-Love Doesn't Exist-
CHAPTER 11.
Napamura nalang ako sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit pero inis na inis talaga ako sa babaeng 'yun, bukod sa ang sama niyang tumingin sa'kin lagi ay 'yun pala ex niya si Lui?
Ang masasabi ko lang ay napakaliit talaga ng mundo. Sa dinami dami ng pwedeng maging ex niya ay bakit si Francine pa? I know naman na maganda siya at maputi pero attitude.
Now i know kung ba't ang sama niya tumingin sa'kin lagi. Kaya pala ganon nalang siya kacurious kung kaano ano ko si Lui. Yun pala ay ex niya, Shit.
Lumabas ako ng cr nang narealize kong wala na sila. Dali dali akong tumakbo kila Icah pero hindi ko na sila mahanap. Nasa gitna na sila ng sayawan pero ang daming tao kaya hindi ako makasingit.
Napaupo nalang tuloy ako sa couch at inintay nalang silang tumigil sa kakasayaw. Uminom ako ng isang shot ng tequila at halos mabasag ko ang shot glass.
"Are you okay?" Narinig kong may nagsalita mula sa likod ko, nang lingunin ko ito ay si Lui lang pala.
"Yes." Sagot ko.
"Baka malasing ka nanam--" Hindi ko na siya pinagpatuloy dahil nagsalita agad ako.
"Ok lang ako." Mabilis kong sagot sakanya, umupo siya sa tabi ko.
"Nasaan 'yung mga kasama mo?" Tanong niya at tumingin tingin din sa paligid.
"Nasa gitna, sumasayaw sila." Simple kong sagot.
Gusto kong tanungin siya kung ex niya ba talaga si Francine? Gusto kong kausapin si Francine at sasabihin sakanyang kanyang kanya na si Lui dahil hindi ko siya aagawin. Kaya siguro laging ang sama ng tingin niya saakin.
"Mabuti, masosolo kita." Nagulat ako sa bigla niyang sinabi kaya nanlaki naman ang mata ko.
"May sinasabi ka?" Kahit narinig ko siya.
"Huh? A-ah wala." Nauutal niyang sinabi kaya napatawa nalang ako.
"Ang ganda pala ng boses mo." Nakangiti kong sinabi sakanya saka uminom ng isang shot.
"Salamat." Nakangiti niya ding sinabi sa'kin.
Nabalot ang katahimikan sa'min dalawa, tunog lang ng music ang tanging maririnig. Hanggang ngayon hindi pa nabalik sila Icah, feeling ko baka iniwan na ako. Lagi naman.
"11pm na, hindi pa kayo uuwi?" Tanong ni Lui na hanggang ngayon ay nasa tabi ko, napatingin ako sa gitna at nakita kong hindi na masyadong madaming tao.
"Sige, pupuntahan ko na mga kasama ko." Sabi ko at nag ambang tatayo pero hinawakan niya bigla ang braso ko kaya napatigil ako.
"Happy Birthday." Bati niya ulit sa'kin at nginitian ko nalang siya.
Umalis na ako sa couch at nagsimula na silang hanapin sa gitna since medyo konti nalang ang tao. Hindi ko sila makita, hindi naman aalis si Icah nang hindi ako kasama dahil gabi na ngayon.
"Irene! Let's dance!" Sigaw ni Icah na bigla akong hinila at pinilit na sumayaw. Lasing nanaman siya mygad.

YOU ARE READING
Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)
RomanceMatsona Series #1 Irene Avylile Matsona, a typical broken hearted girl slash bitter. Her ex turned her into cold and stone hearted woman, but what if after her heartbreak is there a true love that will come, a true love that doesn't exist for her bu...