21' Date

20.9K 1K 268
                                    

One month has passed. Hindi parin ni Luel natatawag ulit ang sphinx niya kaya't heto si Zach ngayon, pinapagalitan si Luel.

Nang una ay medyo ayos pa ang pakikitungo ni Zach, pero hindi nagtagal ay nag-iba na ito.

"Nade-delay ang training natin dahil sa'yo, Luel," naiinis na wika ni Zach. Matalim niya ngayong tinitingnan si Luel na desperado na ring palabasin ulit ang sphinx niya.

"I'm sorry—"

"I don't need you sorry, Luel. Call your sphinx," marahas na sabi ni Zach kaya't napatahol ang cerberus niya.

Huminga nang malalim si Luel, at sinubukan uling tawagin ang sphinx niya. Please, please, I'm calling you, Angel.

Nabigo naman siya nang walang maramdamang kahit anong koneksyon mula sa anghel. Ni hindi pa nga niya name-meet ang sarili niyang sphinx. Kinuwento lang nina Zia at Arenspade 'yon sa kaniya.

"We can still train without my sphinx, Zach. Baka kasi—"

Hindi na naman nakatapos si Luel sa pagsasalita. Zach was furious because of her sphinx, "Sphinx are the ones that protect our world, Aerilon. We exist because of them. Balewala ang training kung hindi mo papalabasin 'yon!"

Tumaas ang boses niya, kaya't napatigil sa sariling trainings sina Zian, Zia at Arenspade. Zach was normally patient, pero hindi rin nila alam kung bakit mainit na lagi ang ulo ni Zach pagdating kay Luel. Ang akala pa naman nila ay nanlalambot na ang puso niya.

Luel wanted to snap the hell of him out, just like what other protagonists of other stories do. But then, she did not want to disrespect the team leader. Pinili niya ang team na 'to, so she should respect him. Naiintindihan niya ang frustration niya dahil kahit siya ay frustrated din.

"I'm sorry, Zach. Kayo nalang muna siguro ang mag-training at papalabasin ko nang akin ang sphinx ko," mahinahon na wika ni Luel.

Zia was shock on how calm Luel was kahit na napag-taasan na siya ng boses ni Zach.

Tumango naman si Zach, "Try getting help from Alcaeus. I'm tired of helping you."

Zia and Zian's mouth dropped. Napapikit naman si Arenspade, and Luel stood there, dumbfounded.

"Why would I ask help from another team Leader when I have my own team leader?" Tanong ni Luel. Here, she thought Zach would help her because of her mother.

Zach scoffed, and chuckled a bit, "Sigurado naman akong willing si Alcaeus na tulungan kang palabasin ulit ang sphinx mo. Bakit hindi mo subukang kagatin ulit siya gamit 'yang vampire fangs mo, malay mo—"

"Oh, good idea. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon, ano?" Sarkastikong wika ni Luel. How could this leader think of that? Napaka-immature naman ng pag-iisip. At bakit nga ba laging si Alcaeus ang isinasali niya sa usapan, noong nakaraan pa 'yon ah? Isip ni Luel.

Napa-taas kilay si Zach, "Gagawin mo nga?"

Nagkibit-balikat siya at nang-aasar na ngumiti. She had enough of his immaturity this time, "Bahala na. Ikaw? Ayaw mo pakagat ulit? Mas desperado ka pa ata sa'kin na palabasin ang sarili kong sphinx."

Mabilis na nakalabas si Luel ng training room, at iniwan na roon ang apat pang miyembro. Si Zian naman ngayon ang kumausap kay Zach, "Pre. Bakit naman sinabi mo pa 'yon? You're being too harsh on her."

Umiling si Zach, "She needs to call her sphinx."

"Have you lost your patience?" Tanong ni Arenspade. Nainis na siya ngayon.

"N'ong panahong hindi mo masummon ang element mo ng isang linggo. Ginanyan ka ba namin?" Pagalit muli ni Arenspade.

"I thought you wanted to protect her. Pagkabalik na pagkabalik natin sa training ay hindi mo na agad siya tinantanan, at araw araw masama ang timpla mo. Tinataboy mo pa siya kay Alcaeus, ano ba talaga? Sana hinayaan mo nalang siyang kunin ni Alcaeus sa team niya noon," patuloy ni Arenspade at umiling.

Aerilon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon