Chapter 5

544 23 0
                                    

Maddie's pov


Napatingin muna ako sa paligid bago tumingin sa captain ball at nang mapansing nanonood din si Jezk at nakatingin ito sa akin ay bigla akong nahiya at lalo akong kinabahan. Huminga nalang ako ng malalim at di nalang ito pinansin.



Nang mapatingin sa captain ball ay makikitang nakangisi ito sa akin. Hindi ko nalang pinansin ang pagkangisi niya at alertong sinusubaybayan ang kilos niya, hindi nga ako nagkamali dahil agad siyang nagspike, dahil sa pagkaalerto 'ko ay nareceive ko ito.


Nagpatuloy-tuloy ang laro namin. Lagi 'kong narereceive nag bola. Hinahabol din ito ng captain ball at dinadala papunta sa akin. Pagkapunta muli sakaniya ng bola ay hinanaan niya ang paghampas upang laglagan ako ng bola. Ngunit nabigo siya dahil muntik na ako sumubsob para mahabol lang ang bola.


Napangiti naman silang dalawa ng coach nang matapos ito. "Wow impressive." sabi ng coach sa akin. "Congratulations, you're finally in our team." sabi ng captain ball. Wow. I'm finally in the team!!!



Pagkatapos ng tryout ay naglaro kaming mga nakapasok. May net na sa laro namin at dinivide kami. Nanalo naman yung side namin. Tuwang tuwa ako. Naeenjoy ko ang volleyball huhu!! Nakilala ko din ng husto ang mga kateam ko.

Nang mag-uwian ay nagbihis ako ng pampalit. Nadatnan ko naman si Jezk sa labas na nagcecellphone at nakaupo sa bench.



"Jezk!!" sigaw ko habang naglalakad palapit sakaniya. Napaangat naman ang tingin niya nang marinig ang sigaw ko.



"Nakapasok ako sa team!!!" proud na sabi ko sakaniya at tumabi ako sakaniya sa pagupo.



"Congrats." maikling sabi niya at tumingin nanaman sa cellphone. Napanguso naman ako. "Ang galing mong magbasketball." pagtotopic ko. Hindi man lang siya nagabalang tumingin sa akin kaya napasimangot ako lalo.



"Pogi mo rin habang nagbabasketball hehe." dagdag ko. Pero di pa rin siya tumitingin.


"Thank you Maddie, at dahil diyan I like you too na." pagkakausap ko sa sarili with boses na kunwaring panlalaki. Natawa naman ako sa sarili at umiling.



"Jezk, ano gusto mo cookies, cupcake or cake? Magbebake kasi ako." pagtotopic ko uli sakaniya. Pero nakafocus pa rin siya sa pagcecellphone.



"Tsk!! Sino ba yang katext mo?" napipikon kong tanong. "Wala." sabi niya at tumayo na at naglakad. Kinulit ko lang siya nang kinulit at nagkuwento nang nagkwento tungkol sa kung ano ano.



-----------



Today is our third time being champion in Bulprisa. 3rd year highschool na pala kami ang bilis ng araw.



"Congrats Maddie!!!" sabi ng tatlong bugok. Nag group hug naman kami. Pagkatapos namin mag group hug ay nakita ko ang masasamang tingin ng ibang girls kaya't natawa naman ako.


Habang tumatanda kasi kami ay pagwapo nang pagwapo ang tatlo, siyempre pati si Jezk!! Yung dalawa ay inaabuso ang kagwapuhan. Apura flings and whatever. Habang si Josh at Jezk naman ay single pa rin. Hindi sila nagflifling. At hindi ako papayag na mag fling si Jezk noh!!


"Tara, icongrats din natin sila Jezk." pagaaya ko kanila William. Sumunod naman silang tatlo. Pagkarating namin sa may gawi nila ay nakita kong may kausap si Jezk na babae. Nakangiti ito habang kausap niya ang babae.


"Uh oh" sabi ni William habang iling at tingin sa akin.


"Ouch" sabi naman ni Troy habang nakahawak sa puso sabay tingin sa akin.




"Apakasakit kuya eddie." pagkanta naman ni Josh at tumingin sa akin ng pangasar.



Ako naman ay namumula na sa inis. Wow Jezk Patrick Limuel! Pag sa akin, hindi ka magkwento at makangiti kahit isang beses? Pero sa babae na yan pwede? I can't believe this!!



"Upo lang ako saglit." sabi ko nalang at tila nagpapalusot dahil ayokong istorbohin ang ngitian nung dalawa. Naupo naman ako sa bench at pinabayaan na silang puntahan si Jezk.



Nagulat naman ako nang may umupo sa tabi ko. Pagtingin ko sa uniporme ay napansin 'kong galing itong ibang school, humarap naman ito sa akin at ngumiti.


"Hi I'm Sheen. I saw you earlier playing volleyball. Ang galing mo. By the way congrats." sabi niya habang nakangiti ng sobra.



"Oh hi!!! Thank you. I am Maddie. Nice meeting you."


"Can I take your number?" tanong ng lalaki. Napansin ko naman na kakadating lang nung apat at nasa may harap lang namin pumwesto. Napansin kong nakatingin silang apat sa amin at pinapanood kami.



"Sure!!" Madiin at malakas kong sabi. Pinaparinig ko talaga kay Jezk! Binigay sa akin ni Sheen ang cellphone niya. Inilagay ko naman ang number ko sa contacts niya. Binigyan niya naman ako ng matamis na ngiti.



"Mauna na ako Maddie, hinihintay ka na ata nila." sabi ni Sheen habang turo sila Troy at nagpaalam na.


"Woah, iba talaga tong si Maddie. Daming nagkakagusto." sabi ni William pagkaalis na pagkaalis ni Sheen.



"Bakit di ka pa mag boyfriend?" pangaasar ni Troy.




"Oo nga pila pila kaya ang manliligaw mo." panggatong ni Josh.



"Malapit na, huwag kayong magalala."


Winter Love (Season Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon