SNBL - SPECIAL

1.4K 23 15
                                    

Oh hi! I just miss them so yeah enjoy awi~

Timeline: Engaged Prime and Eya

*

"Ang landi landi naman talaga, Eyaliana! Sabik na sabik?" I rolled my eyes at Feen's comment.

"Bub, let's go. You're drunk already," dinig kong pag-aaya ni Kai. Nahimigan ko nga ang kalasingan sa boses ni Feen. My god, this girl!

Quin, one of Prime's best friend threw a party. Nanalo kasi ang team nila sa PBA ngayong cup. He's a player of a famous team in PBA and yeah, he's famous kaya naman andami kong nakitang ibang PBA players kanina nang dumating ako rito. I even saw some other artists!

Mahigit dalawang oras na yata kaming nandito at marami ng nainom si Feen kaya lasing na ang bruha.

"Love, hindi pa rin ba tayo uuwi?" Prime whispered sensually in my ear. I hugged him tighter. Nakasiksik ang aking mukha sa kanyang leeg habang nakakandong sa kanya. I want to go home too because I feel so dizzy with all the noise, nakadadagdag pa sa hilo ko ang malikot na galaw ng ilaw sa baba. Pero hindi pa naman ako lasing.

"Let me stay here for awhile, please?" I breathed. Mas lalo akong sumiksik sa kanyang leeg. He smells so nice.

"Did you miss me that much?" He asked while caressing my right leg using his left hand while the other is on my back. Marahan akong tumango para masagot siya.

One week siyang wala because of a business meeting in Singapore. VEDRA Corp. is slowly getting inside the international business too at silang dalawa ng pinsan niyang si Hero ang nangunguna rito.

Nakatulog yata ako sa pwesto ko dahil sa hilo pero narinig ko nalang si Prime na nilalapag ako nang marahan sa sofang inuupuan niya. Nalingat ako sandali.

"We'll go home. I will just talk to Quin para magpaalam, okay?" he softly said while caressing my cheeks. Tumango ako at muling pinikit ang mga mata. Gusto ko na ngang maka-uwi at matulog.

"Eya, tell Prime nauna na kami ni Feen. God, your friend is wasted again. Anyway, don't forget about my new cafe opening tomorrow," rinig kong sabi ni Kai sa may gilid ko. Nagmulat ako at nakita kong knock out na rin si Feen at matutumba na kung hindi lang siya buhat buhat ni Kai. I mentally noted his cafe opening. Nandoon naman 'yon sa reminders ko. Kai's business is already growing too. Feen is now also venturing into business. From what I heard noong last na usap namin na kaming dalawa lang, she's planning to open her own firm at nire-recruit na ako ng bruha.

"Okay, ingat kayo."

Hindi rin nagtagal dumating si Prime. Inaaya na akong umuwi. Tumayo ako at doon mas naramdaman ang hilo. Marami na rin ba akong nainom? Ugh. I held my head nagbabakasakaling mawala ang hilong nararamdaman.

"Let's go. I'll hold you," he said.

Nang makalabas kami ng club, medyo nahimasmasan ako. "Your place or mine?" He asked when we settled ourselves in his car. Nakapikit nang muli ang mga mata ko.

After our engagement a year ago, naging madalas na sa amin ang mag-stay sa condo ng isa't isa.

"Kahit saan," 'yon ang huling sinabi ko before I fully doze off. Nagising na lamang ako sa yakap na bumabalot sa akin kinaumagahan. I saw Prime beside me, peacefully sleeping.

I decided to get up to prepare for the day. It's Sunday. I took a shower before going to the kitchen para gumawa ng agahan. Halos paubos na ang stocks sa cabinet at ref niya. We might need to do some groceries later pagkagising niya.

After making our breakfast, I checked him pero tulog na tulog pa rin. I decided to eat first dahil baka mamaya pa ang gising niya dahil na rin siguro sa pagod sa business meeting niya. Dumiretso rin kasi kaagad siya sa club kagabi pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya. He did not have the time to rest.

SNBL [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon