kabanata 61

131 5 0
                                    

CATHERINE MOSQUEDA POV;



ng papunta kami sa lugar na to, nakita ko si benedict na nagmamasid sa paligid kaya pinuntahan ko siya, don ko nakita na kasama niya pala si prof Jhin, hindi ko alam kong bakit sila magkasama at kong bakit sila andito, pero sabi ni prof Jhin saka nalang daw siya magpapaliwanag pag tapos na ang lahat.


naiba ako ng daan ng makapasok kami sa mansion ng mga Villamor, may napansin kasi akong isang naka bukas na kwarto. kaya pumasok ako doon, pero ng makapasok ako doon hindi pala siya kwarto kindi isang pinto, pumasok ako doon, may nakita naman akong CCTV sa taas kaya binato ko ito ng isang kotsilyo kaya nabasag, binuksan ko naman ang  ilaw at


What the f*ck is this? bumungad sa akin ang mga litrato ko! sa paaralan sa bahay, sa kwarto, sa mall at pati natutulog ako, nandito din ang mga litrato nila mommy, daddy, at nila kuya. lahat simula pagkabata nila andito din. ngunit ang nagpabigay sa akin ng interes ay ang picture ng isang pamilya buo at may batang babae silang kasama.



they are my family tinitigan ko ito. at naluha nalang

is this me? pero sabi ni mommy wala kaming family picture averytime na naghahanap ako ng family picture o kahit baby picture ko man lang ay wala silang maipakita sa akin dahil napaka likot ko raw kunan.



napahinto naman ako dahil sa nahagip ng mata ko. isang picture kasama ang isang pamilya, na may tatlong anak na lalaki at mag asawa at ang mas nakakangilabot ay kasama ako sa picture na masaya.


who are they? naguguluhan na ako sa mga nakikita ko ngayun, aalis na sana ako ng may maapakan akong isang isang litrato na naman, isang documentaring picture na halatang hindi alam ng subject na sila ang kinukunan. may isang parang may isang maykatandaang babae na nakaupo sa misa at may isang dalawang bata na babae at lalaki, na nagbabangayan at isang kamukha ko na nakangiti at halatang masaya sila.


ng hindi ko na kinaya ay inipit ko nalang ang picture sa bulsa ko at ini off ang ilaw tyaka lumabas sa kwarto



asan si boss? lalabas na sana ako ng may nakita akong dalawang lalaki na naglalakad  kaya nagtago muna ako


nasa likuran ng mansion, sabi niya maghanda daw tayo ng mapaglilibingan para sa mga bihag niya kinilabutan naman ako dahil sa narinig ko mula sa mga kalalakihan.


ng makabalis na sila ay sinundan ko ang mga ito, tyaka tinarget ko ang isang lalaki ng kotsilyo sa likuran at bumulagta ito

pre? ng makita niya ako ay babarilin sana niya ako ng maunahan ko siyang ma bato ng kotsilyo sa ulo kaya natumba ito.



kinuha ko naman ang baril niya tyaka naglakad patungo sa likod ng bahay nila.


hoy! san ka pupunta? sita sa akin ng isang lalaki na alagad ng demonyo, kaya binaril ko agad ito. nagsilabasan naman ang iba kaya tumago ako sa may puste dahil pinagbabaril na nila ako, ng maka tyempo ako ay ako naman ang bomaril sa kanila. tumakbo ako sa kabilang poste at nagpautok naman. ng maubos sila ay nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo sa likod.



pero bago pa ako makarating sa likod ay may bumaril sa aki  sa balikat, agad ko naman itong binaril pabalik kaya natumba ito. napadaing naman ako dahil sa hapdi. pero kinakailangan kong makapunta agad doon bago mahuli ang lahat. kaya dumiretso na ako.

ng makarating na ako bigla akong napahinto ng may marining akong nag uusap, nagtago ako sa pader at sinilip ang mga iyon.

doon ko nakita na nandoon silang lahat, pati si kyle sila benedict at sila prof Jhin, kasama ang iba na naka upo na dahil sa mga ginagawa sa kanila ng mga alagad ni Rodrigo.


AFTER DARK: Kyle And Janah storyWhere stories live. Discover now