Kabanata 39

2K 99 0
                                    

Kabanata 39:
Eternally

Noong bata ako ang nais ko lamang sa buong buhay ko ay tumitig sa payapang kulay bughaw na langit at isipin kung anong mangyayari sa akin sa kinabukasan. Walang kasiguraduhan kong anong mangyayari sa akin dahil napapabalibutan ako ng mga anghel na may kakayahang lumipad dahil sa kanilang pakpak habang ako ay tanging sarili ko lamang ang meron.

Thinking that make my mind in haywire and staring at the blue sky make me at peace. Angels like them has missions and already have a path to walk through in their existence. Habang ako narito lang at patuloy na nagmamasid sa asul na kalangitan. Gusting gusto kong pagmasdan na lumipad sila sa himpapawid pero nalukungkot ako sa katotohanan na hinding hindi ko iyon maabot.

Sa murang edad ay sobra na akong nalilito, hindi katulad nila na may walang katapusang buhay ay may limitasyon ang aking pananatili at paghinga. Mawawala rin ako dahil kahalati ng aking pagkatao ay mortal. Maikli ang buhay ko kaya gusto kong may gawing bagay na magiging isang kabuluhan.

Nagsasawa na akong manatili na lang rito at tingalain sila mula sa malayo. Wala akong sinisisi. Hindi ko halos kayang gawin iyon. Gusto ko lang may gawin para mahanap ang tunay na kasiyahan. Mahal ko ang mga anghel, gusto kong makita silang lumilipad habang gumagalaw ang kanilang mga puting pakpak. Pamilya ko sila.

Dumating si Heather, at doon ko lamang nahanap ang dahilan para magpatuloy sa paghinga. I feel so contented having her around. Hindi na naging madalas ang pagtitig ko sa kalangitan, ang palagi ko na lang ginagawa ay ang tumakbo kasama siya hanggang sa hingalin kaming dalawa.

Nasa ayos ang lahat, payapa ang paligid, banayad ang simoy ng hangin nang biglang mapalitan iyon ng nakakatakot na pangyayari dahil sa biglaang pag-atake.

It was horrible. Seeing those angels laying lifeless and watching those demons things I can't even imagine. That was a nightmare that I won't never forget. It was already mark in my mind.

Those dark memroy had embrace my mind for years. It was hiding in the depths of my heart. When I lost Heather, it was like I just died. In the years of suffering every night, that her screaming voice keeps playing in my mind, I almost become insane. It was a torture.

I'm breathing in misery through those eight years. It was a terrible experience that I don't want to turn back again.

Sobrang dilim ng mga panahon na iyon sa akin. Wala akong makita kundi ang patuloy na pagbabalik na tanaw sa masalimoot na pangyayari. Hanggang sa dumapo ang tingin ko sa pares ng madidilim na mga mata na puno ng intensidad. Mababakas ang panganib roon pero hindi ako makaramdam ng takot kahit na bumibigat ang paghinga ko sa pagtitig sa kanya.

Sa unang pagkakataon, ay naramdaman kong naging marahas ang pagpintig ng puso ko.

Mabilis na nagtaas baba ang dibdib ko ng maramdaman ko ang hangin na nagsisimulang pumasok sa buo kong katawan. Malakas akong napasinghap ng maramdaman ang muling pagpintig ng puso ko.

Agad kong dinilat ang mga mata at hindi ko makita ng mabuti ang imahe na nasa harap ko dahil malabo pa iyon. Ilang hingang malalim at segundo ang nagdaan ay dahan dahang luminaw ang mga mata ko at unang sumulabong sa akin ang nakangiting mukha ni Heather at Ingrid.

"Sa wakas ay gising ka na, Astrid!" maligayang saad ni Ingrid at hindi ko magawang ngumiti sa kanya dahil parang manhid pa ang buo kong katawan. Wala akong magawa kundi pagmasdan lang silang dalawa.

"Sobra mo akong pinag-alala, Astrid. Natulog ka ng sobrang tagal."  si Heather at natigilan ako ng makita ang luha na nangingilid sa mata miya at mabilis niya iyong pinunasan.

Sinubukan kong buksan ang labi ko pero gumalaw lang iyon ng kaunti. Hindi ko mahanap ang tinig ko dahil sa nanunuyo kong lalamunan.

"T-T-Tubig..." halos hindi ko masabi ang salita at kumunot saglit ang noo ni Ingrid sa sinabi ko pero si Heather ay agad na naunawaan iyon. Mabilis siyang nawala sa harap ko para kumuha ng tubig.

Embracing His Downfall (Archangel Series #2) Where stories live. Discover now