ay bumyahe na kami papunta sa meeting place which is yung paaralan namin.

____________________________

Make It With YouWhere stories live. Discover now