Prologue

47 3 5
                                    

Prologue

"Thewson, I chose you over everything! Ngayon sabihin mo sa akin, bakit hindi ako pinili mo?"

There are a lot of questions left unanswered. A lot of questions that deserves an answer.

"I told you Selcri, there are words that are better left unsaid. Mas masasakta--"

Nagsimulang dumausdos ang mga luha sa aking pisngi. Ninanais kong pigilan ito sa pagpatak ngunit nabigo lang ako. Patuloy ito sa pag-agos, patunay ng aking nawasak na sarili. I felt so betrayed.

"I'm sorry."

That was the only thing he said. I watched him turn his back on me, leaving me with all the unanswered questions in my head. I can clearly hear his footsteps, walking away from me, walking away from my life, and never coming back again.

Are you really walking away from me without answering all the questions, Thewson? That's so unfair of you.

I felt my heart being torn to pieces. Sobrang sakit ng puso ko na para bang tinusok ito ng sandamakmak na kutsilyo. That knives are his words, his painful words that pierced my heart until it crumbled to pieces.

I covered my face with my hands as I continued to sob. He left me behind, again. At kapag babalik ulit siya, tatanggapin ko ulit.

Nakakapagod na. Paulit ulit nalang ang ganitong pangyayari. Kapag aalis siya, iintindihin ko at hihintayin ko kung kailan niya ako babalikan. Kapag bumalik siya, aalis din naman siya ulit.

Ano ba ako? Takbuhan lang? Past time?

"Thewson, I did a lot for you! I sacrificed a lot for you! Bakit hindi pa rin? Bakit wala paring epekto sa iyo? What else did you need for you to see me? Ano pa ba ang kulang ko, Thewson?"

I mumbled to Thewson's back, but I know it's no use, he will never listen to me, and he has no plans on answering my questions. Sino nga ba naman ako diba? I'm just Selery Crissiel Limona, maybe what he said back when we we're still teens was just nonsense. Ako lang talaga yung umasa na may ibig sabihin ang lahat ng iyon, niloloko ko lang ang sarili ko.

Napaupo ako sa damuhan at iyak parin ako ng iyak. Hindi ko alam kung titigil pa ba ako sa pag-iyak sa puntong ito. Ang sakit sakit, para bang inihulog ako mula sa langit tapos bumagsak ako sa isang mabatong lupain. I am bruised everywhere, but the critical part is my heart, because it really crumbled to pieces, and the other pieces are gone. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumangon mula sa pagkabagsak ko.

I punched my heart a lot of times while I continued to sob, as if it will help the pain go away. I feel like this pain will always be here forever, and I feel like my heart will never go back the way it used to be. I feel like, this heart, will be broken forever.

How could such man make me miserable like this? I feel so hopeless. I don't know where to start picking myself up. I don't have the strength to stand up from all of this.

I tried to calm myself down. Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na umaagos na tila ba hindi ito mauubos. Hinawakan ko ang dibdib ko at ilang beses huminga ng malalim. Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon hanggang sa tuluyan ko ng mapakalma ang sarili ko.

Pinunasan ko ang mga natitirang luha sa aking mata habang tinitingnan ang papalayong rebulto ni Thewson. Sobrang layo na niya sa akin.

"Thewson, answer me, why?"

I mumbled to myself. Alam ko namang napaka-imposibleng marinig ni Thewson ang sinasabi ko at alam ko ring napaka-imposible na sagutin niya ang mga tanong na nasa isip ko.

Bakit parang napakadali sa kaniyang iwan ako? Ano ba talaga ako sa buhay niya? Am I just a substitute to someone? Pampalipas oras lang ba niya ako? Did he really love me? If not, then what was those words from before? Are they all just lies? Bakit niya ako niloloko? Bakit niya kailangang sabihin yon?

Sobrang daming tanong na rumaragasa sa isip ko at habang iniisip ko ito ay naiiyak ulit ako. Buti nalang sa oras na ito ay nagawa ko nang pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.

Bumuntong hininga ako at tumayo. Pinagpagan ko ang sarili ko dahil sigurado akong mayroong mga damo na dumidikit sa akin. Buti pa ang mga damo, dumidikit sa akin, si Thewson? Alis nang alis, hindi man lang sasabihin sa akin kung bakit napakadali lang sa kaniyang iwan ako habang ako dito ay nahihirapan nang intindihin siya.

Napangiti nalang ako nang mapait at tumingin sa langit na punong puno ng mga bituin. How I wish I could finally find the answers to all my why's. And when that day comes, I'll surely do everything to move forward, and choose myself.

Paalis na sana ako ng nakarinig ako ng yabag ng paa na tila tumatakbo. Nakatalikod na ako at naramdaman ang pagbilis nang tibok ng puso ko dahil may namumuong pag-asa sa akin na sana ay si Thewson ito, na bumalik para sagutin lahat ng tanong ko.

Tumigil ang yabag ng mga paa at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na tinig. Tila ba tumigil sa paggalaw ang paligid ko nang tiningnan ko siya.

His hands are on his knees and he is catching his breath. Dali-dali akong lumapit sa kaniya para tulungan siyang tumayo ng maayos.

I don't know why am I still helping him stand even after everything he has done to me.

Do you really need to ask that yourself, Selcri? Of course! Marupok ka, kaya ngayong bumalik siya, para ka nang ulit tanga na habol nang habol diyan!

Bumuntong hininga nalang ako. I am scolding myself, just how stupid can I be? Andito na naman si Thewson, at hahabulin ko na naman, just like the usual.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Thewson, are you okay?"

Huminga siya nang malalim at nag-angat ng tingin.

"Selcri, I will answer your questions. Just promise me that after this, you are going to erase me from your life."

Answer Me, Why? (Flaw Series#1)Where stories live. Discover now