Chapter 17

582 17 0
                                    


Maddie's



Nandito ako ngayon sa coffee shop para imeet ang aking client. Malupet, dito pa gusto makipagkita? Pwede namang sa opisina 'ko nalang? Pasalamat siya big time siya at may malaking ambag siya sa kompanya kung hindi nako di ako magsasayang ng oras.


"Miss Salvador?"


Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. I saw a man wearing a formal attire. So this is Mr. Terres? He's with his secretary.



"I believe you are Mr. Terres."


"Yes I am miss." nakangiting sabi nito.


Umupo naman ito sa harap ko. I belive he is in my age.


"My secretary said that Ms. Salvador is beautiful, so alam ko na ikaw yon." pambobola nito. Napatawa naman ako, this man knows how to make a girl's heart melt. Pasalamat siya di ako tulad ng normal na babae duh.



"You and your secretary has good eyes."



Napatawa naman ito. "Tama." sabi ngiti.



So, let's start our mini meeting, wag na tayo magpaligoy ligoy pa." sabi ko rito. He looked at me with amused look.


Nagsimula na ang paguusap namin at nang matapos ay agad na nagshake hands bago magpaalaman. Nauna na siya dahil may pupuntahan pa raw ito. Umupo naman muna ako at nagpalipas ng oras. Ayoko pang bumalik sa kompanya. Daming trabaho. Pinauna ko na ang secretary ko sa building. Tinatamad pa kasi ako.




Nagphone muna ako at uminom ng kape. What a boring day!! Wala bang bago? I need some twists this day.



Aalis at tatayo na sana ako nang biglang makita si Jezk na papasok ng coffee shop. Agad akong napaupo. Is this the twist that I am wishing for? Ang bilis ha.



Nagkunwari naman akong nagcecellphone at palihim na napatingin sakaniya. Nasa counter na siya. He's with someone. I believe that the girl he's with is a doctor. Nakasabit sa braso nito ang white lab gown. Tss, sana matapunan ng kape.


Napasimangot naman ako nang makitang pabirong hinampas ng babae si Jezk. Wow, amazing. Bakit ang hina ng hampas niya kay Jezk? Kung ako yan nilakasan ko yan hanggang sa mamaga!!


Tumibok ng mabilis ang puso 'ko nang makita kong humarap si Jezk sa may gawi ko at tila naghahanap ng upuan. Nahagip naman nito ang mata ko. Umiwas naman agad ako ng tingin. Nang makita ko itong palapit sa pwesto ko ay agad akong tumayo para umalis pero agad naman nitong hinawakan ang aking pulsuhan.




"Oh!! Jezk ikaw pala yan." sabi ko rito at tila nagpapainosente na ngayon lang siya nakita.



"Sino kasama mo?" he asked while looking at me intently.




"Kasama ko si Mr. Terres kanina. Umalis na." sabi ko sakaniya.




"Ahh." sabi nito at unti unting binitawan ang paghawak sa akin.



"Babe, pakilala mo naman ako riyan." sabi ng kasama niya. Napatawa naman si Jezk sakaniya.



Napataas naman ang kilay ko. What the heck? Is he serious? Pagkatapos niya akong banatan ng lines niya kahapon tapos ngayon? Ganito? May girlfriend siya. Sarap sapakin.



"Sher this is Maddison, old friend. Maddison this is Sher." pagpapakilala ni Jezk samin sa isa't isa.




Ngumiti naman ako ng peke. "Nice meeting you!! I have to go." sabi ko at nagpaalam na. Gosh!! What a day.



Dahil sa nangyari ay sinipag ako magbabad sa trabaho at magbasa ng mga kontrata. Binasa ko pa ng buo ang buong nakasulat sa kontrata. Narealize ko bigla na swerte naman ng kompanya kapag galit ako, lagi akong sinisipag sa pagtatrabaho.




Siguro kapag lagi akong galit ay lalago ng wala sa oras itong kompanya. Napairap naman ako.



Nang mag 6 na ng gabi ay napatingin ako sa aking phone nang bigla itong magring.


"Hello dad?" pagsagot ko sa tawag.




["Anak, sinugod sa ospital ang mommy mo!!!"]





Winter Love (Season Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin