Kabanata 46

18 1 0
                                    

[chapter 46]

Nagising ako dahil sa usok na nalalanghap ko. Unti unti kong minulat ang mga mata ko saka dahan dahang umupo sa hinihigaan kong papag.

"M-manang Lisa?"kinusot ko ang mata ko upang malinaw kong makita kung si manang lis aba itong katabi ko na diretso lang nakaupo at nakatingin sa pintong gawa sa kawayan.

"Ikaw nga po manang Li-"

"Maguumpisa na.."putol niya sa sasabihin ko.

"Ho?"

"Maguumpisa na ang nakasulat na tadhana...mag iingat ka"seryoso niyang saad sak tumayo sa kinauupuan niya at lumabas ng kubo.

Nagmadali naman ako at sinundan siya sa labas. Sinigaw ko ang pangalan niya upang tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.

Inangat ko na ang suot kong baro't saya n pang kasal at hinabol siya kahit pa nakayapak ako. Hindi ko alintana ang putik na naapakan ko basta't maabutan ko lang siya.

"Manang Lisa!"sigaw ko at inabot siya sa balikat nang akin siya'y maabutan.

Labis na lamang ang kaba at kilabot ang ramdaman ko nang bigla siyang maglaho sa mismong harapan ko.

"Binibini!"napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Gising na ang binibini!"sigaw niya sa mga kasamahan niya. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nasa dilim kami. Napansin ko naman ang paglapit ng mga kasama niya.

Muli namng nanumbalik sa isip ko ang nangyari kanina. May nagpatigil ng kasal namin ni Adonis at binaril si dom ng isa sa dumukot sa akin.

"Iha-"

"Huwag kayong lalapit!"banta ko s kanila at bahagyang humakbang palayo sa kanila.

"Sino kayo? Bakit niyo ako dinala dito?"tanong ko. Pumulot ako ng bato sa lupa upang maging sandata kung sakaling may kilosin silang masama.

"Huminahon ka,binibini..."

"Kailangan kong makabalik sa amin,kailangan ako ni dom!"putol ko sa sasabihin nila. Nilibot ko ang paningin sa paligid.

Sa tingin ko ay nasa malawak kaming kabundukan at ang mga bahay kubo rito ay kaunti lamang. May malaking siga ng apoy din na pinalilibutan ng hiwalay hiwalay na kubo.

"Delikado na,binibini. Maaari kang mapahamak sa gitna ng kagubatan.."alalang tugon ng matandang babae.

"H-hindi po...mas delikado ako rito! Binaril niyo si dom!"

"Maghunos dili ka,binibini.."awa't nila pero hindi ako nagpatinag. Hawak ko parin ang batong matulis at nakatutok sa kanila.

Nakuha ng pansin ko ang pag gulong ng santol hanggang sa tumama ito sa paanan ko. May pumulot nito na lalaki na may dalang lampara.

Pagkatayo niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magtama ang aming paningin. Kitang kita ko na ngayon ang mga mukha ng pumipigil sa akin at ang lalaking may hawak ng lampara. Pamilyar sa akin ang mukha niya.

"Paumanhin. Nabitawan ko kasi ito kaya't tumama sa iyong paanan.."hingi niya ng paumanhin. Hindi ko parin maalis ang tingin ko sa kaniya.

Matangkad,may itsura,may magulong buhok na tumatama sa kaniyang mata at may ngiti na sadyang nakakatunaw.

"Ako na po ang bahala sa kaniya. Ako na rin po ang magpapaliwanag ng lahat s a kaniya.."natauhan ako sa pagsalita niya.

Napatingin ako sa mga pumigil sa akin. Mukha naman silang mababait at kitang kita sa mata nila ang awa at pag aalala para sa akin.

We meet again, Binibini.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon