Chapter 1

23 2 0
                                    

Chapter 1

"Sir! May tanong po ako," ani ni Chellari habang nakataas ang kamay.

Tumaas naman ang kilay ni Sir Ted ngunit agad din namang tumango. Napalingon ako kay Chellari nang tumayo ito.

"Sir, paano po kapag may isang tao kang minamahal ng buong-buo, ngunit ang taong iyon ay hindi kayang suklian ang naramdaman mo?"

Napa-ohh ang iba kong kaklase dahil sa tanong ni Chellari. Maingay silang lahat samantalang ako ay napalunok dahil tinamaan ako sa tanong.

Tumikhim si Sir Ted at agad namang tumahimik ang mga kaklase ko. Napaayos ako ng upo at taimtim na naghintay ng sagot.

Bumuntong hininga si Sir. "Hindi naman natin mapigilan ang magmahal ng buong-buo, mga anak."

Napalunok ulit ako.

"Pero..." He closed his fan and crossed his arms while looking seriously at us. "May common sense naman siguro tayo? Kung alam mong wala kang pag-asa, edi bakit naghahabol ka pa?" Huminga siya nang malalim at umupo. "Let's say it's hard to unlove someone. But you should know when to stop. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan mong magpatuloy. Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangan mong lumaban. You can stop loving that someone and start loving yourself."

Binalot nang katahimikan ang buong silid. Walang ni-isa ang nagtangkang magsalita sa amin dahil sa narinig.

Tahimik akong napabuntong-hininga. Tagos na tagos sa akin ang sinabi ni Sir Ted. Pakiramdam ko ay tinanong iyon ni Chellari para sa akin, para ipamukha sa akin na kailangan ko nang tumigil sa paghahabol kay Thewson.

As if naman gagawin ko 'yan. Ginawa ko na noon, ngunit hindi ako nagtagumpay. Edi huwag nalang.

"Eh sir, mahirap gawin 'yan." Komento naman ni Farrah.

Ngumiti naman si Sir. "Wala namang madali sa mundo. It's a process, hija. Loving yourself is a process."

Napatango-tango naman ang iba. Samu't-saring komento ang naririnig ko sa mga kaklase ko. Hindi na ako nag-abalang pakinggan pa dahil mas abala akong mag-isip kung tama bang mahalin ko na ang sarili ko at tigilan na si Thewson.

"Alam niyo, ang babata niyo pa. Focus on achieving your dreams. Focus on making yourself happy without the help of that 'love' we just talked about," aniya at tumayo nang may hawak na ulit na libro sa kaniyang kaliwang kamay.

"So, let's go back to our topic..."

Lutang na lutang ako habang nagdi-discuss si Sir sa harap. Binabagabag ako ng kaniyang sinabi kanina.

Love yourself... psh, bahala na. Go with the flow nalang ako sa buhay ko. Kapag masasaktan, edi wow.

Napalingon naman ako kay Thewson na nasa tabi ko, seryosong seryoso na nakikinig sa dini-discuss ni sir. Talaga namang sinuwerte ako ngayong taon dahil nakatabi ko ang crush ko. Sinadya ata talaga ng tadhana na magkalapit kaming dalawa, para talaga kami sa isa't isa.

I bit my lower lip to stop myself from smiling. Naka-clean cut ang maitim niyang buhok. He has a-not-so-defined jaw. Mayroon din siyang pimples sa mukha niya ngunit gwapo pa rin. Matangos din ang kaniyang ilong at katamtaman lang ang kapal ng kaniyang kilay. Katamtaman lang din ang laki ng kaniyang mata at kulay kayumanggi ito. Parati lang nakakunot ang kaniyang noo, ngunit gwapo pa rin.

Nag-iwas agad ako ng tingin nang mapagtanto kong masyado ko na siyang tinitigan. Baka isipin pa niyang nabaliw na ako, kasi oo naman... baliw na baliw naman talaga ako sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Answer Me, Why? (Flaw Series#1)Where stories live. Discover now