Chapter 16

941 102 2
                                    

-Love Doesn't Exist-

CHAPTER 16.


Isang linggo ang lumipas at nakaalis na din kami sa wakas sa Cebu, nakabalik na kami rito sa Manila at matagal tagal pa daw ang susunod na fashion show. Parang break namin ngayon.


Nakauwi na ako sa bahay at agad akong sinalubong ni Icah, abot tenga ang kanyang ngiti at sigurado akong miss na niya ako. Isang linggo lang naman akong nawala.



Nilapag ko agad ang gamit sa kwarto ko, umidlip lang ako ng dalawang oras at agad na nagising. Pupunta pa kaming bar ni Icah at balak ko ulit isama sila Keyra at Kendal.



Nakaupo kami dito sa couch habang ang kambal ay nakakarami na ng inom. Nakatitig lang ako sa alak na nasa baso ko, lagi nalang may sumasagi sa isip ko at hindi ko na rin talaga alam.



Since umamin sa'kin si Lui ay nakaramdam ako ng kakaiba, hindi ko alam kung ano pero sobrang kakaiba. Hindi ko naman ito naramdaman sa kapatid niya pero sakanya ay naramdaman ko. Parang matagal ko na nga siyang kilala kaysa kay Zander.



Pero syempre ang totoo ay mas matagal ko nang kilala si Zander kaysa sa kapatid niya. I have this weird feeling na parang mas matagal ko nang kilala si Lui kaysa sakanya.



Iba iba ang bumabagabag sa isip ko, feeling ko sincere sa'kin si Lui pero hindi. Syempre may girlfriend na ata siya at si Francine 'yon. Pagkatapos niyang umamin sa'kin ay binalikan niya naman ang ex niya.


Naguguluhan na nga ako sakanila ng kapatid niya, hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko sa mga sinasabi nila. Feeling ko ginagamit lang ako ni Lui? Feeling ko naman niloloko lang ulit ako ni Zander? Ganon kagulo ang isipan ko kaya idadaan ko nalang ito sa pag-inom.


Nakakadalawang shots palang ako samantalang ang mga kasama ko ay nakakailan, may mga lalaki na nga dito sa table namin at nilalandi na 'yung kambal. Kami nalang ni Icah ang matino ngayon.


Hindi ako kinakausap ni Icah at nakatutok nanaman siya sakanyang cellphone, tinititigan ko lang siya ng masama pero hindi pa rin ako nililingon. Hindi ko na alam sa babaeng ito.



Nang tumugtog na ng malakas ay nagpuntahan ang mga tao sa gitna para magsayaw. Gusto kong magsaya ngayon kaya hinila ko si Icah papunta sa gitna at nakisabay kami sa music.



Sinabay ko ang pagtaas ng kamay ko sa beat ng music, kahit hindi pa ako lasing ay para na akong lasing kung sumayaw, ganon din naman si Icah at patawa tawa pa siya. Tulog na kasi ang kambal at nakahilata na sa couch.



Kumuha ako sa waiter ng ilang shots. Lumipas ang ilang oras ay andito pa din kami ni Icah at nag e-enjoy sa beat ng music. Medyo lasing na din ako dahil hindi ko na kayang magsayaw ng todo, feeling ko iikot na ang mundo ko.



"Let's dance?" May lalaking naglahad ng kamay sa harapan ko, hindi ko siya kilala pero ako na ang kusang humawak sa kamay niya.



Sumayaw kaming dalawa na parang tanga lang, matigas ang katawan niya kung sumayaw. Nilalapit pa niya ang katawan niya sa katawan ko pero wala akong magawa dahil parehas kaming lasing.



Bigla niya akong inakbayan, napatingin ako sa paligid at nanlaki ang mata ko nang nawala sa paningin ko si Icah. Hindi ako nagpanic dahil baka kung saan lang siya nagpunta, kinakabahan ako dito sa lalaking naka-akbay sa'kin at may pagnanasa ang tingin.



"Fvck!" May narinig akong sumigaw mula sa likod ko, hinila ako nung sumigaw at dinala pa ako sa parking lot.



Nakatalikod siya habang hinihila ako at dinadala sa parking lot, kinusot ko ang mata ko at tinitignan ko kung tama ba itong nakikita ko. Si Lui ang humihila sa'kin.



Love Doesn't Exist (Matsona Series #1)Where stories live. Discover now