• one •

3.9K 50 15
                                        

"KIM NAMJOON!"

"KIM SEOKJIN!"

"MIN YOONGI!"

"JUNG HOSEOK!"

"PARK JIMIN!"

"KIM TAEHYUNG!"

"JEON JUNGKOOK!"

"BTS!!"

"Aaaaahhhhhh!!!!"

Napa roll eyes nalang ako sa bestfriend kong kanina pang nag fafangirl sa mga koreanong palagi nyang bukambibig.

"Jill, alam mo araw araw mo yan pinapanood yang mga...koreanong yan eh magkakamukha lang naman yan.." Sabi ko habang pinagpatuloy ang pagsulat ng project namin.

Nagulat ako nang tumayo sya bigla biglaan kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh?" tanong ko.

"Abby Abby Abby..." Tawag nya sa pangalan ko.

"Look at their beautiful and handsome faces! ohhhh! look!" sabi nya sabay kuha ng picture na nakatayo silang lahat at dinidiin nya ito sa mukha ko.

"Teka teka! naduduling ako tsk." Sabi ko at sinamaan ko sya ng tingin sabay kuha ng picture.

"Oh? ano espesyal dito? para silang magkakambal." sabi ko habang tinitignan tig iisa silang pito.

"Anong magkakambal? hindi sila magkakambal." Sabi nya sabay kuha ng litrato saakin.

"Makinig ka sa akin.. Ito si Jin." Sabi nya sabay turo sa lalaking kulay pink ang buhok. "Kim Seok Jin ang kanyang tunay na pangalan, sya ang pina ka matanda sa kanilang pito." Dagdag nya pa.

"Eto si Suga." Sabi nya sabay turo sa lalaking sobrang puti. Kapatid ba to ni Snow White? "Min Yoongi yung kanyang real name, kumbaga stage name nya yung 'Suga'" Sabi nya.

"Eto si RM." Sabi nya sabay turo sa lalaking may dimples. "Kim Namjoon yung real name nya and sya ang leader nila." Sabi nya kaya tumango nalang ako, wala din silbi pag mag reklamo akong bakit nya ito kinikwento sakin dahil sasabihin at sasabihin nya lang din naman yun sakin.

"Eto naman si JHope, his real name is Jung Hoseok." Sabi nya at tinuro yung-

"Teka, si Vice ba yan?" Tanong ko sabay turo sa lalaking ang pangalan daw ay JHope?

I looked at her as she rolled her eyes.

"Marami ang nag sasabi ng ganyan pero hindi... hindi yan si Vice." sabi nya. "ahh, okay." sabi ko nalang.

"Eto si Jimin.." Sabi nya sabay tili ng mahina habang tinuturo yung lalaking may kulay violet? ash grey? basta ganun na kulay ng buhok. "Park Jimin yung real name nya at asawa ko yan kaya wag na wag mong aagawin sakin." Sabi nya kaya napa roll eyes nalang ako.

"Sayong sayo.. D ko naman sila kilala." Sabi ko nalang..

"Hmm eto naman si V, real name nya is Kim Taehyung.." Sabi nya sa lalaking may boxy smile.

Ang cute nya impyernesss

"And last but not the least is yung maknae nila." Sabi nya sabay turo ng lalaking nasa gitna ng picture.

"Sino sya?" Tanong ko sa kanya kaya napatawa sya ng mahina.

"Bakit? gusto mo sya? yiiieeeee!" Sabi nya sabay hampas sakin.

"Aba! Sige wag nalang." Sabi ko sabay tuon ng tingin ko sa project ko.

"Oo na eto na hmp, tingin dito." Sabi nya kaya tumingin naman ako sa direksyon nya.

Not your fan ; BTS Jungkook ff ✔ [TagLish]Where stories live. Discover now