Chapter 59

2.5K 54 5
                                    

UMUWI muna ang kanyang ama sa Mansion kasama ang anak niya,naiwan din siya sa hospital kasama ang Mama Alison niya dahil umuwi din sa Grand House ang Papa Rolando niya upang kumuha ng mga gamit nila.Under operation pa rin si Josh at maaaring mga ilang minuto pang hihintayin nila.Tahimik lang lumuluha si Angeline dahil hanggang ngayon hindi pa rin mag sink in sa kanyang utak ang lahat.Kaya pala ganon ang pananalita ni Josh dahil may ibig itong sabihin.
"T-thank you Angeline kahit hindi mo na ako kayang tanggapin muli at least binigay mo pa rin ang kapatawaran mo,and I think it will be enough for me now.Thank you so much!
"T-take care of yourself and our son dadalasan ko ang pagpunta ko sa US para makita si Jonas at sana kung isang araw hindi na ako makabalik muli hindi ka magtatampo at ikaw na sana ang bahalang magpaliwanag sa anak ko"
"Malayo na kasi ang US at busy din ako sa negosyo ni Papa pero don't worry gagawin ko pa rin ang tungkulin ko bilang ama ni Jonas.I will support my son financially at kung hindi ko na magagawa yon trust my parents they will do it for me basta ipangako mong hindi mo kami tatanggalan ng karapatan kay Jonas"
"All I can say is that I love you so much no matter what"
"Ahm it's because I'm become workaholic since you've gone at napabayaan ko rin ang sarili ko noong iniwan mo ako,it took me a lot of time bago ako bumalik sa dati and now I'm...I'm okay"
"You'd taught me many things like...kung paano magmahal sa ikalawang pagkakataon,paano magsisisi,kung paano ma guilty at kung paano pahalagahan ang mga importanteng bagay.Pero isang bagay ang hindi mo tinuro sa akin...hindi mo ako tinuruan kung paano ka kalimutan!
"I'm sorry kung hanggang ngayon pini-pressure pa rin kita Angeline,anyway hahabol pa rin ako sa airport bukas kung pwede nga lang na hindi na ako matutulog gagawin ko para hintayin ang oras ng pag-alis nyo ng sa ganon makita ko man lang kayo for the last time but I hope it won't be last there!
Marahan siyang napapikit ng mga mata ng maalala niya ang mga sinasabi ni Josh ngayong araw,nakakapani
bago talaga kaya hindi siya mapakali yon pala...yon pala....humagulgol na siya ng iyak dahil sobrang masakit sa kanya,sinusundot siya ng konsensya habang dinamayan siya ng ina ni Josh.
"Be strong hija huwag tayong mawalan ng pag-asa"ani ng Mama Alison.
"A-ang sama sama ko Mama dahil nagawa ko pa siyang saktan sa kabila ng kalagayan niya.Makasarili ako na hindi ko man lang tinanong kung anong nangyari sa kanya sa loob ng mahabang panahon.I swear to God hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may masamang mangyari kay Josh Mama!aniyang habang walang tigil ang paglandas ng kanyang luha.
"Ssshhhh...hija don't say that wala na tayong dapat sisihin ngayon...ang kailangan natin ay magdasal nawa'y makaligtas si Josh,hindi na mahalaga kung anuman ang nagawa nyo sa isa't isa ang importante buo pa rin kayo at magkasama!anito sa kanya.
"I'm sorry Mama"tanging nasambit niya sabay mahigpit niyakap ang biyenan.
"It's okay hija...it's okay kailangan natin magpakatatag ngayon...kailangan ni Josh ang dasal natin"ani ulit nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang sagot dito dahil hindi niya na kayang magsalita pa.Pagod na siyang umiyak pero batid niyang mas napapagod si Josh dahil sa kalagayan nito,muli na namang naninikip ang kanyang dibdib at nadudurog ang kanyang puso.
After a couple of minutes ay muling bumalik sa hospital ang ama ni Josh at nagdala ito ng mga pagkain,ngunit ni tingnan ito ay hindi niya magawa.Wala siyang gana,hindi niya malulunok ang pagkain knowing na nasa delikadong kalagayan pa si Josh.
"Hija kumain ka kahit konti lang kailangan mo ring alagaan ang sarili mo"ani ng Mama Alison niya.
"Wala po akong ganang kumain Mama"mahina niyang sagot.
"Hija natitiyak kong ayaw din ni Josh kung pababayaan mo ang sarili ko,kumain ka kahit konti lang dahil kanina pa walang laman ang sikmura mo"ani ng Papa Rolando niya.
"How can I eat Papa,Mama knowing na nasa kalahating hukay ang buhay ni Josh?Mama I don't want him to die not this time Papa,Mama no not this time,hindi ko kaya..hindi ko kaya!aniyang muling humagulgol.
"Sshhh hija don't say that ngayon ka higit kailangan ng asawa mo kung mahal mo siya huwag kang panghinaan ng loob,we are his parents Angeline masakit din sa amin pero kailangan namin magpakatatag at sana ganon ka rin para kay Josh at para sa anak ninyo"aniya ng Mama Alison niya.
"Sige na hija kumain ka na dito,be strong dahil kailangan ka ng anak ninyo at kailangan ka ni Josh"ani naman ng Papa Rolando.
Tumango na lamang siya at kumain kahit hindi niya malasahan ang pagkain at kahit masarap yon para sa kanya wala itong kalasa lasa.
Pagkatapos niyang kumain ay nauna na siyang lumabas at naghintay sa pinto ng OR at ilang sandaling paghihintay ay lumabas na ang Doctor at siyang pagsunod ng mga magulang ni Josh.Kaagad nilang sinalubong ang Doctor at tinanong ito.
"Doc kumusta po ang asawa ko?agad niyang tanong.
"Successful po ba ang operation Doc?tanong din ng ina.
"Operation is successfully done but we will have to wait ng mga ilang oras para malaman kung anong epekto ng operasyon"ani ng Doctor.
"Kailan po siya magigising Doc?tanong ulit ni Angeline.
"I don't know hija but I guess two days or more ay magigising na siya,masyado ng malala ang sakit niya and good things nakayanan niya ang operasyon"
"Ligtas na po ang asawa ko Doc di po ba?
"All I can say for now let's pray sa kaligtasan ng asawa mo,I'm only a Doctor I did my best to save lives ayon sa kagustuhan ng mas makapangyarihan sa atin"
"T-thank you Doc"ani ng ina ni Josh.
Hindi na siya nagsalita dahil pakiramdam niya may bumabara sa kanyang lalamunan.Ayaw pa niyang mawala si Josh kailangan niya pa ito,gusto niya pang makabawi.
Dinala na sa private room si Josh at wala pa rin itong malay,nasa tabi siya ni Josh at hawak hawak ang kamay nito binalot ng puting tela ang ulo niya at tanging mukha lang ang nakalabas.Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon gayon din ang mga magulang ni Josh habang pinagmamasadan ito.Hindi na siya nagsasalita,ang mga sinasabi niya ay hanggang sa sarili niya na lamang at alam niyang naririnig siya ng Diyos.
"Hija kung gusto mo munang umuwi para tingnan ang anak mo you can go ahead"ani ng Mama Alison niya.
"Mama pwede po bang kayong na muna ang bahala kay Jonas?pwede nyo pong kunin sa Mansion at dalhin sa Grand House"sagot niya dito.
"Sige no problem hija,hindi ka ba uuwi muna?
"Dito lang po ako ngayong gabi Mama gusto ko pong bantayan si Josh ngayon gabi"
"Kung yan ang gusto mo hija sige ikaw na muna dito at ako na ang bahala sa apo namin"
"Salamat po Mama"
"Okay!babalik kami dito bukas at kung gusto mo dadalhin namin si Jonas"
"Mama palagay ko po huwag na muna ayoko pong makita ni Jonas ang ama niya na sa ganito pang kalagayan"
"I think Angeline is right Alison huwag na muna natin dadalhin si Jonas"ani ng Papa Rolando.
"Alright!sige hija mauna na kami at matulog ka rin ha?
"Opo Mama...mag-ingat po kayo"
"Salamat hija"anito.
At ginawaran muna nila ng halik sa noo si Josh bago tuluyang lumabas ang mga ito.Mataman niyang pinagmamasdan si Josh,kaya pala nag-iba na ang pangangatawan nito noong unang nakita niya sa hospital at nung bumalik na ang kanyang memorya dahil may sakit pala ito matagal na.Hanggang sa nagkasama sila sa Mansion nahalata din niya pero pilit niyang binaliwala si Josh.Gusto niyang sisihin ang kanyang ama dahil tinago siya ng ama kay Josh at dahil sa kakahanap nito sa kanya kaya siya nagka ganito.Kung maaga lang sana niya nalaman na hinahanap siya ni Josh at hindi nito totoong pinirmahan ang annulment form sana hindi siya pumayag sa plano ng amang luluwas ng bansa.Pero kahit pa sisisihin niya ang ama wala na ring saysay dahil nangyari na..nandito na to...ang kailangan niya ngayon ay ipagdasal ang kaligtasan ni Josh.
"Baby I love you so much..mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal ko sayo noon,mangako ka lang na hindi ka susuko Josh dahil kailangan ka namin ni Jonas"aniya sa asawa sabay hinaplos ang mukha nito.
"Kapag nagkamalay ka na at hindi mo na ako kilala,magpakilala pa rin ako na asawa mo kahit itatanggi mo ng paulit ulit"
"Dahil ayokong tanggapin sa sarili kong makakalimutan mo ako dahil iyon ang sabi mo hindi mo ako magawang kalimutan at ipaalala ko pa rin sayo ang lahat Josh kahit na nga ba imposible hindi kita susukuan dahil alam ko sa puso mo nandyan ako..kami ng anak mo at pamilya mo,maaaring makalimot ang isip pero hindi ang puso"aniya at hinalikan ang kamay ni Josh.
"Ngayon pa nga lang namimiss na kita baby kaya gumising ka na ha huwag mo na paabutin ng ilang araw dahil sobra sobra na akong mangulila kapag nangyari yon"ulit niya habang umiiyak pa rin.
Maga na ang kanyang mga mata at masakit na rin dahil sa kakaiyak pero ang dami yata niyang luha na hindi maubos ubos.Unti unti siyang nakaramdam ng antok,nilalabanan niya dahil ayaw niyang umidlip dahil gusto niya nakatingin siya sa mukha ni Josh bawat segundo.Dahil natatakot niya baka pag gising niya mawawala na sa kanya si Josh.Pero sadyang napagod yata ang kanyang mga mata sa kakaiyak kaya bumigay na siya at nakatulog sa tabi ni Josh na nakasubsob ang ulo sa hospital bed habang hawak niya ang kamay ni Josh.
MAHIHINANG tinig ang naririnig niya sa loob ng private room kaya dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.Nakita niya ang mga magulang ni Josh.
"Good moring hija..gising ka na pala"ani ng Mama Alison niya.
"Good morning sa inyo Mama,Papa"mahina niyang wika.
"Good morning hija"ani ng Papa Rolando.
"Anong oras na po ba Mama?tanong niya.
"10:00 AM hija..nakatulog ka ba ng maayos?
"Ganon po ba,nakatulog naman Mama"aniya at tumingin sa mukh ni Josh.
Ganon pa rin ito at hindi pa nga talaga nagkamalay,malungkot siyang tumingin sa mga magulang ni Josh na nakatingin din sa kanya.
"Galing na dito ang nurse at tiningnan si Josh hindi ka na nila ginising dahil naiintindihan ka nila"ani ni Mama Alison.
"Ganon po ba...anong resulta?
"Under observation pa rin hija"
Muli siyang tumingin kay Josh at ginagap ang kamay nito,taimtim siyang nanalangin na sana maliligtas si Josh.
"Hija kumain ka muna ng breakfast o di kaya umuwi ka muna sa Grand House"
"Mas gusto ko muna dito Mama sa tabi ni Josh"
"Kami na muna ang bahala dito hija kailangan mo rin magpahinga"ani ng Papa Rolando.
"Tama ang Papa Rolando mo hija...kung gusto mo sa gabi ka magbabantay dito at sa araw kami naman para makapagpahinga ka at makasama mo si Jonas"
"Kung iyon po ang makakabuti Mama wala pong problema"sagot niya dito.
"Dahil hindi mo rin maaaring pabayaan ang sarili mo at tungkulin mo kay Jonas hija"
"Sige po Mama salamat sa pagpapalakas nyo ng loob ko"
"Kailangan natin palakasin ang loob natin hija hindi lang para kay Josh kundi sa ating lahat"
Tumango siya at tiningnan si Josh,tumayo siya at hinaplos ang mukha nito sabay nagsalita.
"Baby iiwan muna kita pansamantala dahil kailangan din pala ako ng anak natin,don't worry babalik naman ako mamaya para samahan ka okay?aniya dito sabay hinalikan sa noo.
Naiiyak naman ang mga ito habang nakatingin sila kay Angeline,dahil naaawa rin sila sa asawa ng anak nila.
"Sige po Mama,Papa uuwi na muna ako"
"Sige hija may ilang gamit ka na rin pati kay Jonas sa Grand House kinuha namin kahapon"ani ng Mama Alison.
Ngumiti siya sa mga ito at sumagot"thank you po Mama"aniya at niyakap ang mga ito.
Umuwi siya sa Grand House kasama ang family driver ng asawa,wala siyang imik dahil na kay Josh pa rin naiwan ang isip nito,pero tama ang biyenan niyang kailangan din siya ng anak.Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa Grand House at kaagad siya pinagbuksan ng pinto ng driver ngumiti lang siya dito at diresto na sa loob ng bahay,hindi nita nadatnan ang anak kaya tinanong ang katulong na nasa kusina ito nagluluto.
"Good Morning yaya Sema..nasaan po si Jonas?
"Good morning din po Ma'am...nasa silid niyo po kasama ang yaya Luisa niya"sagot ng katulong.
"Nandito po pala pati si Ate Luisa?
"Pinasama daw po siya ng Papa nyo Ma'am para maalagaan si Jonas"
"Ganon ba...sige salamat"aniya at umakyat na sa ikalawang palapag.
Nadatnan niyang sinusuutan ng damit ni Luisa ang anak at kaagad ito tumakbo palapit sa kanya ng makita siya.
"Mommy!!masayang wika ng anak.
Kinarga niya ito at hinalikan sa pisngi habang nakayapos naman sa leeg niya ang munti nitong kamay.
"How is my boy?
"I'm fine...Mommy where is Daddy?tanong ng anak sabay nagpalinga linga ito.
"Daddy is not here yet baby"
"Why?
"Because Daddy is little sick so kailangan niya mag stay sa hospital"
"Mommy can I visit my Daddy?
"Uhm yeah but not today maybe next time okay?
Tumango naman sabay ngumiti sa kanya,lumapit sa kanila ang katulong nila.
"Señorita akin na po si Jonas para makapagpahinga kayo"
"Okay...baby kay yaya ka muna ha dahil magpapahinga muna si Mommy"
"Okay Mommy"sagot ng anak at nagpakarga ito sa yaya.
Lumabas na ang yaya kasama ang anak at naiwan siya sa kwarto nila ni Josh,dahan dahan siyang umupo sa gilid ng kama at hinimas ito,pati ang unan saka humiga sabay niyakap ang unan na alam niyang paboritong gamitin ni Josh,inamoy doon ang nakasanayan niyang amoy ni Josh kasabay ng paglandas ng kanyang luha.
"Pagbalik mo dito ibang Josh ka na Josh,hindi ko alam kung paano mo ako pakikisamahan at ang ang anak mo pati mga magulang mo,pero sana iyong dating Josh pa rin na ugali mo kahit nakalimot ka na"aniya sa sarili.
Saka niya naalala ang gamot na nakita niya dito kaya mabilis siyang bumangon at tiningnan iyon,pero wala na pala doon at sigurado siyang gamot iyon ni Josh.Kaya pala ayaw nitong pupunta siya dito at ito na lamang daw ang pupunta sa Mansion pati mga magulang nito ay sa kanilang Mansion nagpupunta kung gustong makita ang apo nila.At nung pumasok siya dito para kausapin si Josh nakita niya ang takot sa mga mata nito pero hindi niya iyon pinansin.
Nagpakawala siya ng buntong hininga at bumalik sa paghiga at ilang sandali pa ay ginapo siya ng antok dahil napagod din siya at hindi masyado maayos nakatulog kagabi.
.
.
.
.
"Josh?
"H-hindi ko na kaya baby"daing ni Josh sa matinding sakit na nararamdaman.
"Kaya mo yan baby lumaban ka para sa amin ng anak mo"aniyang ginagap ang kamay ng asawa.
"I-I'm leaving...leaving you and my s-son p-pero masaya ako"
"No!No! Hindi ka pa mawawala Josh dahil kailangan ka pa namin ng anak mo kaya utang na loob lumaban ka huwag kang susuko"
"Hirap na h-hirap na ako Angeline kaya h-hayaan mo na akong magpahinga dahil pagod na pagod na ako baby"mahinang wika ni Josh.
At unti unting pumikit ang mga mata nito kasabay ng pagtulo ng luha nito,hanggang sa naramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Josh!?Joosshhhh please don't leave me baby kailangan kita...hindi ko kayang mawala ka Josh kaya huwag mo akong iiwan..we still need you baby kaya utang na loob huwag kang mamatay!!hinagpis niya habang niyugyog ang asawa.
Hanggang sa tuluyan na itong nalagutan ng hininga na hindi niya matanggap!
"Jooooosssshhhhhhhh!!!!

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ

Alipin ng Pag-IbigWhere stories live. Discover now