Kabanata 36

15 1 0
                                    

[Chapter 36]

Tondo,manila
La isla Filipinas.

Malalim na ang gabi ngunit narito pa rin kami sa salas,nakaupo kaharap ang mahabang mesa. Halos kalahati sa grupo ng mga rebelde Aya narito sa bahay ni maestro suliman.

Nasa kabisera nakaupo si kuya lucas at nasa pang apat na upuan ako sa kaliwa ni kuya Lucas. Katabi at kaharap ko ang mga rebelde na nagluluksa din sa biglaang pagkawala ni maestro.

Pinatawag silang lahat ni kuya Lucas para sa isang importanteng pulong. Pagusapan nila ang nangyari kay maestro suliman sa isla aparecio at kung sino ang may gawa nang pangyayaring iyon.

Nanatili lang akong nakayuko at mahigpit na nakahawak sa palad ko. Hindi ko pa matanggap ang nangyari,hindi ko kayang paniwalaan na sa harap ko mismo nawalan ng buhay si maestro..at wala akong nagawa para tulungan siya.

"Nakilala na ang lalaking pumatay kay maestro"sambit ni Antonio na kararating lang mula sa labas. May nilapag siyang kalatas sa mesa katapat ni kuya Lucas.

Agad namang binuksan iyon ni kuya Lucas ng nagtataka. Lahat kami ay hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ni kuya sa nilalaman niyon. Nanatiling walang emosyon si kuya at seryosong tumingin sakin saka hinarap sa amin ang kalatas,bahagyang nagulat ako sa nakita dahil sa simbolo na nakalarawan sa kalatas.

"Alam mo kung ano ito hindi ba,Mona?"seryosong tanong ni kuya Lucas. Hindi makapaniwala akong tumango.

"Iyan ang simbolo na nakita sa bandang dibdib ng salarin sa pagpatay...."paliwanag ni Antonio. Napayuko ako at nararamdaman kong muli ang nagbabadyang mga luha sa mata ko.

"Kilala n'yo kung kanino ang simbolong iyan?"tanong namn ng isa sa mga rebelde. Nagtataka naman akong tumingin sa kanila.

"Hindi n'yo po ba alam kung sino ang pinuno at nagmamayari ng simbolo na iyan?"takang tanong ko. Umiling naman sila kaya napatingin ako kay Antonio. Wag niyang sabihing hindi niya pa nasasabi sa buong kasapi ang nalalaman niya?

"Patawad,ngayon ko lang ito sasabihin....ang simbolong iyan ay tanda sa mga tauhan ni cathalina at ng kaniyang ina"nakayukong wika ni Antonio. Nagulat ako nang ibagsak ni kuya Lucas ang hawak niyang kalatas. Inis na inis siyang tumayo s a kinauupuan.

"Sinasabi ko na nga ba't sila ang may kagagawan"madiin na saad ni kuya. "Gagawa tayo ng plano ngayon upang makapaghanda sa paglusob!"patuloy niya. Halos napunit na ang kalatas sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Isa na namang kaguluhan ang magaganap. Hindi ko na ata kayang may mawala pang mahalagang tao kung hindi ko sila pipigilan.

"Kuya-"

"Bukas ng gabi ang tamang oras upang maging matagumpay ang paglusob..."putol ni kuya Lucas sa sabihin ko.

May pinakuha siyang malapad na papel na mukhang mapa. Tinitigan ko ito ng mabuti. Mapa nga ito. Ang mapa ng isla aparecio.

"Sigurado akong hindi nila alam na kasapi natin si maestro suliman kaya't hindi nila aasahang susugod tayo s a mansion.."

"Kung gayon ano ang unang hakbang?"tanong ni mang Pedro. Itinuro naman ni kuya Lucas sa mapa ang kinaroroonan ng Hacienda cristobal.

"Palilibutan natin ang buong bayan upang walang makalabas at makapasok sa bayan na maaaring maging banta sa ating plano" paliwanag niya habang pinapaikot ikot ang hintuturo niya sa buong mapa.

"kailangan din nating mapatulog muna ang mga guardia upang makalikom tayo ng mas maraming armas at sunod ay ang pagdakip sa mag ina"patuloy niya. Napatango tango ang lahat,nanatili lang akong nakikinig sa pinaguusapan nila kahit na hindi ako sangayon.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon