Chapter 2

75 2 0
                                    


"Seriously? Dyan ka uupo?"kunot-noong tanong ni Benjie nang umupo si Venus sa tabi niya, kahit na may pwesto pa naman sa harapan ng binata.

"Bakit? Aangal ka?"masungit na balik naman ni Venus.

"Ikaw wag ka ngang um-attitude sakin! Baka nakakalimutan mo, boss mo pa rin ako."sabi ni Benjie habang nagf-facebook sa cellphone nya.

"Technically, you're not my boss. Si Sir Antonio ang boss ko."

"And I'm his son. You work for me too."tinawanan naman sya ng dalaga, na mas lalong nagpainis sa kanya.

"Excuse me, Mister Viceral. I don't work for you. I work with you. Kuha mo?"Venus told him, one eyebrow raised.

"You're unbelievable."

"I prefer the adjective awesome, but sure you can call me unbelievable too."nagulat si Benjie nang magsindi ng sigarilyo si Venus.

"Teka lang, hoy! Wag ka dito mag-yosi, mamamaho 'tong sasakyan ko at baka dumikit pa amoy nyan sa damit ko!"reklamo ni Benjie.

Para namang hindi siya narinig ni Venus at nagpatuloy lang sa paninigarilyo.

"Don't pretend as if you don't smoke too. Kagabi nga, ang baho ng bunganga mo eh. Pinaghalong alak at sigarilyo yung amoy."

Argh. I hate this woman.

"Great, we're here!"nakangiting saad ni Venus nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng kumpanya ng mga Viceral. "Ano, hindi mo ba bubuksan yung pinto?"tanong sa kanya ni Benjie.

"No. Let's wait for Sid to open the door."

Sid opened the door for the both of them at nauna namang bumaba si Venus. Umirap naman si Benjie bago siya sumunod dito.

Hindi sila nagsasalita habang naglalakad sa loob ng building. All eyes were on them, at walang nagtangkang humarang sa daraanan nila o sumabay sa kanila sa elevator.

"Sino yung merlat? Ang gondo ha!"

"OMG! Jowa na ba yon ni Ser? Bagay sila!"

"Huy! Sino yung maganda?"

Rinig nilang bulungan ng mga empleyado.

"Pinagtatrabaho kayo rito hindi para mag-chismisan.  Everyone, back to your stations!"masungit na sigaw ni Benjie.

Palihim namang natawa si Venus sa tinuran nito.

"Inggit ka lang eh."bulong ng dalaga sa kanya. "Alam kong nagmamaganda ka kapag walang nakatingin."

Napalunok si Benjie dahil doon. Hindi nagtagal ay dumating na sila sa 15th floor. Lahat ng bodyguards ay naiwan sa labas ng opisina ni Benjie, pero sumama pa rin sa loob si Venus.

"I know everything about you, Benjamin. I know what kind of games you play. I know the people you play those games with. And I know they aren't just girls, Benjie."nakangising sabi ni Venus habang naglalakad-lakad sa malaking opisina ni Benjie.

"Hoy babae, wala akong alam sa mga pinagsasasabi mo. Atsaka pwede ba? Maupo ka nga, nahihilo ako kakaikot mo dyan."sabi naman ni Benjie habang binubuhay ang kaniyang laptop.

"Terrence Romeo, Bridget Padilla, Kaye Abad, Solenn Heussaff, Zanjoe Marudo, sino pa ba?"

"Wala nga akong alam sa pinagsasasabi mo."

"Bridget was your latest, right? Pero kahit na may Bridget ka na, palihim ka pa ring nakikipagkita kay Terrence. But before those two, you were fucking Solenn right? Ang si Kaye—"

"Look, kung wala ka namang sasabihing matino, manahimik ka nalang, pwede? And para naman may magawa ka, why don't you get me some coffee?"

Tinawanan naman siya ni Venus.

Guns and KissesWhere stories live. Discover now