Chapter 2: Mercado

202 9 6
                                    

"Rose, hali ka na." tawag ni Ruth sa anak.

Kasalukoyan silang naglalakad sa mercado ng isang maliit na bayan malapit sa kanila. Hindi s'ya sanay sa ganitong uri ng pamilihan. Palipat-lipat ang tingin n'ya sa kung saan-saan. Pilit sinusuri ang mga ipinamimili doon, alin ang sariwa at alin ang hindi.

Napupuno ng isda ang mga banyera, gulay at mga karne naman ang sa kabilang bahagi ng mercado. Nakasuot sila ng tabing sa mukha, paraan nila upang hindi sila makilala ng mga ito. Maraming kilala si Ruth sa Amerika, at ang mercado na ito ay pagmamay-ari ng kanyang amega.

"Ano ang gusto mong ihain ko?" nakangiting tanong ng Ina.

Huminga ng malalim sa Rose. Ang gusto n'yang isagpt ay ang mga pagkaing sabay nilang kinain ni Jack noon, spring lamb, curried chicken, roasted turkey, at cocoanut sandwich. Naalala n'ya pa kung paanong napapalunok si Jack noon, nangangapa kung alin sa mga kubyertos ang unang dadamputin, kinikilala ang iba't-ibang uri ng pagkain. Panay sila bulongan kung ano ang dapat gawin, maging ang mga siinagot ni Jack noon sa kanilang mga kasama sa hapag ay natatandaan nya pa.

"Rose? ano't natatawa ka dyan?" nakangiti paring tanong ni Ruth sa anak.

Pinilit ni Rose na sumeryoso, tsaka s'ya nameke ng ubo at ngumiti sa Ina.

"Kung ano ang makakaya ay iyon na lamang." sagot n'ya, ngumiti si Ruth tsaka nagsimulang mamili ng isda.

Muli namang napatingin sa malayo si Rose. Pilit na inaalala ang masasayang sandali na 'yon, pilit kinalimutan ang bangungot na tumapos sa storya nilang dalawa. Ang kaisa-isang ala-ala n'ya sana kay Jack ay ang papel kung saan iginuhit sya ni Jack, ngunit nasama ito sa paglubog. Huminga na lamang muli s'ya ng malalim tsaka inayos ang tabing sa mukha. Napapangiti s'ya sa tuwing nakakakita ng isang buong pamilya na masayang naglalakad di kalayuan sa kanila, lalo na iyong mga bata. Alam n'yang mahilig si Jack sa mga bata. Pumasok muli sa kanyang isip ang mga batang naroon sa barko noong lumubog ito, kaawa-awa.

"Grabe pala talaga ang nangyari sa barkong iyon ano? hanggang ngayon ay laman parin ng dyaryo."

"Napakalaking trahedya ang nangyaring paglubog ng titanic, ano ka ba naman."

"Iyon ang una at huling beses na paglalayag ng Titanic sa gitnang pasipiko."

Natigilan si Rose sa narinig, tsaka n'ya pasimpleng nilingon ang mga lalaking nagu-usap habang abala sa paglalagay ng isda sa sementong lamesa ng mercado. Ayon na naman ang mga luha sa mata ni Rose.

"Iilan lamang ang nabuhay, grabe, kung makikita ko ang isa sa mga yon ay maglalaan ako ng isang buong araw para lang makipagkwentuhan sa kanya tungkol sa nangyari." saad pa ng isa habang napapailing.

Sa isip ni Rose ay gusto n'yang ikwento ang pakiramdam, ngunit alam nyang may tamang panahon para doon. At balang araw ay ilalahad nya ang buong storya, tungkol sa isang lalaki na naging dahilan upang mas maging kapana-panabik ang istorya nito.

"Tayo na Rose, tapos na akong mamili." doon ay dumating si Ruth, dala ang lalagyang lambat, naglalaman ng isda.

Tumango si Rose tsaka naglakad kasunod ng Ina. Dumiretso si Ruth sa bilihan ng mga sangkap. Kaunti lamang ang kanyang binili dahil maaari nya na lamang pitasin sa maliit na hardin nila ang iba pang sangkap. Napapangiti nalang sya sa buhay na kinalagakan nya, hindi nya ito kailanman pinangarap, ngunit kailangan nilang mabuhay.

"Sa susunod na araw ay doon na tayo sa syudad maninirahan, kasama ng aking pinsan." biglang sambit ng Ina habang patuloy parin sa paglalakad.

Hindi sumagot si Rose, tumango na lamang s'ya bagaman hindi iyon nakikita ng Ina. Umusbong ang takot sa loob nya, mapapalapit sya kay Caledon na siguradong pinaghahanap sya, lalo pa't nasa kanya ang kwintas na nagkakahalaga ng higit pa sa milyong dolyar.

"Sigurado akong magiging maayos ang buhay natin doon." dagdag ng Ina tsaka ngumiti.

Ngumiti rin si Rose ngunit hindi na nagsalita. Gan'yan na ang parating nangyayari sa kanya, tulala at hindi makausap. Napupuno ng isipin ang utak at hindi na alam kung paano ibubuka ang bibig. Ang nais na lamang nya ay ang managinip ng managinip, dahil doon ay nakakasama n'ya si Jack. Kung maibabalik lamang ang oras ay baka naging maayos ang lahat. Siguro ay ligtas ang lahat, siguro ay ligtas si Jack.

Inilibot na lamang nya ang tingin sa nagsisiksikang tao, sugurado akong iyon na naman ang talamak na pustahan. Panonoorin nila ang paglalaro ng braha ng sino mang magkakalaban, tsaka nila ipupusta ang ano mang gamit sa katawan, kapag nanalo ay mababawi nila ang gamit kapalit ng dalawang dolyar. Tinanaw nya ang Ina na patuloy paring naglalakad. Tsaka s'ya dahan-dahang lumapit sa mga naglalaro. Nakakapagtaka ang dami ng mga nanonood, sigurado s'yang malali ang mapapanalunan.

"Sino ang mga naglalaro?" tanong n'ya sa estranghero na nakikinood rin.

"Isa sa pinakamayamang tao dito sa Amerika, s'ya ang isa sa mga nakaligtas noong lumubog ang Titanic." kwento nito.

Agad na napalunok si Rose, hindi inasahan ang sasabihin. Marahan s'yang pumwesto sa lugar kung saan n'ya makikita ang mga naglalaro. Maraming tao ang nagkukumpulan kaya hindi agad n'ya nasilayan ang mga naglalaro. Ipinulupot n'ya sa kan'yang mukha ang balabal.

Nang magakaroon ng espasyo ay doon n'ya nakita ang sino mang nakaupo sa isa sa mga upoan, nakangisi ito habang hawak ang sariling braha. Humihithit ito ng sigarilyo, hinintay na maibaba ng kalaban ang braha tsaka nito ibinaba ang kanya.

Napako ang tingin ni Rose sa lalaki, hindi makapaniwala na makikita nya ito doon. Nanlamig ang kanyang mga kamay habang hindi parin maialis ang tingin dito. Pilit na sinisigurado kung tama ba ang nakikita, kung ito ba talaga ang lalaking iyon na kasalukoyang ipinakukuha sa mga alalay nya ang mga salaping napanalunan. Tsaka n'ya ito tinitigang mabuti.

S'ya nga...

------

©:The Movie 'TITANIC'

TITANIC 2Where stories live. Discover now