Special Chapter: Uncles

16.6K 984 244
                                    

Walang kwenta ang chapter na 'to, but if you've read Phoenix Academy and want to read more from our creators. Read this!

CHIKAHAN WITH THE TITOS

Written in Luel's point of view.

Nakaupo na ulit ako, at kaharap ko ang apat na creators ng mortal realm. They were all smiling while looking at me, para bang natutuwa sa'kin.

"Sariel—"

"Luel nalang please," sabi ko kaagad kay Red.

"Ay sige," sabi niya at tumawa. Lumingon naman siya kay Lucifer, pero tumingin ulit sa'kin, "Pero Sariel kasi talaga pinangalan sa'yo ni Georgia."

I raised an eyebrow, "Really? Pero kinalakhan ko na ang tawag sa'kin ni Sinclair ay Luel."

"Huy bastos kang bata ka, bakit hindi mo tinatawag na mommy si Sinclair?" wika ni Red at kumunot ang noo.

Tumawa naman si Alpha, "Maybe Sinclair doesn't want to feel old. Baka naman hindi siya talaga nagpatawag ng mommy."

Tumango naman ako, "Yes. She actually prefers to be called Sinclair, instead."

"Nga pala, Sariel— este, Luel. 'Di ba sabi mo nakuwento ako sa'yo ni Sinclair?" Masayang tanong ni Red sa'kin.

I nodded too, "Yes. She mentioned you when I was young. Gusto pa nga kita makilala noon dahil sabi niya best friend ka niya."

Red laughed while clapping, "Panis, men! Sino pang kinuwento niya sa'yo?"

I pouted, "Wala na naman siyang kinuwento sa'kin. Sabi niya dragon slayer ka raw."

Red laughed again. He turned to Lucifer, "Bro, ako lang kinuwento. Hindi ka kinuwento kay Luel!"

Nakitawa naman si Alpha at Serpahin. Lucifer scowled at him while shaking his head. Why? Ano bang mayroon?

"Ay nga pala, ipapakilala ko sa'yo ang tito mo," sabi muli ni Red. Tinuro niya si Lucifer na galit naman siyang tiningnan.

"How come he's my Tito?" I asked him.

Bumungisngis naman si Red, "Kasi 'yong tatay mong si Lucifuge ay isang extract ni Lucifer. Kapag sinabing extract parang ano 'yon... Teka, ano nga ba? Basta parang extract ng soul! Magkamukhang magkamukha sila ni Lucifuge. Si Lucifuge lang color red mata tas black buhok, gan'on. I-imagine mo nalang."

Tumango-tango naman ang dalawa pa except Lucifer. Para bang hindi niya tanggap na Tito ko siya.

"Tito Lucifer," bati ko.

Napuno naman ng tawanan ang kwarto, at namula si Lucifer. I smiled and tried to stop laughing. Nadadala na rin ako sa mga tawa nila. Lucifer pouted and crossed his arms.

"Makatawa kayo akala mo naman hindi kayo Tito. Hoy, anak 'yan ng kaibigan natin. Baka nakakalimutan niyo, mga TITO," wika ni Lucifer.

I smiled, kaibigan pala nila ang magulang ko. Malamang matalik din silang magkakaibigan ni Sinclair.

"Nagkaasawa ba si Sinclair?" Tanong ko.

Aerilon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon